Chapter 7: Alaala

25 4 2
                                    

Habang nag aabang ng jeep. Nakikita namin ang mga students na lumalabas ng school gate. Pati na rin ang mga naka school service at private cars. May mga students na sumasakay sa fx instead na jeep.

"Rose! Miguel! Sabay na kayo sa amin, saan kayo bababa?" Sigaw ni Jam na nasa loob ng kotse ni Patricia.

"Dun lang kami sa mcdo sa baba." - Miguel

"Sige!! Tara sabay na kayo sa amin. Sa sm kami pupunta eh!" sumigaw din si Patricia sa side ni Jam.

Sabay naman kaming pumasok ni Miguel sa private car ni Patricia. Si Miguel sa front seat at kaming tatlo naman ni Jam at Patricia ay nasa likod. May sariling driver tong si Patricia. Di naman ganun kayaman pero binigyan siya ng driver ng parents niya dahil malayo ang bahay niya sa school. Di ko alam bakit dito pa nag aral yun eh. Layo sa bahay niya.

Habang umaandar ang kotse, nagkkwentuhan kami.

"Miguel, wala ka bang training ngayon at tatambay kayo ni Rose sa mcdo?" Tanong ni Jam kay Miguel habang nag me-make up.

"Wala eh. Yung coach kasi namin sabi paghingw ngayon dahil sa susunod na mga araw intense training na dahil malapit na yung championship."

"Ganun ba. Good luck na lang basta pag championship na magchecheer kami para sayo!"

"Salamat."

"Nga pala Rose, sorry kanina ha? Nagulat ka namin ni Jam. Muntikan ka na ma-aksidente at matalo dahil sa amin." -Patricia

"Oo nga. Nung nahulog ka, may sumalo naman eh. Ehem!" singit naman ni Jam habang sinisiko yung braso ko.

"Okay lang. Mga baliw kayo eh. Buti na lang kami nanalo. Hahahahahaha" - Rose

"Manong, dito na lang po kami" sabi ni Miguel sa driver ni Patricia.

"Thank you girls and manong!!!" pasasalamat ko habang pababa ng kotse.

"Thank you sainyo! Ingat kayo!" -Miguel

"Thank you din guys, ingat kayo! Mwa!" sabay nilang sinabi ni Jam at Pat habang paalis na ang kotse sa harap namin.

Habang papasok sa mcdo, binuksan nung guard ang pintuan at binati kami. Humanap ako ng upuan at siya naman ang umorder ng pagkain namin.

Umupo ako sa may tabi ng glass window. Habang inaantay ko siya, naalala ko si Mark. Naalala ko yung nangyari dati dito.

** FLASHBACK **

After school, sumakay kami ng jeep at pumunta sa mcdo para tumambay at kumain. Siya ang nagbukas ng pinto ng mcdo habang nakangiti at pinauna akong pumasok. Tinapik ko yung braso niya habang naka ngiti. Abot hanggang tenga yung ngiti ko. Ang gentleman kasi siya.

"Rose, ako na ang oorder. Hanap ka na lang ng upuan. Okay?" Mahinhin niyang sinabi sa akin habang naka hawak ang dalawang kamay sa shoulders ko.

Nginitian ko lang siya at humanap na ng upuan at umupo. After ilang minuto, nakita ko siya naghahanap kung nasaan ako kaya tinaas ko ang aking kamay para makita niya ko.

"Nandiyan ka pala, di kita nakita" sabay lapag niya ng tray na may bff fries at 3 na coke float.

Tinignan ko lang siya sa mata habang naglalagay siya ng ketchup sa may tissue.

Iba talaga yung feeling pag nakikita mo yung mahal mo. Sobrang maaappreciate mo yung mata mo at nakikita mo siyang masaya. Makita mo lang siyang nakangiti, masaya ka na din.

Anything Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon