"Let's go baby?" Tanong niya ng makapasok sa apartment ko at inabot ang mapupulang bulaklak. Nakasuot siya ng itim na tee-shirt at cream color pants at naka suot ng itim na belt nakasuot rin siya ng apple watch.
"Tara na," sagot ko.
Papunta kami ngayon sa San Agustin Church. Nabanggit ko kasi noong nakaraang sa kanya na gusto ko mag Simba doon at sasamahan niya ako. Ethan Calle Ford ang tipo ng lalaki hindi pala Simba sa simbahan pero makadiyos. Noong nakaraang bumisita ako sa condo niya may parte doon na may altar maski nga itong sasakyan niya ay may maliit na Bible sa compartment.
"Pasok na tayo," aya ko ng makarating kami.
Nang makarating kami ay halos mangabali na ang leeg ng nga kababaihan dahil ang gwapo naman kasi ng kasama ko. Tinignan ko ang katabi ko na tahimik ako habang nakikinig sa pari.
"Sang ayon naman diba? if you really love that person kahit sino o ano man ang hahadlang ipaglaban mo siya? Do you know why I became a priest? I wanna share my love story." Sabi ng pari kaya napalingon ako doon.
"Tao lang ako may kahinaan. I fell in love with this woman. I loved her so much, we love each other. Nagsumpaan kami na pang habang buhay na kami para sa isa't isa pero may mga pangyayari na hindi natin inaasahan. She's now a doctor. Ang saya ko para sa kanya. Do you guys know why I'm so proud of her? Kasi habang inaabot niya ang pangarap niya nandoon ako naka suporta. Saksi ako sa iyakan niya, sa pagod niya…Sa sobrang pagmamahalan namin kailangan namin maghiwalay para sa pangarap niya. One day her mother visited me, isa lang kasi akong nag ta-trabaho sa isang pizza shop at hindi na natapos ang pag-aaral. Kinausap ako ng nanay niya." Tinignan ko si Calle na ngayon ay seryosong nakikinig.
"Ang sinabi ng nanay niya ang dahilan ng pagtatapos ng pagmamahalan namin. Her mother said 'alam ko mahal na mahal mo ang anak ko, pero parang awa mo na…layuan mo na siya gustong gusto kita para sa anak ko pero hindi mo siya mabubuhay. Kaya habang pwede pa…layuan mo na siya. Kayang kaya naman namin siyang tustusan. She has prostate cancer. Ayaw niyang ipaalam sayo kaya ako nalang. Bilang nanay. I'm sorry, but please… for my daughter's life?' sabi ng nanay niya kaya napaisip ako doon. Pero dumating ang araw na nag agaw buhay siya. Kaya nagdasal ako sa panginoon… buhayin niya lang ang taong mahal ko, maglilingkod ako sa kanya habang buhay. That's why I'm here standing in front of you. Binigyan niya ng pangalawang buhay ang taong mahal ko kaya ito ako ngayon… kaharap kayo." Sabi ni Father.
Ganun ba talaga mag mahal?
"It's okay to be loved and lost…rather than never feeling to be loved and to be lost." Ani ng Father.
Natapos ang misa at inaya ako kumain ni Calle. Habang nasa byahe ay tahimik lamang ako. Napaisip ako sa sinabi ng pari. Is it okay to be loved and to be lost?
"Baby, ang tahimik mo. What's the problem?" Tanong niya habang tumingin sa akin.
"Napapaisip kasi ako," pag aamin ko.
"Care to share?"
"Sang ayon ka ba sa sinabi ng pari kanina? Yung, Is it okay that you are loved and to be lost rather than never felt to be loved and lost?" Tanong ko sa kanya.
"I am baby. Mas gugustuhin kong magkagulo ang buhay ko para sa babaeng mahal ko. I would do the same, ipaglalaban ko ang taong mahal ko. Hindi ako susuko. Pero kung ang taong mahal ko na ang nagsabi kahit na ayoko, wala akong magagawa. Mahal ko yon eh, her happiness is my happiness." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Swerte naman nag mamahalin mo," Sabi ko.
"I am the lucky one. I fell in love to the most lucky woman in the world. Her name is Amber. I think you know her," pagbibiro niya.
YOU ARE READING
The warmth in his arms
RomanceIn "The Warmth in His Arms," we follow Amber's life where acts of kindness and putting others first shape who she is. When she meets Ethan, everything changes. The story shows how people can help each other grow and find love. It's about discovering...