Chapter Seven: Heartbeat

294 21 0
                                    

Mas may edge siya kumpara kay Sabrina kung apelyido ng mga De Marco ang paglalabanan, kumbinsi ni Tina sa sarili habang palapit siya sa nurse's station para i-check sa computer monitor ang schedule at gamot na kailangan niyang i administer kay TJ.

One, she's not on bad terms with TJ's mom. Oo nga at civil si Arielle but at least, hindi tumataas ang BP nito kapag nakikita siya. 

Inilabas ni Tina ang cellphone niya at p-in-icture-an ang screen ng computer monitor. Mamayang alas dos pa ang schedule niyang balikan ang lalaki sa suite para sa gamot nito.

Pero kailangan niyang magbakasakali habang nandon pa si Mrs. Arielle De Marco sa silid ng anak nito.

Naabutan niyang parehong tahimik sa pagkakaupo sa sofa sina Arielle at Cecille. Mukhang wala pang nangyayari sa ilang oras na pagbi-brainstorming ng dalawa.

"Let's go home, Cecille. May kasama na si TJ. I need to go and see my husband."

"Sasabihin mo na sa kanya -?"

"I can't let him marry my son off to that woman."

Bakas pa rin ang pag aalala sa mukha na umahon sa kinauupuan si Mrs De Marco. Ganon din ang ginawa ni Cecille na binitbit ang bag ng una. Tina watched Mrs De Marco as she walked toward TJ's bed. Humalik ito sa pisngi ng anak.

They say mothers would do anything to protect their children at tiyak niyang iyon ang ibig sabihin ng halik na iginawad ni Mrs De Marco dito.

Hindi alam ni Tina kung ano ang atraso ni Sabrina sa pamilya De Marco, pero malinaw sa kanya ang disgusto ng Mama ni TJ para sa babae. Mukhang kagaya niya, gagawin din nito ang lahat para hindi mapabilang sa pamilya si Sabrina. 

And maybe... Maybe Tina could use that distaste para maibenta niya ang sarili nang mabilis at walang problema.

"Maiwan ka muna namin ulit, hija. Babalik kami bukas ng umaga." Si Arielle na bumuntong hininga.

"Actually, Ma'am..." Tawag ni Tina bago pa man makatalikod si Arielle.

Napatingin ang babae sa kanya. Nag angat din siya dito ng mukha, sinalubong ang nag tatanong nitong tingin.

"Sa tingin ko ho, matutulungan ko kayo. Gusto ko ho sana kayong makausap tungkol sa anak n'yo..."

Gumuhit ang pag aalala sa mukha ni Arielle. "May sinabi ba ang mga Doktor? May problema ba sa anak ko?" Sunod sunod na tanong nito.

"Hindi ho... Gusto ko ho sanang mag apply..."

Nakahinga nang maluwang ang dalawang babae sa narinig. Banayad ang ngiti ni Arielle.

"You've been very patient with my son, Tina. Kahit kasal na ang anak ko, kakailangan niya pa rin ng nurse na mag aalaga sa kanya. Ikaw pa rin ang kukunin namin huwag kang mag-alala."

Nurse ni TJ. Shit. Andami niyang nakalimutan. Nakalimutan niyang isa lamang siyang nurse. Nakalimutan niya na hindi kung sino sino lang ang babaeng pipiliin ni Theo na mapapangasawa ng anak.

Pero naalala niya, madalas ikinukwento ng Lola Elsa niya na noong una hindi si Hesusa kundi ang dating ex-girlfriend ni Frederico na isang guro sa isang Isla ang gusto ng Lolo at Lola niya para sa nag iisang anak.

But because Hesusa was persistent and caring hindi lang kay Frederico kundi sa mismong mga magulang nito, they ended up rooting for her instead.

Makukuha niya pa sa pagtitiyaga at pakitang tao si Mrs De Marco, naisip ni Tina, but unfortunately, she was running out of time. Bukas na dedesisyunan kung sino ang magiging Mrs. Theo James De Marco.

Nagbuka siya ng bibig para sabihin dito ang gusto niyang sabihin pero saktong bumukas ang pinto. Doon natuon ang atensyon nilang tatlo.

Sumungaw si David. May dala itong eco-bag na may lamang groceries. Pinanood ni Tina ang paglakad nito papasok. Noon niya lang ulit ito nakita simula nang mailipat siya sa VIP.

Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ONLY) Where stories live. Discover now