CHAPTER 24

1K 14 3
                                    

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Bungad sa akin ni Andrie. 




Nandito ako ngayon sa terrace ng apartment ko at umiinom ng gatas. Hindi kasi makatulog. Si Andrie naman ay nagsabi na dito matulog dahil maaga pa siya bukas may trabaho siya malapit lang dito. Ayos lang naman sakin. Nasanay na ako sa presensya niya dahil simula noon siya na ang kasama ko. 





"Oo eh," ngumiti ako at yumuko. 





Ito na naman ang mga luha ko. Akala ko ayos na ako. Sa loob kasi ng apat na taon wala akong balita kay Calle, hanggang sa marinig ko ang balita na iyon. May iiiyak pa pala ako, akala ko wala na.




"Umiiyak ka na naman," umupo si Andrie sa tabing upuan ko. 





"Akala ko sa nakalipas na apat na taon, hindi ko na siya iiyakan…. akala ko lang pala…" humihikbi kong saad.





"Cry then, magsabi ka sakin makikinig ako, nandito ak- kami ni Valerie para sayo.." sabi ni andrie habang nakatingin sa kalangitan. 





"Nahihiya na nga ako sainyo… palagi nalang kayong nandyan para sakin..ang hina hina ko kasi, pasensya na" sabi ko sakanila. 





"Hindi ka mahina, Amber. Ang lakas lakas mo nga oh.. sa loob nang apat na taon, saksi ako sa lahat ng pag iyak mo, sa pag tawa mo….bilib nga ako sayo, nilabanan mo lahat, kinaya mo lahat…proud ako sayo." Sabi niya. 



Ilang minuto kaming natahimik. 





"Do you remember the night when you left him? Yung araw na nagpasundo ka sakin at umiiyak ka? galit sa kanya, kasi bakit ka umiiyak noong araw na iyon… hindi ko alam ang totoong nangyari. Hanggang sa nagsabi ka…" 






"Noong nag kwento ka na, pinipigilan ko ang sarili ko na tawagan si daddy para ipa-pull out lahat ng shares niya sa company ng mga ford. Gustong gusto kitang iganti noong araw na yon, pero hindi ko naman kayang magalit ka sakin kapag ginawa ko iyon…" 




"Alam ko naman ang rason mo kung bakit hindi mo sinabi sa kanya na kinausap ka ng nanay niya..kasi kapakanan niya ang iniisip mo. Nakakainis ka rin, kasi bakit hindi mo siya kayang pagkatiwalaan? Bakit mas pinili mo siyang iwanan, imbis na sabihin na kinausap ka ng nanay nya?" Sabi ni andrie kaya napaiwas ako ng tingin. 




"Pinagkatiwalaan ko siya… hanggang ngayon, pinagkakatiwalaan ko siya. Alam mo bakit mas pinili ko siyang iwanan kaysa sabihin na kinausap ako ng nanay niya? Kaysa sabihin sa kanya kung paano ako maliitin ng nanay niya?" Umiiyak kong sambit kay Andrie.





"Amber," tawag sa akin ni Andrie. 



"K-kasi mas gugustuhin ko pang iwanan siya kaysa paulit ulit akong maliitin ng nanay niya. M-mas gugustuhin ko pang iwanan siya para ipakita ko sa nanay niya na hindi kahit anong halaga mabibili ang pagmamahal ko para sa anak niya. Mas gugustuhin ko pang iwanan ang taong mahal ko para sa ikabubuti niya." Sabi ko kay andrie. 




"How about Calista? Paano kapag binigyan siya ng Diyos mabuhay, sasabihin mo ba sa kanya, kahit na kasal na siya?" Tanong niya. 





"Hindi." Sabi ko. 




"Why?"




"Ang kapal naman ng mukha ko kapag ganon…ano pagkatapos ko siyang iwan, sasabihin ko may anak kami? Tapos paulit ulit lang kaming mamaliitin ng nanay niya? Ang mga angkan ng Ford at si Chantal? Hindi. Hindi ko ipaalam sa kanya na may anak siya sakin, kung iyon ang mangyayari"




The warmth in his arms  Where stories live. Discover now