CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)

14 1 0
                                    

Chapter One Hundred Seventy Two

Angel's Point of View

"Mom?! Mommy?!" natatakot na sabi ko. Punong puno ng kaba at takot ang dibdib ko. Napahawak ako sa ulo ko at sinabunutan iyon.

Teka...

Nasaan ako? Bakit... Bakit nasa madilim na lugar na naman ako? Hindi ba kausap ko lang si Justin kanina?

"Aah!" takot na napasigaw ako nang may narinig ako pag-tawa. Pamilyar iyon at nakakatakot.

Parang nasa tabi ko lang ang mga lalaking kumidnap sa akin noon. Ramdam ko ang tingin nila.. nakikita ko ang mala-demonyong ngisi nila. Ramdam ko ang sakit na dulot ng pananakit nila kahit na matagal ng humilom ang mga ito.

Bilglang nakikita ko ang mga mabibigat nilang kamay na nananakit sa akin.

"Aaah!" naprapraning na sigaw ko. Kahit na nakasalampak sa sahig ay pinilit kong tumayo pero muli na naman akong natumba. Umatras ako sa bagay na wala naman sa harap ko.

Hindi ito totoo.

Kausap ko lang si Justin kanina.. Tama.

Huminga ka, Angel...

Napasinghap ako sa gulat nang lumiwanag sa harap ko. Flash light ng phone. Kusang lumabas ang malakas na sigaw sa bibig ko at natatakot na tinakpan ko ang parte ng katawan kong alam kong aatakihin ng sino mang lalaking nasa harap ko.

"Please! Huwag po! Maawa po kayo sa akin.." umiiyak na pagmamakaawa ko.

Hindi ka mahal ng magulang mo!

Mas importante ang pera sa kanila!

Tanginang mga Benavidez!

"Angel,"

"A-Ayoko na.. Tama na po.. Mag-be-behave na po ako.. Hindi na po.. please.." para na akong uhuging batang umiiyak. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko nang hawakan ako ng lalaking nasa harap ko.

"Angel! Ano ba!" sigaw niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat at hinarap sa kaniya.

Huh? Alam niya ang pangalan ko?

Mas lalo akong naiyak nang hindi ko naman makilala ang lalaking nasa harap ko kahit na kilala ko ang pares ng mga mata nito.

Hinawi ko ang kamay niya at natatakot na at umatras.

"Fuck! What's happening to you?! Nababaliw ka na ba?!" sigaw nito kaya mas lalo akong nanginig sa takot.

Galit na siya.. sasaktan na niya ako.

"Nagmamakaawa po ako... Huwag niyo po akong sasaktan.. masakit po, tama na po." iyak ko sa lalaking nasa harap ko. Pinagdikit ko ang palad ko at pinagkiskis iyon upang magmamakaawa.

"What the.. Angel.." banggit na naman ng lalaking nasa harapan ko ang pangalan ko. Naging malinaw ang boses niya.. Kilala ko siya. Pero natatakot pa rin ako.

Paano kung nililinlang lang ako ng utak ko?

Paulit ulit na umiling ako at pilit na lumalayo sa lalaki. Mas nakaramdam ako ng takot nang biglang may mga ilaw sa paligid na papalapit sa gawi namin.

"Shit! Shit! Where's Angel?!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Pero ang layo niya.. ang layo layo niya.

Biglang umingay ang paligid.. Pero hindi ko sila maintindihan. Ang ingay ingay at ang gulo gulo.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now