CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY

48 10 3
                                    

Author's Note : Sorry natagalan👉👈

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
(Dirty Player)

Angel's point of view

Days past like a second.Living my normal---tsk.Kailan ba ako makakaroon ng normal na araw?Tsk.

Nagkandaletche letche na lahat!

Walang wala na talaga akong normal na araw!.

Wala ng masyadong klase at tuloy tuloy na ang practice ng mga players para sa paparating sa intern.May mga lecturer na pumupunta sa room namin pero wala naman silang tuturuan maliban saakin.Tsk.Ako lang 'ata sa room ang hindi interesado sa events na 'yan eh.Most of my classmates are players 'yong iba naman ay nanonood ng practice.

Hindi na rin ako nagdadala ng bottle of water kila Chad dahil nagseselos 'yong iba.Kesyo madaya raw kasi sila Chad lang ako nagdadala.Alangan namang puntahan ko pa silang lahat sa mga sides nila!.Luging lugi na'ko ron pag nagkataon!.'Di naman ako kasali sa events na 'yan tapos mapapagod ako?Asan hustisya don?

Nakaupo lang ako habang nakapikit na dinadama ang katahimikan sa paligid at pag iisa ko ng biglang may tumabi sa'kin.Nilingon ko 'yon at nakita ko si Gaio na mabibigat ang pag hinga.

"Oh?Anyare?"tanong ko.

"Nababanas na ako!"

-_-"

"Ano bang nangyari?"tanong kong muli.

"Satingin ko,madidisqualified 'tong school natin at hindi na makakasali sa intern."problemadong sambit niya at napasabunot pa sa buhok niya.

"H-huh?"

"Isinali kasi nila ang drag racing girls division!Sinong babae naman ang sasali sa ganoong laro?"

Ako.

Kaso ayoko.

"Naghahanap na ba kayo?"tanong ko.Kailangan mag hanap sila.Alam kong lahat sila ay namomoblema sa sitwasyon nila ngayon dahil maaari ngang madisqualified ang school namin kapag walang representative.Mawawalan ng silbi ang ilang linggo nilang pagprapractice kung hindi naman pala sila makakasali.Ang nakakabanas lang talaga ay bakit kung kailan sa susunod na linggo na ang sport festival na 'yan ay ngayon lang nila sasabihin.

"Hindi pa.Ewan ko,kakasabi lang kanina sa meeting ng mga varsity players 'yon eh.Alangan namang makahanap kami agad!"

"Sure namang makakahanap kayo."

"Magdilang anghel ka sana"napairap ako sa sinabi niya."Nakakabanas lang talaga eh!"

"Magrereklamo ka ron wag sa'kin."asik ko sabay tulak sakanya.

"Dito muna ako,"ngusong sambit niya at nagkibit balikat."Badtrip ako eh si MG kasi todo iwas sa'kin.Ang labo niya!"para siyang batang nagsusumbong sa nanay niya dahil inaaway siya ng mga kaibigan niya.

"Wala namang kayo,"

"Aww ang harsh mo ah!Imbes na aloin mo ako eh"

"Totoo naman"

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now