Chapter 16

1.1K 50 16
                                    

Ali

Nagising si Ali sa liwanag na nagmumula sa nakahawing kurtina. Hindi siya kaagad bumangon at hinayaan lang ang mga matang titigan muna ang maliwanag na bintana. Pero nang tangkain niyang galawin ang braso, doon niya naramdaman ang bigat na nakadagan dito.

He slowly turned to his side and saw a woman sleeping soundly next to him. Flashbacks to what had happened last night appeared in his head.

Napapikit siya at maingat na bumuntonghininga. Tinignan niya ulit ang babaeng katabi. Napakalalim ng tulog nito na animo'y nasa sariling pamamahay.

Doesn't she remember what he said when they were in Manila? Hindi niya gustong may pagyakap at pagtulog ng magkatabi pagkatapos ng kung anumang ginawa nila. But with what she's doing right now only sees that she's totally forgotten about it.

Kahit ngawit na ang braso niya dahil sa magdamag yata na pag-unan dito ni Honey, hinayaan niyang matulog pa ito. In 10 minutes kapag hindi pa ito bumangon ay saka niya na siguro gigisingin.

10 minutes...30 minutes...an hour has passed already that he's just staring at her gentle face. Nabilang niya na yata kung ilang paghinga ang mga nagawa nito sa loob ng isang oras, pero hindi pa rin ito nagigising. Napagmasdan na rin niya ng husto kung gaano kakinis ang mukha nito sa maliwanag. At kung gaano rin kapusyaw ang kutis nitong tila hindi nadadapuan ng kahit anong insekto.

Gaano ba kaseryoso ang sitwasyon ng personal nitong buhay para pagtiisan ang buhay meron ito rito sa Makaslag? Itsura pa lang ng balat nito ay kitang-kita na hindi talaga ito sanay sa hirap. Pero sa mahigit isang buwang pananatili nito rito sa Makaslag, nagawa nitong pagtiisan. Dagdag pa na sobrang arte nito kaya't milagro na tumatagal pa rin ito rito.

“Honey?” mahinang pagtawag niya. Sinubukan niyang tapikin ang pisngi nito sa daliri niya, pero wala pa rin. She just moved a little to adjust her embrace to his body which made only made him more uncomfortable.

This woman doesn't know obviously what she's doing.

“O-Oh my God!!” Napatayo si Honey nang sa wakas ay magising na at nakita kung nasaang lugar ito. Napalibot ito ng tingin sa paligid habang tila inaalala kung bakit ito narito. “Shit. Did I...sleep here?” she asked, pointing an index finger to herself.

“Baka lumakad ka lang habang tulog,” sarkastikong pagsagot ni Ali.

“Hehehe.” Awkward itong napatawa at sinuklay ang buhok sa mga daliri. Mukhang naalala na nito ang sinabi kagabi. “Sabi ko 5 minutes lang pero nakatulog pala 'ko. Hehe. Dapat ginising mo 'ko.”

“So, it's my fault?”

“No! Of course not,” Umiiling na tumayo ito pero maagap na bumaba ang tingin sa sarili. Para itong nakahinga ito ng maluwag nang makitang may suot itong damit. “Good morning nga pala.”

“You know I don't like clingy women, but you even slept in my arm.” Ginalaw-galaw niya ang brasong namanhid. He gave Honey a dagger look which she just avoided and ignored.

“I was asleep and I didn't know what I was doing, okay?” anito na nakaharap pa rin sa kabilang side.

“You could've avoided that.”

“Yeah but...” Tumingala ito sa kisame na parang naroon ang mga susunod na sasabihin. But she still ended up speechless. “Fine! I promise, it won't happen again!”

Inis ito na nagpaunang lumabas sa kwarto niya at sinundan naman niya ito ng tingin. At ito pa talaga ang may ganang magdabog? Ibang klaseng babae talaga ito.

“Move the couch a little to the side. May alikabok sa ilalim niyan.” Itinuro ni Ali kay Honey ang direksyon ng tinutukoy habang siya ay nasa sofa, naka-indian sit, kumakain ng sliced apple.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon