CHAPTER 29

966 12 4
                                    

Lumipas ang isang buwan wala akong balita tungkol kay Ethan. Sa T.V., radio, newspaper, at kahit anong social media platforms. Kahit si Andrie Wala balita kay Ethan. 


"Amber!" Bati ni Valerie ng makapasok sa Cafe Bake Shop ko kasunod niya si Andrie. 


"Valerie! Andrie! Upo tayo don," aya ko sa kanila. Nag order na ako ng para sa amin. 


"Kumusta kana?" Tanong ni Valerie. 

"Ayos lang naman," sabi ko. 


"Magkasama kayo ha?" Tanong ko naman sa kanilang dalawa. Dumating na rin ang order ko. 

"Kayo na ba?"  Tanong ko ulit. 


"Y-yes" sagot ni Valerie. 


"Sabi ko na may something talaga sa inyong dalawa. Bakit ngayon niyo lang sinabi? Kailan pa? Hala wag mo sabihin na buntis ka Val!" Sunod sunod Kong sabi. Lumaki na man ang mata no Valerie sa sinabi ko si Andrie ngumisi naman.


"Bunganga mo Amber!" Sigaw ni Valerie. 

"Bakit ka tumatawa dyan?! Nakakainis ka!" Sabi nito kay Andrie.

"Why? I love you and what's wrong with that?" Sabi naman ni Andrie.

"Kasal muna bago anak, please lang.." pagda-drama ko sa harapan nila. 



Inis akong tinitigan ni Valerie.


"Wag ka nga dyan! Ikaw nga Amber! Kakasagot mo lang kayi Ethan non tapos-" Tumigil siya ng mapansin niyang nanahimik ako sa sinabi niya. 



"I mean…look, Amber. I'm sorry if nagtago kami ni Andrie sayo. Alam mo naman ako, hindi ako pwede pumasok sa sobrang ma-emosyon dahil hindi kakayanin ng puso ko. Gusto ko magka-anak, oo, pangarap ko rin maging nanay, oo. Pero iba kasi ang sitwasyon ko sayo." Sabi ni Valerie. 


"And yes, kasal muna bago anak." Sabi niya sakin. 



"I'm sorry, Amber." Sabi ni Andrie. 


"Ano ba kayo! Ayos lang! Totoo naman yon. Hindi naman ako kagaya ng Amber na kilala niyo. Hindi na ako iyakin." I lied.

Palagi akong umiiyak kahit sa maliit na bagay. Alam ko kasi sa sarili ko na kulang ako sa atensyon. Kulang ako sa aruga ng magulang. Kulang ako sa pagmamahal.

"Liar! Kilala ka namin Amber. You are soft. You are sensitive…kaya pasensya na." Sabi ni Valerie. 


Am I sensitive? I guess yes. Iniiyakan ko kahit ano eh. Nabalot kaming tatlo ng katahimikan. 


"Miss Amber…" tawag sakin ng isa kong empleyado.


"Ano yon Christine?" Sabi ko. 

"Pasensya na po sa abala…kailangan kasi ang pirma niyo para po sa bagong stock ng harina…" sabi niya. 


"Oo nga pala ngayon delivery…sige paki hintay nalang ako don." Sabi ko sa kanya at nginitian.

Nakita kong nakatingin ang dalawa sa akin. Tila naiinis dahil inistorbo kami ng trabahador ko.

"Ano ba yan!" Pagtatampo kunwari ni Valerie. 

"Love, sandali lang naman si Amber don. You know, Owner things." Sabi ni Andrie. Umirap lang si Valerie at nag cellphone na.

"Sige na po madam… hintayin ka na lang namin dito." Sabi mi Andrie.

The warmth in his arms  Where stories live. Discover now