Chapter Seven

263 37 10
                                    

"MARAMING, salamat ho, doc," pasalamat sa kanya ng batang katatapos niyang checkup-in.

Hinaplos niya ang buhok nito. "Walang anu man. Inumin mo lang ang mga gamot na binigay ko sa'yo, gagaling ka rin," aniya rito.

Kinuha nito ang kamay niya at mabilis nitong hinalikan ang likod ng palad niya na ikinagulat niya. At pagkatapos ay patakbo itong lumabas ng klinika.

Nagtataka namang sinundan niya lang ng tingin ang paslit.

"Iyan ang tradisyonal na paraan ng pasasalamat namin, Doc Zahra," sabi ni Amarina na siyang tumulong sa loob ng klinika.

Tiningnan niya ito. "Zahra na lang, Amarina," aniya.

Matamis siya nitong nginitian. "Dalawang araw pa lang kayo rito, pero marami na kayong natulungan dito sa Tierra De Luna."

"Misyon namin na makatulong, Amarina. At masaya kami sa ginagawa namin," aniya.

"Isang napakalaking biyaya na ang maliit na bayan na 'to ang napili ninyong tulungan."

"Kami ba ang kauna-unahang nagbigay ng tulong sa inyo?"

Marahan itong tumango at mapait na ngumt. "Oo. Marami nang nilapitan si Alpha, pero walang may gustong tumulong sa amin."

"Bakit?"

"Siguro isa sa dahilan ay hindi na sakop ng council ang bayan na ito," anito na lalong nagbigay ng kuryosidad sa kanya.

"Pwede ko bang matanong kung bakit?"

"Gusto ko man sabihin sa'yo ay hindi ko rin alam ang dahilan. Maliban kay Apo Daet, si Alpha Ahmad lang ang nakakaalam. Hindi na alam ng iba ang dahilan."

Hindi na nag-usisa pa si Zahra dahil ginagalang din niya ang pribadong buhay ng mga naninirahan dito.

Gusto rin sana niyang tanungin ang tungkol kay Nasir pero minabuti niyang huwag na lang. Ayaw din kasi niya maging tampulan ng usapan. Pero pagkatapos ng gabing iyon ay hindi pa niya ulit nakikita di Nasir. Alam din naman niya na iniiwsan nito na magtagpo ang landas nila at makapag-usap.

Pagkatapos ng maghapong pag-che-check up ay nagpasya si Zahra na maglakad-lakad para makalanghap ng sariwang hangin.

Hanggang sa hindi niya namalayan na napalayo na pala siya at umabot siya sa border ng Tierra De Luna. May malakapal na lubid ang nakatali sa mga punong nandoon at may karatula na nakalagay doon na 'no trespassing'. Ang kabilang bahagi rin ng gubat ay may kadiliman na nagbigay ng bigat sa kanyang dibdib.

Ano kaya ang meron sa bahaging ito?

Pipihit na sana siya pabalik nang may isang bulto ng lalaki ang bumaba mula sa itaas ng puno. Pero bumaksak ito sa kabilang panig ng lubid.

Humakbang paatras si Zahra nang makita niya ang itsura ng lalaki. Bilog ang mga mata nito at namumula ang puting bahagi ng mga mata nito.

Lalo siyang nangilabot nang ngumisi ito habang titig na titig lang ito sa kanya.

Napapiksi siya nang may humawak sa balikat niya at mabilis siyang pinihit patalikod sa nakakatakot na lalaki. Ang mukha niya ay tumapat sa matipunong dibdib ng lalaki. Tiningala niya ito para makita kung sino ito.

"Nasir..." anas niya.

"What the hell are you doing here?" tiim ang bagang tanong nito sa kanya habang ang mga mata nito ay nasa estrangherong lalaki.

"Naglalakad lang ako at—"

"Mukhang may bagong dayo sa inyo, Alpha Ahmad?" tanong ng lalaki.

"Let's go," sabi sa kanya ni Nasir na hindi pinansin ang lalaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forgotten Prince (GPS Side Story VII)Where stories live. Discover now