Chapter 8: Panaginip

17 3 1
                                    

Sa sobrang pagod ko, imbis na iidlip lang eh nakatulog na talaga ako ng tuluyan. Hanggang sa nanaginip na ako...

--

"Rose"

"Rose"

"Rose"

Isang pamilyar na boses.. Boses na magigising ka talaga. Binabanggit niya ang pangalan ko..

"Rose, gising."

Bumangon ako bigla dahil sa pagkagulat..

Nakita ko si Ate Anne sa gilid ko at nakatingin sa akin.

Syempre magigising ka talaga dun. Magigising dahil sa inis. Sino ba naman kasi gigising sayo ng 9pm ng gabi diba? Ang himbing himbing na ng tulog mo. Jusko, gusto ko pa matulog.

"Ano na naman yun? Kita mo ba anong oras naaaaaaa" tanong ko kay Ate Anne habang pinakita sa kanya ang orasan ng aking phone.

"May bisita ka kasi sa baba." Tinuturo niya yung sahig.

"Bakit mo tinuturo yung sahig, nababaliw ka na ba? Walang bisita ngayong 9pm" sagot ko sa kanya habang nakapikit.

"Rose naman. Bisita. Nasa sala ngayon."

"Walang bibisita ng ganitong oras. Tulog na mga tao ngayon."

"Importante yun, Rose!"

"Sinong tao bibisita ngayon.... Jam? Patricia? Miguel?"

Parang lasing ako pero hindi. Antok lang talaga ng bongga.

"Hindi! Yung ex mo!"

Nanlaki yung mata kong papikit pikit pa. Nagising yung katawan kong tulog. At bumilis tibok ng puso ko...

"Ex?....." paninigurado ko.

"Oo!!! Si Mark!!! Nasa baba si Mark ngayon!!!"

"OMG! ATE ANNE BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!?!?!"

"Teh, kanina pa kita sinasabihan. Tulog pa more."

"Ganun? Edi okay." Kinusot ko mga mata ko.

Agad agad akong bumaba. Natatanaw ko na siya dun sa pababa ng hagdanan. Naka upo sa mahaba naming sofa na brown. Naka uniform parin siya pero naka tanggal yung polo niya. So naka plain white tshirt lang siya at school pants. Dala dala niya parin yung bag niyang blue.

Kinakabahan ako. Di ko alam bakit. Ano kaya sasabihin niya? Ano sasabihin ko? Anong gagawin ko?

"Huy anong ginawa mo diyan? Ayaw mo pa puntahan?" biglang nagsalita sa likod ko si Ate Anne.

"shit. Ate Anne naman. Will you stop doing that? Nakakatakot and nakakagulat at the same time eh."

Hahaha conyo girl.

"Dalian mo na. Mukhang di pa umuuwi yan ah, 9pm na kaya."

Bumaba na ko ng hagdanan at papunta na sa sala. Wala na kong time magayos kasi nagmadali akong bumaba para makausap siya. Sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang mga daliri.

Nang makita niya ko, tumayo siya sa sofa namin.

"Hi." Bati niya sa akin habang nakangiti.

Nakakaramdam ako ng lungkot at sakit sa dibdib ko.

"Hello. Kakagaling mo lang sa birthday ni Jane tas pumunta ka dito?"

Yas. Jane is her name. Si Jane yung higad na sinasabi ko sa inyo. Isa sa rason bakit ko siya iniwan. Bakit ako lumayo. Bakit basa ang unan dahil sa luha tuwing gabi habang mag-isa sa madilim na kwarto. Nung umulan ng ka-shitan, si Jane lang lumabas ng bahay samantalang lahat ay nakakulong sa kani-kanilang kwarto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Anything Could HappenWhere stories live. Discover now