Chapter Six

260 33 17
                                    

Five years later...

"TALAGA bang sasama ka sa medical mission na 'yon, Zahra?" may pag-aalalang tanong ng papa niya sa kanya.

"Opo, Pa. Last month ko pa ho 'yon ipinaalam sa inyo ni daddy at pumayag po kayo," nakangiti niyang sagot.

Nag-volunteer kasi siyang sumama sa medical mission sa Tierra De Luna. Kung saan ang bayan na iyon ay kapos para sa iilang pangangailangan tulad ng medical, kaya ang hospital na pinag-oojt niya bilang doktor ay nagsagawa ng medical mission para solusyonan ang unang pangangailangan ng bayan ng Tierra De Luna.

"Huwag ho kayong mag-alala, may mga kasama ho kaming mga epsilon na magbabantay po sa seguridad namin. At nangako naman po ang alpha ng bayan na 'yon na magiging ligtas ang seguridad namin habang nandoon po kami," sabi niya nang makita niya ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Hindi mo 'ko mapipigilang mag-alala, dahil bali-balita na palaging sinusugod ang bayan na iyon, kung hindi mga rouge ay mga hunter naman."

Hinawakan niya ito sa kamay. "Pa, I'll be fine po."

Nagbuntong-hininga ito. "Parang gusto kong bawiin ang pagpayag ko sa'yo na sumama sa medical mission na 'yon."

Ngumuso siya. "Papa naman... I can protect my self. Para saan pa ang mga itinuro ninyo po sa akin ni dad?"

"Hindi sa minamaliit kita, pero ang kakayahan mo ay malayong-malayo kay Marri."

Tipid niya itong nginitian. Hindi naman niya itatanggi 'yon. Talagang malayo ang kalidad ng kuya niya sa pakikipaglaban sa kakayahan niya.

"I know, but it's enough to protect my self from harm."

"Let your son explore, Hon."

Sabay na napatingin si Zahra at ang ama niyang omega sa nakabukas na pinto. Nakatayo roon ang ama niyang si Karrim.

"Isa ka pa," sabi ng papa niya na inismiran ang daddy niya.

Humakbang palapit sa kanila si Karrim. "Alalahanin mo na doctor ang kinukuhang propesyon ng anak mo, kung hindi niya gagawin 'to paano lalago ang kaalaman niya sa medisina?"

"Nag-aalala lang naman ako," paliwanag ng papa niya.

"I know. He'll be fine. Diba, anak?" Baling sa kanya ng ama niyang alpha.

Nginitian niya ito. "Oo naman po, Dad."

"See?"

"Ewan ko sa inyong mag-ama ha. Ikaw, Zahra mag-iingat ka. Tumawag ka palagi dahil isang buwan kang mawawala. Kapag merong panganib tumawag ka agad sa amin ng daddy mo para agad ka naming mapuntahan. Okay?"

Mabilis siyang tumango.."I will, Pa."

Lumapit siya sa mga ito para yumakap at makapagpaalam. "Alis na po ako."

"Mag-iingat ka," ang papa niya.

"Opo. I love you, guys!" sabi niya na patakbong lumabas ng palasyo at agad na sumakay sa sasakyan niya.

Kinawayan pa niya ang mga ito bago tuluyang pinatakbo ang sasakyan palayo.




"MAGANDANG hapon ho, sa inyo." masayang bati sa kanila ng may katandaan ng lalaki. "Pasensya na ho kayo kung hindi kayo nasalubong ni Alpha. Sinamahan kasi niya ang mga delta na maglibot sa buong paligid ng Tierra De Luna," sabi pa nito.

"Ayos lang ho iyon. Naiintindihan ko ho," sagot naman head leader ng medical team nila.

"Ako ho si Apo Daet, ako ang namumuno sa distritong ito kapag wala si Alpha Ahmad. Ililibot ko muna kayo dito sa lugar namin para alam ninyo ang mga dapat ninyong puntahan," anito na nagsimula ng maglakad.

The Forgotten Prince (GPS Side Story VII)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon