Chapter 1: Morning

37 5 8
                                    

Ako nga pala si Rose. Rose Skylar Tizon . Tawag sa akin ng lahat ay Rose. Karamihan, sinasabi nila na ang sosyal ng pangalan ko. Rose. Skylar. May meaning kasi yan kaya ayan ang binigay sa akin ng parents ko. Si daddy daw nakaisip ng first name ko dahil yun yung bulaklak na una niyang binigay kay mommy and nung una nila kong makita ay mapula pula ang aking mga pisngi. Skylar naman ang galing kay mommy. From the root word, 'sky'. Nakakarelax daw ako tignan. Kahit umiyak ako. Well, basta ganun lang yun. Anyways,

Hindi ako matangkad na babae. 5 flat lang ako. Nagpaiksi ako ng buhok, from waist level naging shoulder level 'to. Natural ang pagka pula ng labi at pisngi. Namana ko naman ang matangos na ilong sa aking mommy at ang brown at singkit na mata sa aking daddy.

Hmm ganito nangsimula ang 2nd monday ng february ko..

MONDAY NA MONDAY....
.
.
.
.
.
.
.
"ROSE!!! ANONG ORAS NA!! BUMANGON KA NA AT KUMILOS!!!"
.
.
.
.
.
"MAGAGALIT ANG SERVICE MO ANTAGAL MO NA NAMAN. KANINA PA NASA LABAS ANG SERVICE!!!"

Hayy ingay naman naman ni Ate Anne. Tinatamad pa ko eh kaasar. Eto pala, siya yung nagiisang katulong naming nagtagal ng tatlong taon. Thankful ako dahil kahit gaano ako kakulit at katamad di siya umaalis katulad ng iba.

Bumangon ako para lang matigil ang kakakalabit at kakadakdak ng katulong.

"Ate Anne paki sabi hindi na ko sasabay sa service." Sabi ko sa katulong. Agad naman siyang bumaba.

Kinuha ko ang pink na towel ko at pumunta na sa banyo para maligo.

Habang naliligo, naiisip ko na naman ang pagkabreak namin ng ex boyfriend kong si Mark. Sweet, pala biro, open minded, ma effort, masipag, chinito at gwapo. Isa siya sa crush ng bayan sa school ko. Napaka haba lang ng buhok ko dahil napansin ng isang crush ng bayan ang isang babaeng di naman siya kilala. Yes, tama narinig mo. Di ko talaga siya kilala. Pero sabi nila mommy ilang linggo na ang nakalipas nung nakipaghiwalay ako pero hindi parin siya mawala sa isip ko. Isang rason bakit nawala kami ay dahil sa higad. Kahit hindi season nagsisilabasan! Hay nako. Dapat diyan sinusunog na eh jusko.

Pagkatapos kong mag emote sa banyo, este maligo, sinuot ko na ang uniform ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin.

"Mamimiss ko tong suotin pag magcocollege na ko."

4th year student ako sa College of Sylvia Rizal. Sa buong stay ko dun, I can say that I learned a lot from my teachers, friends, classmates and other level. Highschool talaga ang the best swear. Kung pwede lang wag na magcollege eh!

Inaayos ko na ang dapat ilagay sa bag kong hershel. Kulay itim ito at may may design na white dots. Bigay yan ni Mark sa akin nung Christmas. Di ko alam bakit gamit gamit ko parin 'to. Kinuha ko na yung notebook ko na nakapatong sa lamesa, kinuha ko na yung gtec ko sa isang mug na puno ng ballpen at pencil at kinuha ko na yung perang nakapatong sa wallet ko. Bago pa kasi ako magising nilalagay na ni mommy ang baon ko sa mesa kung saan agad agad kong makikita.

Nang matapos na ko mag ayos, kumatok ako sa pintuan ng kwarto nila mommy para magpaalam na.

*KNOCK! KNOCK! KNOCK!*

"Pasok!!" Sigaw ni mommy.

Pagkapasok ko nakita ko si mommy nakaupo at may sinusulat. Si daddy naman ay nakahilata parin. Halatang late na naman nakauwi dahil sa trabaho.

"Mommy, aalis na po ako. Magcocommute na lang ako. Pasabi na lang kay daddy na ingat siya mamaya. Bye mommy, I love you" pagpapaalam ko.

"Wait lang anak. Are you sure hindi ka magpapahatid sa driver?"

Anything Could HappenWhere stories live. Discover now