Dodici

267 23 3
                                    


"Iba ka, Miss Chandra."

Napalunok na lamang ako sa huling sinabi niya bago ko marinig sa hindi kalayuan ang pagtawag saakin. Pagtingin ko ay isang staff na nakasuot ng headset habang hawak-hawak ang isang papel.

"Miss Chandramukhi! Kanina pa kita hinahanap. Gusto ng dean na ikaw ang mag-speech as distinguished guest." Napaturo naman ako sa sarili ko dahil ang alam ko lang ay kinuha ako as sponsor, hindi kasama ang pag-speech ko. Huminga nalang ako nang malalim at lumingon kay Sam na nakatingin saakin.

"Of course, you are the one and only Chandramukhi mani." Sabay ngiti niya saakin kaya naman pati ako ay nahawa at napangiti na rin.

"Señorita? Tayo na po?" tumingin ako kay Danielle at sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Kinuha ko ito upang makatayo mula sa pagkakaupo sa damuhan.

Lumingon ako kung saan nakaupo si Sam, nakita ko ang pagtayo niya ngunit bigla siyang nawala ng balanse kaya agad kong hinawakan ang bewang niya upang hindi siya tuluyang mapaupo muli sa damuhan. Sa ginawa kong ito ay amoy na amoy ko ang pabango niya na hindi masakit sa ilong, fruity ang amoy nito ngunit hindi masyadong matamis. Napalunok na lamang ako sa kabang nararamdaman habang unti-unti siyang inaalalayan makatayo nang maayos ng hindi pinuputol ang pagtitig namin sa isa't isa.

"Ako lang ba? Or parang naging slow motion yung mundo?" Boses ni Gin ang nagpabalik saakin sa katinuan. Umiwas ako ng tingin at muling binalik kay Danielle na nakangiti saakin kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Mauuna muna ako. Luna? Sasama kaba saamin?" Pagkasabi ko nito ay biglang inakbayan ni Gin si Luna na tila sinasakal.

"Huwag ka mag-alala Miss Chandramukhi, safe na safe saakin si Luna." Napailing na lamang ako dahil pilit na inaalis ni Luna ang pagkakasakal ng braso ni Gin sakaniya.

Lumingon ako kay Sam na nakatitig lang saakin, "Until we meet again, Miss Samantha." Sabay ngiti bago tuluyan umalis upang sundan ang staff na tumawag saakin.

.....

Pabagsak na lamang akong napaupo sa sofa dito sa salas habang nakatingala sa kisame. Grabe ang pagod ko ngunit masaya naman ako dahil nakakilala ako ng mga bagong kaibigan at ang higit doon ay nakilala ko ng personal si Samantha Hechanova. Hindi ako makapaniwala na ganito pala ang pakiramdam ng ma starstruck ka sa isang tao. Tila kinikiliti ang kalamnan ko sa tuwing tinitignan ko siya...

"Ngiting-ngiti ka diyan, Señorita." Tinignan ko si Danielle na tumabi saakin. Umiling nalang ako at muling tumitig sa kisame.

"Tumawag si Miss Luna at ang sabi niya ay uuwi muna siya sakanila. Ihahatid naman daw siya nila Miss Gin at Miss Samantha." Muli na naman sumilay ang ngiti ko sa labi nang marinig ang panagalan niya.

"Ganito pala ang ma-starstruck, Danielle." Narinig ko ang pagtawa niya bahagya.

"Hay... Señorita. Minsan iniisp ko, bata ka parin." Kumunot noo ako sa sinabi niya, anong pinagsasabi nito? Tumingin ako sakaniya habang nilalapag niya ang tray ng pagkain sa center table.

"Anong sinasabi mo diyan, Danielle?" umiling lang siya habang nakangiti.

"Mabuti pa ay kumain kana, Señorita. Alam mong bawal saiyo ang malipasan at baka bumaba ang—"

"Oo na, ito na at kakain na." Huminga nalang ako nang malalim bago kumagat sa dala niyang pagkain.

Napagpasyahan kong buksan ang social media ko at nakita ko ang maraming tag sa page na mayroon ako. Pagbukas ko ay ang video nung pagsuntok ko sa arcade game, ang iba ay ang picture ko kasama ang mga fans at ang pagsasalita ko sa stage.

Impress her, Empress! (Mayari Side Story)Where stories live. Discover now