Chapter 5: Superman

32 5 2
                                    

"Thank you talaga Jam ha. Grabe yung ginawa mo kanina. Sobrang tapang mo. Sinabi mo yung gusto ko sabihin sa kanya. So much love!!!"

"Omg kilig na ko hihihi. Tara na, punta na tayong washroom kesa magtagal pa yang toyo sa uniform mo."

Hindi na kami nakabili ng drinks namin. Nawala na sa isip namin yun dahil nga yung uniform ko puro toyo. Di ako unang nabiktima ng toyo ng canteen. Madami na. Ayaw ko lang talaga yung ganito. Mangangamoy ako.

Nung palabas na kami ni Jam ng canteen, daming nakatingin sa akin. Di ko tinatakpan yung uniform ko. Hinawakan ko lang yung pantaas ko at inilalayo yun sa katawan ko. Wala kong pake kung ano sabihin nila sa akin. Wala akong pake sa paligid basta nasa isip ko, dumiretcho sa washroom at sana malinis tong uniform ko.

Nang makarating na kami sa washroom, dun ko agad agad binasa yung uniform kong may toyo na part.

"Shit. Ayaw matanggal Jam. Paano na yan"

"Hmmm kusutin mo! I-scrub mo dali. Matatanggal yan tiwala lang!!!"

Hayy buti na lang positive tong si Jam. Kundi mawawalan na ko ng pag asang lilinis tong uniform ko kahit konti. Masyado kasing maitim at marami yung natapon sa akin.

"Ayaw pa din Jaaaaaaaam!!!!! Nakakainis kasing Mich yun eh."

"Aww kawawa ka naman. Di ka lang pala mang aagaw, isa ka din palang labandera." biglang sumingit si Mich sa usapan namin.

"Ang kapal talaga ng mukha mong magpakita ulit dito ha?!" sagot ko sa kanya at binuksan ko yung gripo at binasa siya sa mukha at damit.

"Bastos ka ha?! Eto dapat sayo!!!!" sinigawan ako at sinabunutan.

Pinipigilan na kami ni Jam at nung kaibigan ni Mich pero di parin kami bumibitaw sa isa't isa. Dedz kami nito pag teacher ang nakakita omg.

Sa sobrang gulo napunit niya yung blouse ko. Nahila niya yung necktie na nakadikit talaga sa blouse namin. Nasira yung buttons at napunit to hanggang gitna. Agad kong tinakpan para walang makakita.

"Itigil niyo na nga yan. Nakakahiya sa ibang level mga pinag gagawa niyo. 4th year na kayo girls." - Kim

"Kim, siya kasi nauna!!!" Sabay naming tinuro ang isa't isa.

"Magturuan pa kayo. Pareho kayong may kasalanan. Maghiwalay na kayo. Malapit na mag bell. Ayusin niyo mga sarili niyo okay? Isusumbong ko kayo sa Discipline Officer pag naulit ulit to."

"Sige Kim." Sagot namin kay Kim na president ng student council.

Buti na lang talaga hindi teacher ang nakahuli sa amin. Kung hindi, lagot ako sa parents ko pag pinatawag sila. Yoko na maging suki ulit ng DO namin. At ayaw kong ma disappoint ulit ang parents ko sa akin.

And good thing mabait si Kim. Siya kasi yung President ng student council. So ginagawa niya lahat para maging masaya at maayos yung students at ang school namin.

Bago tuluyang lumabas si Kim kasama si Mich tinignan ni Mich muna yung blouse ko...

"Buti nga sayo. Di lang nabasa ng toyo, napunit pa. Hahahaha!" pangaasar ni mich sa akin.

Di na lang ako umimik dahil naluluha na ko sa inis. Ilang minuto ang nakalipas nawawalan na ko pag-asa. Kaya nasa isip ko pumunta na lang sa clinic o guidance office dahil kaclose ko yung mga ngatratrabaho dun.

"Rose!!! Rose!!! Rose!!! Labas ka nga diyan." Boses ng isang lalaki sa labas ng washroom.

"Si Miguel ata yun Rose. Tinatawag ka." - Jam

Anything Could HappenWhere stories live. Discover now