CHAPTER 6

18 3 0
                                    

⚠️Unedited, as mush as gusto kong i-proofread hindi na talaga keri ng mata ko nananakit na talaga siya. I hope magustuhan niyo ang chapter ngayon. Please do comment kung anong thoughts niyo sa story na ito.

Garette's Pov

Halos umusok ang ilong ko sa gigil ng makita ko ang my day ng walanghiyang pari na iyon at ang mas nakaka-bwiset ay kanina pa palang umaga iyon naka-my day! Kung makapagbubuga lamang siguro ako ng apoy nagawa ko na sa inis.

Sa gigil ko tinadtad ko talaga ng angry react ang my day nito at mabilis na pinatay ang cellphone, sa halip na gumaan ang pakiramdam ay lalo lamang itong lumala at namalayan ko na lamang na sunod-sunod na nagtuluan ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit, dahil ba nagseselos ako? O dahil sa nangyari kanina sa firm at naghalo-halo na? Ay bahala na!

Para akong tangang umiiyak ng tahimik sa loob ng aking kwarto sa hindi malamang dahilan. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga tumitigil kakaluha ang aking mga mata. At habang iniisip ang nakita ko ay hindi ko maipagkakailang nasasaktan ako.

'Bakit ako nasasaktan? Eh, wala naman kaming relasyon, gusto ko lang naman siya pero bakit ang sakit sa puso na isipin na nay mahal siyang iba!'

Halos inabot ako ng isang oras kakaiyak at kung hindi pa ako katukin ni kuya para maghapunan ay hindi talaga ako lalabas ng kwarto dahil sa sama ng loob. Inayos ko muna ang sarili ko, habang nakatingin sa salamin ay kitang-kita ko ang pamamaga at pamumula ng mata ko, pinatungan ko na lamang ito ng concealer para kahit paano ay hindi halata at nagbihis na rin ako ng pantulog bago bumaba.

Nanunuot sa kaibuturan ko ang pagkailang sapagkat tagos na tagos sa buong sistema ko ang nakakapasong tingin na iginagawad sa akin ngayon ng bwiset na malanding pari na naroroon sa gilid ng hagdan na tila ba ako ay hinihintay habang naka-krus sa dibdib nito ang mau-ugat nitong mga braso habang nakasandig sa railing ng hagdan.

Nang maalala ang dahilan ng pag-iyak ko kanina ay mabilis ko siyang inirapan at nilagpasan para tumungo sa kusina. Nahagip ko pa ang pagparte ng mapupula nitong labi na tila ba gulat sa aking ginawa.

'Wag kang marupok self! Hindi tayo pinalaki ng awesome parents natin ng marupok! Labanan mo ang temptasyon sa makasalanang pari na iyan! Isa siyang alagad ng diyos tandaan mo iyan!' pagkakastigo ko sa sarili dahil aaminin ko ang bilis nawala ng inis ko noong masilayan ko siya kanina.

Sa isang iglap ang lahat ng pagdra-drama ko kanina sa kwarto ay parang wala lang sa sobrang bilis magpatawad ng puso ko.

Nang makarating sa hapag ay nagtaka ako ng wala si kuya doon. Nasaan na iyon? Kadalasan kasi kapag tinatawag ako nito ay nauuna pa ito sa lamesa pero ngayon ay wala talaga ni isang bakas ni kuya.

"Umalis sandali ang kuya mo dahil biglang nagka-aberya sa kompanya niyo kaya mauna ka na daw kumain," wika ng boses na siya naman talagang kinaiinisan ko.

"Hmmp," gusto ko sanang sabihin na 'share mo lang?', 'Di ko tinatanong' ngunit  tanging iyon na lamang ang nasabi ko bago umupo at sinimulang kumain habang siya ay nakatayo sa harap ko at parang agilang nakatanaw sa bawat kilos ko dahilan upang sa tuwing nagagawi ang paningin ko sa kaniya ay iniirapan ko talaga siya ng todo.

Nang makayaring kumain ay agad kong niligpit ang pinagkainan ko bago mabilis na umakyat para makawala sa preseniya ni Klaus. Habang tumatagal na nararamdaman ko ang presensiya nito sa paligid  ko ay paunti-unting naglalahong parang bula ang galit ko  sa tuwing nakikita ko siya. Marupok nga talaga ako!

Nang akmang pipihitin ko na ang seradula ng pinto ko ay may biglang humitak sa aking braso at namalayan ko na lamang na nakasandig na ako sa pader habang sa harap ko ay ang matikas na pari na ngayo'y nagi-igting ang panga habang bakas sa mukha nito ang kalituhan.

"What the hell is your problem with me, hmm?" bagama't puno ng awtoridad ang pagkakasabi nito ay kabaliktaran naman nito ang kilos niya, ang hawak niya sa mga kamay ko ay hindi marahas at nasa tama lang upang hindi ako masaktan.

"A-Ano bang problema mo!" halos hindi na ako makatingin sa kaniya sa sobrang ilang at hiya dahil sa posisyin namin. Kung may makakakita man sa amin iisiping gumagawa na kami ng milagro.

Ang dalawang kamay ko ay nakataas at nakakulong sa kanang kamay niya habang ang isang kamay ay nakasandig sa gilid ko na para bang kinukulong ako sa kaniya, habang ang isang tuhod nito ay nakatukod sa gitna ng dalawa kong hita dahilan upang magparte ito ng bahagya.

Halos pulang-pula na ako sa hiya pero ang damuho ay mukhang tuwang-tuwa pa sa nangyayari. Halos mapugto ang hininga ko ng paunti-unti ay palapit nang palapit ang mukha niya sa akin, ramdam ko rin ang panlalambot ng mga binti ko sa sensasyong dinudulot ng minsanang pagdidikit ng balat naming dalawa.

"Kanina mo pa ako iniirapan at hindi mo rin ako pinansin simula pa kanina pagkasundo ko sa iyo sa trabaho, may problema ba? Did I do something wrong to upset you?" kung kanina ay puno ng awtoridad ang boses nito ngayon naman ay himala itong naging malumanay.

"W-Wala kana do'n!" naiinis kong wika at sinubukang kumawala pero mas hinigpitan niya ang pagkaka-hawak sa mga kamay ko at mas lalong inilapit ang katawan sa akin.

Halos hindi na ako humihinga ng maramdaman ko ang hininga nito sa leeg ko, mas lalo akong natuod sa kinatatayuan ko ng maramdaman kong panaka-naka nitong pinatakan ng maliit na halik ang leeg ko dahilan upang makiliti ako at hindi sinasadyang may makawalang daing mula sa akin.

"Fùck!" mahina nitong daing. Nang akala kong makakawala na ako ay mabilis nitong dinakma ang mukha ko at walang habas akong  ginawaran ng isang halik. Ramdam ko ang lambot ng kaniyang mga labi sa akin.

He kissed me like he was hungry with my lips, kinuha nitong pagkakataon ang pagkagulat ko at ipinasok ang mainit nitong dila sa bahagyang nakaawang kong bibig. Ginalugad nito ang bibig ko na tila ba may isang diyamante siyang mahahanap dito, habang tumatagal ay nakukuha ko na rin ang ritmo ng halik nito kaya naman mabilis ko siyang ginantihan. Hinihingal at kapos sa hanging pinakawalan namin ang labi ng isa't isa, pagkayari noon ay mabilis ako nitong pinakawalan bago walang sabi-sabi akong iniwan doon na lutang at hindi alam kung bakit niya iyon ginawa.

At aaminin ko may kaunting kirot akong naramdaman sa puso ko ng talikuran niya ako at iwana na lang ng basta-basta ng walang paliwanag na para bang nagsisisi ito sa paghalik sa akin.

Lutang at wala ako sa sariling pumasok sa aking silid habang hawak ang mga labi at hindi makapaniwalang hinalikan ako ni Klaus.

Ilang minuto akong nakatulala at hindi pa rin maproseso ang mga nangyari bago tuluyang mag-sink in sa utak ko na hinalikan ako ni Klaus, halos magsisigaw ako sa aking silid sa sobrang kilig.

Nagkalat ang mga unan sa sahig dahil sa kilig ko, wala akong ginawa kung hindi supilin ang ngiti at kilig habang nagpapagulong-gulong sa aking kama at hinahampas ang sarili ng unan at ang iba ay inihahagis sa ere na sa sahig nalalaglag.

Nang makuntento ay patihaya akong nahiga sa kamat at tumitig sa kisame habang may mga ngiti sa labi. Halos dumugo ang aking labi sa kakakagat ko dito dahil magpasa-hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang tamis ng mga halik nito bagama't may halos dila ito at first time ko lamang iyon ay hindi ko naramdaman na nabastos ako, bagkus pakiramdam ko ay natikman ko na ang halik na iyon dati pa at ngayo'y hinahanap-hanap ko na at iyon ay isang masamang pangitain.

Isang napakasamang pangitain sapagkat kahit gaano kasakit para sa akin ang mga nagiging kilos ni Klaus ay hindi ko maitatangging nakapahina ko kapag siya ang usapan. Hindi ko kayang magalit sa kaniya ng matagal, ewan ko ba sa pari na iyon ginamitan ata ako ng gayuma.

Priest Be With YouWhere stories live. Discover now