CHAPTER 12

813 12 0
                                    

Halos magtatatlong linggo na ang nakalipas noong nangyari sa park. Tinotoo lahat ni Ethan ang mga sinabi niya. Araw araw niya akong hinahatid sundo. Palagi rin siyang dumadaan sa apartment ko sa tuwing may bakanteng oras siya. Si Andrie naman ay panay ang dalaw sa mga pinag ta trabahuan ko. Na banggit ko kasi sakanya na na manliligaw ko si Ethan. Kaya sa tuwing working hours ko lang siya nakikita. Ginugul ko ang mga sunod na araw sa pag trabaho. 

Ang akala ko noong nakaraang sahod ay mababayaran ko na siya pero kailangan ko nagpadala ng pera para kay Val dahil naubusan siya ng gamot. Babayaran ko siya ng pera. Hindi ko basta basta ibibigay ang halik na matagal kong iningatan para sa taong nakakakilala ko lang. Kung gaano ko naman pinaka busy ang sarili ko sa trabaho ganoon naman ang palaging pagbisita sa akin ni Ethan sa lahat ng mga trabaho ko maski sa apartment. Ngayon ay nasa apartment ako. Day off ko ngayon balak ko sanang bumawi ng tulog nang may kumatok mula sa pintuan ng apartment ko. Nakasuot lang ako ng cotton short and cotton white shirt.

"Hi baby, good evening.." bungad sa akin ni Ethan ng pagbuksan ko siya ng pintuan. May dala na naman siyang mapupulang rosas at paperbag. 


"Ethan," sagot ko at pinapasok na siya sa bahay. 


"Napadalaw ka? Oras na ng gabi ha," panimula ko habang kumukuha ng maiinom sa ref.

"Pinapunta ako ni mommy sa mansion.. na sana hindi ko nalang ginawa," sagot niya. 

"May problema ka ba?" Tanong ko ng makaupo ako sa harapan na kinauupuan niya.


"Nothing, Umalis rin ako kaagad don. Mas gugustuhin ko pang puntahan ka kaysa makipag usap sa parents ko tungkol sa walang kwentang bagay. Miss po kita, baby." Ani niya sabay naglalakad papunta sa akin at tumigil sa harapan ko.

"Stand up, I want a recharge hug." Ang cute niya. Para siyang batang ayaw yakapin.  Tumayo ako at binuksan ang dalawang kamay para sa yakap niya, dali Dalian naman akong niyakap nito at pinwesto ang mukha sa leeg ko.

"Gustong gusto ko yung amoy mo. It smells home, baby. My home.." Ani niya at naramdaman ko ang maliliit na halik niya doon. 

"Ethan," Ani ko. Akala ko titigil siya pero hindi. Hinahalikan niya na ang leeg ko. Nararamdaman ko ang dila niya. Ako naman ay nakaayos ng tayo. Hindi ko Alam anong gagawin.



"Ethan," sabi ko at naramdaman ko na parang kagat niya ang leeg ko bago lumayo sa akin. 

"I'm full charge," nakangising sabi niya.

"I'm hungry, let's eat what I brought." Sabi niya at inayos ko ang dala dala niya. 

Pumunta ako sa ref at kinuha ang pineapple juice ko. Malapit na kasi ang menstruation ko. Nakatulong ang pineapple para sa akin. Nagtataka akong pinagmamasdan ni Ethan simula noong kumain kami. Tahimik lang siya.

"Bakit?" Tanong ko ng Makita ko siyang nakatingin sa iniinom kong pineapple juice.

"Your drinking pineapple in front of me," Ang mga mata niya ay nag aalab ng hindi ko malaman na dahilan. Umiinom lang naman ako ng pineapple juice anong masama doon?


"Gusto mo ba?" Alok ko.

"Pineapple can makes your cum taste sweets baby," mahina niyang saad.


"Huh?" Kunot noo kong saad. 

"Damn, baby. I would love to be your pineapple juice sponsor then," Nakangising Saad niya.

Hindi ko alam anong tinutukoy niya kaya pareho na lang kaming nanahimik pagkatapos noon. Umuwi rin siya kaagad.

Tatlo ang trabaho ngayon, Ang Isa ay sa carinderia tuwing linggo, pangalawa sa Celestre Coffee Shop. Pangatlo ay ang ang Samantha's Coffee Shop. Palagi niya akong pinag dadalhan ng bulaklak sa tuwing napupunta siya sa mga trabaho kong pinapasukan. 


 "Ayan na boyfriend mo," ani ni Jeremiah. 



Tiningnan ko ang tinutukoy niya. He's wearing his casual tee shirt and pants. 


"Good afternoon sir," bati ni Jeremiah. 

"Amber," Hindi niya pinansin si Jeremiah at tinawag ako. May dala na naman siyang bulaklak. Nilapitan ko siya at sinabihan si Jeremiah na ako na ang mag aayos sa order niya.


"Good afternoon po sir," sagot ko at tinitigan siya. 


"For you," sagot niya sabay abot ng bulaklak.


"Thank you. Anong order mo? Same as usual?" Nakangiti kong tanong. 


Sa mga nagdaang araw na palagi niya itong ginagawa wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ito. Sino ba naman ako para hindi tanggapin? Napadaan Kasi ako minsan sa bilihan ng bulaklak, tiningnan ko ang presyo ng mga bulaklak na binigay niya sa akin. Jusko, tatlong araw ko sa isang trabaho ang presyo. Sa buong buhay ko ngayon lang may isang lalaki na ganito sa akin. Pilit kong itinatatak sa kokote ko na hindi ko gusto. Hinding hindi ko siya pwedeng gustuhin dahil ang taas niyang tao. 


"Yes." Sagot niya at pumunta na sa usual spot niya.


"Ang gwapo ng boyfriend mo" sabi  ni Jeremiah. 

"Hindi ko pa naman siya boyfriend," sagot ko at inayos na ang order niya. 

Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na palagi akong nabibigyan ng bulaklak at libreng inumin pag siya ang nabili dito. Nang matapos ay pinuntahan ko siya may hindi niya ata napansin na narito na ako may kausap siya sa cellphone. Mukha siyang galit. Ang mga abo niyang mata ay nakakatakot. Mas lalo ako natakot ng marinig ko ang sinabi niya sa kausap niya na mabilis niyang binabaan ng tawag. 


"Order mo," ani ko sabay ngiti sa kanya pinaupo niya ako sa katapat ng upuan niya. 


"My baby is hard working…." Nakangiting Saad niya sa akin. 



"Oo," nahihiya kong sagot.

"Ang ganda mo," Sabi niya habang nakatitig sa mata ko. 


"Ang ganda ganda mo… Ang swerte ko naman," Ani niya. 

Hinawakan ang kamay ko na nasa lamesa. Akala ko ay bibinitawan niya rin agad iyon pero nagkamali ako dinala niya ito sa labi niya at hinalikan nito ang likod kong mga palad. Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang dalawang palad ko. May kinuha siya sa bag niya at mukhang cream iyon. Nilagyan niya ang mga kamay ko.

"My baby is working so hard."Ani niya at sabay tingin sa mga mata ko. 

"Pasensya n-"

"Kapag natapos ko na ang masteral ko. Wag ka na mag trabaho ha? Ayokong nakikita kang napapagod. I want to treat you like a queen because you deserves it." Nakangiti niyang sabi. 



Hindi ko maiwasang mapangiti. 

Sorry, ethan. Hindi ko pa kayang sabihin sayo kung bakit ganito ang sitwasyon ko. Baka kasi layuan mo ako kapag nalaman mong sobrang baba kong tao. Hindi ko alam anong dapat ko pang maramdaman. Dahil sa mga pagkilos ni Ethan para sa akin ay sobra sobra pa. Ang mga binibitawan niyang mga salita na nakakapukaw ng damdamin. Ang pagbibigay niya ng mga bagay bagay na kahit hindi ko sabihin ay nakakataba ng puso. Ang pag aalaga niya sa akin kahit na kaya ko naman ay sobrang nakakakilig. Ang pag hawak niya sa akin na animo'y babasagin na bagay. At ang assurance na binigay niya sa akin. 


Aminin ko man o Hindi, madaya ang puso ko. Alam ko, mahal ko na siya. Susugal na ba ako para kay Ethan?








NOTE: Happy reading! Ethan niyo may problema, joke only! HAHAHAHHA

The warmth in his arms  Where stories live. Discover now