Chapter 12

1.1K 41 6
                                    

Honey

Umaga na pero mulat pa rin si Honey. Magdamag siyang hindi nakatulog dahil sa paulit-ulit na pag-pi-play ng nangyari kagabi sa utak niya. Lumunok siya at inilagay ang kamay sa tapat ng kumakalabog na dibdib.

Ali kissed her.

She didn't know how it happened, but she just found herself addressing his kisses last night. Ang natatandaan lang niya ay pag-uwi nito kagabi sa kanilang hotel room, para na itong wala sa sarili. Hindi rin ito mukhang lasing dahil wala naman siyang naamoy o nalasahang alak sa bibig nito.

Saan ba kasi ito nagpunta?

Sinulyapan niya ang lalaking katabi. He looks peaceful already. Unlike last night, para itong ibang tao. Pagsisinungalingan ni Honey ang sarili kapag sinabi niyang hindi niya nagustuhan ang paghalik sa kanya ni Ali. She actually liked it so much that she won't even decline if he decided to do it again with her. Hindi naman siya inosenteng klase ng babae para hindi ma-distinguish ang magaling humalik sa hindi marunong. He kissed so damn good!

Napatitig siya sa mga labi nito habang natutulog. She smiled upon remembering how he stared at her last night. Yun nga lang, parang may mali. His kisses were full of emotions. Ramdam niyang may kung sinong tumatakbo sa isipan ni Ali nang mga oras na 'yon at alam din niyang hindi siya ang babaeng 'yon. Pero sino?

He was constantly calling someone baby and it's impossible for Honey to be that person. So sino 'yon? Ang sinabi nito sa kanya before ay wala itong girlfriend.

Napabalikwas siya nang maramdamang gumalaw ang lalaking katabi. Sinulyapan niya ito at mabilis na pumikit siya para magpanggap na tulog pagkakitang gumigising na ito. Shit. Hindi siya pwedeng makita ni Ali na mukhang super bothered sa nangyari kagabi. That was just a kiss for God's sake! Hindi siya dapat nagpapaapekto sa gano'ng bagay lang! She's Honey Love Mendez who didn't care about the word commitment for years after all!

Naramdaman niya ang pag-ahon ni Ali sa kama at ang paninitig nito sa kanya. Nahalata kaya nitong nagpapanggap lang siya? Obvious kaya na hindi siya nakatulog magdamag? Pero dahil yata sa wala nga siyang matino pang tulog, bigla dinalaw siya ng antok habang nagpapanggap. Marahil ito na ang tulong na hinihintay niya mula sa langit kaya hinayaan na niya ang sarili na lamunin ng antok. Paggising niya nang bandang hapon ay wala na siyang kasama sa kwarto pero may naabutan siyang pagkain na nakahanda para sa kanya.

“Where did he go?” pagkausap na bulong niya sa sarili.

Bumangon siya at dahil gutom na rin ay sinimulan niya ng kumain. Tinawagan niya pagkatapos ang kaibigan na si Madel gamit ulit ang phone ng hotel. She asked for help dahil gusto niyang umuwi saglit sa kanila para kumuha ng kahit anong makatutulong sa kanyang mabuhay ng matagal sa bundok.

“Sigurado ka, girl? Ikaw pa talaga mismo ang nakaisip niyan, eh alam mo kung gaano kahigpit ang security sa bahay niyo!”

“Malamang alam ko paano lulusutan 'yon.” Inirapan niya ang kaibigan. “Basta back-up-an mo lang ako para may sumalubong sa 'kin paglabas ko. Gets mo?”

Nagkita sila sa isang cafe sa baba lang ng hotel at pagkatapos mag-usap ay sumakay na sila sa sasakyan. Ginamit ni Honey ang sasakyan ni Ali dahil nakita niyang iniwan nito ang susi sa side table sakaling gamitin niya siguro ito. Minsan ay umaayon din talaga ang langit sa mga plano niya kahit madalas ay hindi

“Kaninong sasakyan 'to?”

“Secret. No clue.”

“May bago kang lalake?”

“Wow. Too straighforward.”

“Panlalakeng sasakyan 'to, eh.” Nilibot ni Madel ng tingin ang sasakyan at lalong lumakas ang kutob nito nang may makitang tie sa backseat. “Sinong lalake mo???”

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Where stories live. Discover now