Chapter Two

310 36 20
                                    

"ANG soulmates ay karugtong ng buhay ng bawat werewolf. The mates are their destined soulmates and they chosen by the moon goddess our god," pag-uumpisa ng professor nilang si Miss Asunsyon sa subject nilang history.

"Ang mga werewolf ay kadalasang nahahanap ang kanilang kapareha pagkatapos ng kanilang unang shift na karaniwang nangyayari sa pagitan ng edad na labing-anim at labing-walo. Minsan naman, nakakaramdam tayo ng sakit kapag nahihirapan ang mga mate natin o kapag hinahanap na ng inner wolf natin ang mga mate nila."

Mula sa bintana, ang atensyon ni Zahra ay napunta sa history teacher nila dahil sa huling sinabi nito. Posible kayang may kinalaman iyon sa pagsakit ng dibdib niya?

Nagtaas ang isa sa kaklase niya. "Miss, paano mo naman po malalaman na siya ang mate mo?" tanong nito.

"Kadalasan kasi hindi natin agad nahahanap ang mate natin sa maagang panahon. Ibig sabihin lang nito, may isa sa kanila o pareho nilang hindi matanggap ang isa't isa."

May nagtaas ulit ng kamay sa mga kaklase niya. "Miss, ano ho ang pagkakaiba soulmate sa fated mate?"

"Fated mate is stronger that soulmate. You can't avoid it and you certainly can't stop it. Kahit na sa magkabilang panig kayo ng mundo, pagtatagpuin at pagtatagpuin kayong dalawa sa ayaw at sa gusto mo," sagot ng professor nila.

Magtatanong pa sana ang isa pa sa mga kaklase niya ng tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang oras ng klase.

"Okay, let's continue this topic next week," paalam ni Miss Asunsyon bago ito umalis bitbit ang mga gamit nito.

"Mag night out tayo mamaya. Ano, game kayo?" narinig niyang sabi ni Aries na isa sa mga kaklase niya.

"Game kami!" sagot naman ng dalawa na sila Delia at Fiona na kapwa mga omega.

"Zahra, you wanna come with us? Mag-e-enjoy ka roon," anyaya naman sa kanya ni Delia.

Tipid niya itong nginitian at marahan na umiling. "Hindi ako pwede eh. Hindi rin ako papayagan nila daddy," sabi ko.

"Sus! Sobra naman sa higpit niyang mga magulang mo," sabi nito.

"Oo nga naman! Ang oa naman sa pagkahigpit," segunda ni Aries.

Kung para sa kanila mahigpit ang mga magulang niya, pero para sa kanya ay hindi. Naiintindihan niya kung bakit nagiging over protective ang daddy at papa niya ay dahil alam ng mga ito kung gaano na kadelikado ang mundo ngayon para sa mga katulad niyang omega.

Alam din ni Zahra dahil saksi siya sa mga misyong hawak ng mga magulang nila. Minsan naririnig niya na nagmi-meeting ang mga ito kasama ang kuya niyang si Aari tungkol sa mga omegang ibinibenta sa iba't ibang bansa para sa maruming trabaho, kaya ayos lang sa kanya na bahay at eskwela lang umiikot ang mundo niya sa ngayon.

"Next time na lang," sabi niya na kinuha ang mga gamit at mabilis na umalis para habulin si Miss Asunsyon.

Hinanap niya ito sa paligid. Nakita niya ito sa hallway at papasok na sana ito sa faculty room nang mabilis niya itong pigilan.

"Miss Asunsyon!" tawag pansin niya rito.

Kunot ang noong nilingon siya nito. "Oh, Mr. Brahman, may kailangan ka ba?"

"Umh... Pwede po ba ako magtanong sa inyo?"

"Ano 'yon?"

Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya ang tungkol sa panaginip niya o hindi? Pero sa huli, sinabi niya ang tungkol 'dun.

"May kaugnayan po ba ang napapaginipan mo sa kasalukuyan o sa nakaraan? O may kaugnayan din po ba iyon sa soulmate o fated mate?"

Sasagutin na sana siya nito nang may tumawag dito. "Miss Asunsyon, pinapatawag ka ng dean."

The Forgotten Prince (GPS Side Story VII)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon