CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)

56 8 13
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN
(Granted??)

Angel's point of view

Naglalakad na kami ngayon patungo sa track race pero ang isip ko naglalayag pa rin.

Ipapatalo ko ba ang laro? 'Yon kasi ang gusto ni Eli, bilang Ate niya gagawin ko ba?

Pero paano naman ang mga kaibigan ko na gumawa pa ng banner kagabi para lang icheer ako? Niyabangan ko na rin si Chad na mananalo ako. Niyabangan ko na rin si Rosh at siniguradong matatalo ko siya.

Ano nalang magiging reaksyon nila kapag natalo ako? Tatawanan ako ni Rosh panigurado. Madidismaya naman lahat ng nagtiwala saakin gaya ng mga kaibigan ko, mga kateammate ko maging ang coach ko.

Paano kung matalo ako dahil sadyang talo talaga ako, tiyak na maiintindihan naman nila 'yon. Pero malabong mangyari 'yon dahil pursigido talaga akong mananalo... kanina pero matapos lahat ng sinabi ni Eli... nalilito na ako.

Natalo sila Eli sa laro. Ang sabi saakin ni Kuya Ethan kanina ay sinisisi ni Eli ang sarili niya sa pagkatalo nila dahil siya ang magshohoot ng last ball in last 5 second noong oras na 'yon. Lamang ng isang puntos ang kabilang panig at kapag nashoot niya 'yon ay tatlong puntos ang madadagdag sa puntos nila kaya mananalo sila pero noong oras na 'yon dismayado si Eli dahil hindi talaga ako nanood ng laro niya, hinanap niya ako bago niya tinira ang bolang 'yon pero hindi niya ako nakita kaya hindi pumasok ang bola nang itira niya 'to kaya natalo sila.

Nagmintis siya dahil hindi niya ako nakita, sinisisi niya ang sarili niya, sinisisi niya rin ako, ngayon gusto niya akong makitang matalo.

"Kinakabahan ka?" nilingon ko si Dandan dahil sa tanong niya at umiling. Kanina pa kasi ako tahimik at para sakanila ay muka akong kinakabahan pero hindi naman ako kinakabahan, bakit naman ako kakabahahan? Nalilito lang ako.

Kung sakali ba na matalo ako hindi na ganoon ang trato saakin ni Eli?

Kasi hindi lang basta tampo 'yong nararamdaman niya, e. Alam ko na hindi lang tampo 'yon. Kasi iba kung magtampo ang Eli na 'yon! Papauwiin niya ako sa bahay namin at hindi ako kakausapin pero ang ginawa niya kinausap niya ako sa malamig na paraan at sinabing ipatalo ko ang laro.

Pagkapasok namin sa track race ay sumalubong saakin ang maingay na manonood. Punuhan ang upuan, wala kang makikitang bakante.

Maingay, magulo.

Karamihan ang sigaw ay pangalan ni Rosh, syempre sikat siya dahil siya ang laging panalo sa larangan ng karera, every year pa. Iilan lang ang saakin, 'yong mga taong trip lang ako, 'yong mga kaschoolmate ko at mga kaibigan ko. Napangiti pa nga ako nang makita ko ang banner na ginawa nila. Ayon sila, nakikita ko sila... kulang nga lang sila. Wala si Klein at Oscar na nasa hospital.

Kahit maingay ang manonood ay parang naririnig ko pa rin 'yong cheer na inembento ni Gaio para saakin. Kung kanina ay naiinis ako marinig 'yon, ngayon ay ang sarap na sa pakiramdam.

"Good luck!"

"Go! Angel! You can do this! Win the game! Good luck! Ngayon palang we are so very very proud of you! Ikaw ang kauna unahan sa mga naging player ko na umabot sa ganito kaya proud na proud ako sayo! Kahit anong maging resulta! We all here to support you! Right? Team?" nakangiti lang ako habang tinitignan ang coach ko na maganda ang mood at chenecheer na ako.

"Yes coach!" sabay sabay na sigaw ng mga teammates ko.

Pinagpatong patong pa nilang lahat ang kamay nila sa gitna hanggang sa ako nalang ang hindi gumagawa.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now