Otto

242 26 7
                                    


Agad akong lumapit sakaniya dahil nakikita kong nawawalan siya ng balanse sa hindi malamang dahilan. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at siyang yakap niya saakin habang humahagulgol.

"Em-Em! H-hindi ko naman ginustong saktan siya nang ganito..." maaawa na sana ako sa itsura niya pero biglang nangasim ang pagmumukha ko sa itinawag niya saakin.

"Luna, ngayon nalang tayo nagkita, huwag mo naman ako tawagin sa palayaw ko." Hindi ko napigilan dahil nandidiri talaga ako sa palayaw kong iyon.

Lalo siyang humagulgol kaya naman hinagod ko ang likod niya at inalalayan siyang umupo sa sofa. Tumayo ako at kinuha ang mineral bottle na nasa table ko upang ibigay sakaniya.

"Ngayon nalang ulit tayo nagkita, sa ganito pang estado kita makikita? Ano bang nangyari?" kinuha ko ang panyo sa bulsa ko, hindi ko napigilan punasan ang pisngi niya.

"Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal, hindi ba? Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Wala akong pagpipilian kung hindi ang iwan siya, tanggapin ang pera para sagipin ang negosyo ni Papa. Pero alam ng diyos kung gaano ko ka mahal si Selene." Naging malamlam ang tingin ko kay Luna dahil nakikita ko ngayon kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.

"Kitang-kita ko kung gaano siya kagalit, kung gaano niya ako kinamumuhian, Empress." Lalo siyang humagulgol kaya lalo akong nalungkot.

"Hindi ko masisisi si Eclipse kung kinamumuhian ka niya, at hindi rin kita masisisi kung bakit kailangan mo siyang iwanan." Naiintindihan ko ang lahat dahil parehas lang kaming dumadaan sa buhay na wala kang pagpipilian kung hindi ang masaktan at makasakit.

"Mabuting tao si Eclipse, alam kong maiintindihan niya at mapapatawad ka rin niya. Hindi nga lang ngayon pero balang-araw."

Higit siyang humagulgol at sumubsob sa dibdib ko, hinagod ko nalang ang likod niya at umaasa na kahit ganitong paraan alam niyang may nakakaintindi sakaniya.

"Pero maniwala ka sana, Empress. Minahal at minamahal ko hanggang ngayon si Selene." Bulong niya sa pagitan ng mga hikbi.

Huminga ako nang malalim bagong magsalita, "Alam ko, Luna. Nakita ko kung gaano mo kamahal si Eclipse, pero hindi iyon naging sapat na dahilan upang manatili ka sakaniya. Kaya ang mabuting desisyon ngayon ay ang palayain mo na siya sa puso mo."

"W-Wala naman kasi akong pagpipilian..." sagot niya habang sumisinghot. Umalis siya mula sa pagkakasubsob saakin at tinignan ako. Kita ko ang pagsisisi at sakit sa mga mata niya. Muli kong pinunasan ang pisngi niya gamit ang panyo ko.

"Palagi tayong may pagpipilian, Luna." Napabuga nalang ako ng hangin bago muling umusap, "pero hindi natin ginagawa dahil akala natin na ito yung tamang gawin."

Pabagsak siyang sumandal sa sofa at tumingala, "Buti ka pa..." sabay lingon niya saakin.

"Anong ako?" nagtataka ako sa sinasabi niya.

"Buti ka pa, ang perpekto ng buhay mo." At ako naman ngayon ang napasandal at napatingala sa kisame.

"Having a perfect life doesn't mean that it's worth it." Napabuga nalang ako ng hangin habang iniisip ang sinabi ko. Tumingin ako kay Luna, nakatitig lang siya saakin at naghihintay ng sasabihin ko.

"Ang pagkakaroon ng perpektong buhay ay malaki ang sakripisyo. Maaaring kaligayahan mo, ang kalayaan mo, at miski ang pagiging totoo mo sa sarili. Nasaiyo nga ang lahat ngunit alam mong may kulang sa sarili mo. Ang perpektong buhay ay hindi tulad ng isang makabuluhang buhay, Luna." Tahimik lang niyang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.

"Ang gusto ko ay makabuluhang buhay, Luna. Isang buhay na alam kong totoo ako sa sarili ko, isang buhay na alam ko ang halaga ko, at isang buhay na masaya ako. Makabuluhang buhay kahit hindi ito perpekto."

Impress her, Empress! (Mayari Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon