Sei

415 42 11
                                    

Pagkatapos kong sigawan ang magaling kong sekretarya na sisante na siya ay biglang kumalabog ang pintuan, at sa gulat ko ay muling tumapon ang kapeng iniinom ko sa damit ko. Napahinga nalang ako nang malalim sa pagpipigil ko ng inis sa taong biglang pumasok ng office ko, nabigla akong si Danielle pala ito at yung itsura niya tila humangos mula sa malayo. Halatang basa ng  pawis ang katawan niya dahil puting long sleeves nalang ang suot niya at wala na ang suot niyang itim na coat na unipormeng gusto nila.

"O-Okay ka lang, Señorita?" umiikot-ikot pa yung paningin niya sa loob ng apat na sulok ng kwarto na ito habang hinihingal at halatang pagod na pagod.

"Anong nangyari saiyo? May hinahanap ka ba? Tsaka, bakit tila ka nagmamadali?" tanong ko habang pinupunasan ang tumapon na kape sa damit ko sa pangalawang beses sa araw na ito. Pa balik-balik ang tingin ko sakaniya at sa pinupunasan ko sa dibdib ko.

"Sabi ni Miss Kasey may bigla daw lalaki na pumasok dito kaya nagmadali ako na makapunta dito. Iniwan ko na si Andrew sa sasakyan dahil naipit kami sa trapik papunta dito." Natampal ko nalang ang noo ko sa pinagsasabi ni Kasey sa bodyguard ko.

"Maupo ka, Danielle. Huwag kang maniwala sa siraulong iyon. Maayos lang ako at umalis naman na ang lalaking sinasabi niya---" nagitla ako sa bigla siyang lumapit saakin. 

Tumayo siya sa gilid ko at hinawakan ang swivel chair ko, inikot niya ito kaya magkaharap kami ngayon at siyang titig niya saakin mula ulo hanggang paa habang bahagyang nakabayukos dahil hawak niya sa magkabilang armrest ang swivel chair ko. Tinignan ko rin siya mula ulo hanggang paa, napangiti naman ako sa itsura niya na kahit pawis na pawis ay mukha parin siyang mabango at hindi matatago na maganda siya pero na pa kunot ako ng noo dahil nakasuot na naman siya ng uniporme.

"M-May ginawa ba saiyo ang lalaking iyon? Sinaktan ka ba? Binastos? Gusto mo bang pasundan siya?" sunod-sunod na tanong niya kaya na tameme ako bahagya dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito na tila ba natatarantang hindi mawari.

"Danielle, sinabi ko na saiyo na wala siyang ginawa, pinaalis ko siya at isa pa, sa tingin mo mananalo saakin ang ulupong na iyon? Syempre, hindi!" ngumisi ako sakaniya at siyang kita ko na nawala ang pag-aalala niya sa mga mata. Tumayo siya nang maayos at tumalikod, paalis na sana siya sa tabi ko nang hawakan ko ang suot niyang puting polo.

"Hep! hep! Sandali, huwag kang aalis," pananaway ko habang hawak ko parin ang damit niya. Kinuha ko sa drawer ang isang panyo ko na medyo kalakihan at gamit ang kaliwang kamay ko, niladlad ko ito at pinunasan ang likod niya.

"Ay! Señorita! Ano yan?!" Pilit siyang humaharap saakin ngunit umiiwas ako kaya naman tila kami naghahabulan sa loob ng opisina ko. Tawa naman ako ng tawa dahil hindi talaga siya tumitigil kakaabot sakin mula sa likod niya.

"Anong ka wetness ang nangyayari na yan?" sabay kaming napatingin ni Danielle sa magaling kong sekretarya na naka halukipkip sa may pintuan.

"Iyang bibig mo ibenta mo na yan, ha? Bumili ka nung hindi pasmado!" sigaw ko habang patuloy na pinupunasan ang likod ni Danielle.

"Isa ka pa! Huwag kang malikot Danielle, ha! Pinupunasan nga natin ang pawis na pawis ka!" Natatawa ako habang pilit na nagsusungit sakaniya. Kalaunan ay tumigil na rin siya at hinayaan na lamang ako.

"Oh, harap!" utos ko sa tila batang naglaro sa labas at pawis na pawis. Wala siyang nagawa kung hindi humarap saakin. Napangiti ako nang nakatingin siya saakin na tila natalo sa pustahan.

"Laro ka kasi nang laro sa labas!" pagbibiro ko habang pinupunasan ang pawis sa noo niya, pababa sakaniyang pisngi. Naramdaman ko ang paglunok niya at bahagyang pamumula ng pisngi. Masyado ko atang nadiinan ang pagpunas sa mga pisngi niya.

Impress her, Empress! (Mayari Side Story)Where stories live. Discover now