Chapter 46

1.3K 66 35
                                    

[Ali]

“No, I'm not taking back the position,” mariing tugon ni Ali kay Dan tungkol sa take over ng SCI.

Alam na ng publiko na buhay siya at kumalat na ang balitang ito sa mga negosyong iniwan niya noon. Nakarating rin ito sa Sabella Constructions Inc. at dahil hindi maganda ang lagay ng kumpanya, nais siyang makausap ng kasalukuyang namamahala nito—ang isa sa mga naging kanang kamay niya noon sa SCI.

“Kahit isang meeting lang, Boss. Tapos kapag ayaw mo pa rin talaga edi sige, hindi na kita pipilitin,” pangungumbinse pa rin sa kanya ni Dan. Seryoso niya itong sinulyapan.

“Buo na ang desisyon ko. No one can change it anymore.” Kumuha siya ng baso at alak mula sa mini bar counter ng kanyang bahay. Dito sila kasalukuyang tumutuloy ng mga kasama—sa bahay kung saan naganap ang dahilan ng pagkawala ng kanyang alaala.

“Bakit ba ayaw mong pumayag? Hindi ba mahalaga sa ‘yo ang SCI kaya nga ipinaglaban mo ng patayan kay Barette?”

“Of course it’s important,” aniya pagkatapos sairin ang laman ng shot glass. “It’s very important that’s why I cannot take it again.”

Wala na siya sa tamang estado para muling mamahala ng isang malaking kumpanya. Ang sariling buhay niya nga lang ngayon ay hindi niya maayos, buhay pa kaya ng lahat ng empleyadong umaasa sa SCI? No. He can't do it anymore.

“Pero malaking tulong ang magagawa ng posisyon mo sa SCI sa sitwasyon natin ngayon,” giit ni Dan.

“Anong ibig mong sabihin?”

Puno ng determinasyon ang mga mata ni Dan na tinignan siya at umikot patungo sa harapan niya. Tinukod nito ang kamay sa ibabaw ng lamesa.

“Sa oras na magdesisyon kang tuluyan nang talikuran ang organisasyon, tuluyan ka na ring mawawalan ng kapangyarihan. At hindi ka basta basta lulubayan ng mga uklubang 'yon lalo't alam nilang wala ka ng magiging laban sa kanila.”

Carson Family—ang organisasyon na binubuo ng matataas at makakapangyarihang tao sa buong Asya. Pinamumunuan ito ng mga tinatawag nilang Elders—mga matatandang may naglalakihang mga negosyo sa iba’t-ibang parte ng mundo. Kinatatakutan sila dahil kaya nilang kumitil ng buhay sa isang bitaw lang nila ng salita. Naninindig ang balahibo ng sinumang makasama nila sa isang lugar.

They have no mercy. They only do what is beneficial to them. They trust no one too… except for Ali.

Siya lang ang bukod tanging hindi nagpakita ng takot sa mga Elder kaya magiliw sa kanya ang mga ito. Magaan ang loob nila sa kanya kaya kahit anong pabor ang kailanganin niya, siguradong nasa likod niya ang mga ito. May mga usap-usapan din noon na siya ang natitipuhan nilang maging tagapagmana ng pinakamataas na posisyon ng Carson Family kahit pa may mga anak at apo silang miyembro rin ng organisasyon.

“I don't care… I don’t care about the power anymore. Do you think I'm still the same as before? I don't have an interest in anything I did in the past.”

“Anong balak mo? Babalik tayo sa bundok?”

“You can do whatever you wanna do, I won’t stop you. I won't need your service anyway. Gawin mo kung anong gusto mo at isama mo si Leo.”

“Ganyan lang ba kadali para sa 'yong sabihin 'yan? Ikaw lang ang boss namin at sumumpa kaming ikaw lang ang pagsisilbihan namin. Wala nang iba.”

“I am no longer the Ismael you knew before, Dan. Even I... can't recognize myself anymore.”

“Dahil ba kay Cinderella kaya ka nagkakaganyan? Kung mahal mo pa siya edi sana inagaw mo! Gaano ba kahirap idispatya si Perez? Ano, gusto mo ulit makasama? Kung hindi mo kaya ako ang gagawa ng paraan para bumalik sa 'yo di madam. Papatayin ko ang Jasper Perez na 'yon para sa—”

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Where stories live. Discover now