CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE

9 1 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE

Angel's Point of View

"Stop crying and answer me!!" dumagundong na tila isang nakakatakot na kulog ang boses ni Justin sa buong paligid. Nakakagulat at nakakapang-hina.

Mas dumiin ang pagkakahawak niya sa panga ko. Pakiramdam ko nga ay parang mawawasak ito.

Nasasaktan ako.

Pero nanatili akong naka-upo roon at nakatingin sa kaniya habang lumuluha na lang.

Napasinghap ako nang marahas niya akong pinatayo mula sa pagkakaupo ko gamit ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa panga ko. Nagulat ako nang idiin niya ako sa pader at mas nagulat ako nang bumaba ang kamay niya sa leeg ko.

Napasinghap ako dahil sa isang iglap hindi na ako makahinga dahil sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa akin.

Ang ginagawa niya ay hindi para saktan ako kundi para patayin na ako.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakasakal sa akin. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapagsalita. Gusto kong lumaban, kayang kaya ko namang makakalas sa pagkakasakal niya pero hinayaan ko lang.

Bahala na...

Pinikit ko na lang ang mga mata ko.

I know I deserve this. To be honest, more than this. I want him to pull me in the edge of rooftop and push me.

"Please.. answer me!" sigaw niya. Puno iyon ng panggigigil.

Gusto kong matawa na lang dahil sa gusto niya. Gusto niyang sagutin ko siya samantalang sinasakal niya ako at halos paghinga ay hindi ko magawa.

Pero imbes na pagtawa ang nakagawa ko ay pagdaing. Siguro ay kulay lila na ng muka ko. Ang tagal ko namang mawalan ng hininga... Dapat kanina pa ako wala ah?

"Aargggh! Bwesit!" sigaw ni Justin kaya minulat ko ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang kamao niya kaya muli akong napapikit pero hindi sa akin tumama iyon kundi sa aking gilid.

Napa-upo ako sa sahig at umubo ng dugo nang binitiwan niya ako. Habol ko ang hininga ko at hirap akong bawiin ito. Para akong nalulunod..

Nilapitan niya ako.

"Shit. I hate seeing you hurting.. I feel like I'm hurting too but this time, it's satisfying." nangising aniya habang nakatitig sa akin.

"I can't breathe.." mahinang wika ko. Sa sobrang hina no'n ay halos naging pabulong na.

Nagha-hyperventilating na ako.

"You deserve it." malamig na aniya.

Ito na iyon.

Hindi pa siya sigurado kung ako nga ang may gawa, nagtatanong.. hindi, nagbebentang na siya na ako iyon. Pero maging ako ay hindi pa ako sigurado.

Siya pa lang.. siya pa lang ang naninigurado... siya pa lang ang namementang pero ang sakit sakit na ng mga ginagawa niya.

Paano na lang kung silang lahat? Paano na lang kung si Gaio? Paano na lang kung si... Chad?

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now