Chapter Five

442 44 25
                                    

"FUCK..." Mahinang daing ni Nasir nang bahagya niyang igalaw ang katawan. Nakapikit siya habang nakahiga sa malamig na sahig ng kinaroroonan niyang selda.

Masakit ang buo niyang katawan dahil sa dalawang libong hagupit ng latigo sa likod niya. But it's bearable now. Araw-araw ba naman siyang nakakatikim ng sakit sa katawan.

Parang hindi na nga niya mabilang kung gaano na ba siya katagal na nandito sa ilalim ng palasyo. Hinihintay na lang niya na tapusin ng hari ang buhay niya. He wants to rest now for good.

Pagkakataon na sana niyang makamit ang kamatayan, pero nang dahil sa lalaking omegang iyon nabulilyaso ang lahat.

Nasir don't know why he acted like that when he saw him earlier. Hindi rin niya alam kung paano nito natunton ang impyernong lugar na ito sa palasyo. Walang iba ang nakakapsok dito dahil sa mabigat na enerhiya, tanging mga kawal lang ng palasyo, kaya lubos siyang nagtataka kung paano nito nakayanan makababa sa lugar na iyon.

Pero ang pakiramdam na naramdaman niya nang makita ang lalaking omega ay hindi niya maitatanggi. Nakaramdam siya ng kaginhawaan na hindi niya maintindihan.

Naramdaman niya ang prisenya na ilan sa mga kawal, pero hindi siya nag-aksaya ng panahon na tingnan ang mga ito. Gusto lang niya ipikit ang mga mata at magpahinga para ihanda ang sarili sa panibagong araw.

"Hoy! Bumangon ka dyan! Pinapatawag ka ni Sir Karrim!"

Doon naimulat ni Nasir ang mga mata. Bakit naman kaya siya pinapatawag ng pinsan niyang magaling?

Hindi niya magawang ikilos ang katawan niya dahil naninigas iyon sa sobrang sakit.

"Bumangon ka na sabi dyan!"

Fuck! Baka kapag sila ang nakatamo ng ganito baka hindi na sila abutan ng umaga.

Tinanggal ng isang kawal ang kadena tsaka nito binuksan ang nangangalawang na rehas.

Pero dahil hindi pa rin siya makakilos, lumapit sa kanya ang dalawang kawal at walang pakundangan ang mga ito na itinayo siya at kinaladkad paalis sa lugar na iyon.

Dinala siya ng mga ito sa dati niyang kwarto na lubos niyang ipinagtaka. Pagkapasok nila roon ay agad na bumungad sa kanya ang pinsang si Karrim na nasa veranda ng kwarto niya.

"Sir Karrim, nandito na ho siya," sabi ng isang kawal.

Siya... Gusto niyang matawa dahil tanging 'siya' na lang ang tawag sa kanya na dati ay prinsipe pa

"Leave us alone," utos ni Karrim na nanatili pa ring nakatalikod.

Nang tuluyang makalabas ang dalawang kawal ay tsaka marahang humarap sa kanya si Karrim. Nang magtama ang kanilang mga mata, wala siyang ibang makita roon kundi digusto at pagkamuhi.

"What the fuck you want?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Karrim. "It's been twenty five years, Nasir. Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi mo sa'kin noon. Na kahihiyan ako ng mga Brahman? Na isa akong walang kwentang tao? Dahil sa pagtalikod ko sa pamilya natin at sa llresponsibilidad ko bilang crown prince. But look at you now, you're a trash. Sino ngayon sa atin ang kahihiyan sa pamilya? Sino ngayon ang walang kwenta?"

Nakuyom niya ang kamao. "Iyan lang ba ang dahilan kung bakit mo ko pinatawag dito?" walang emosyong tanong niya.

"You should be dead by now."

"You want me to be thankful for that? Sana hinayaan mo na lang akong mamatay!"

Malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kanya si Karrim at galit na hinawakan ang madumi at sira-sira niyang damit.

The Forgotten Prince (GPS Side Story VII)Where stories live. Discover now