Chapter Five: Unsympathetic

286 20 0
                                    

Chapter Five: Unsympathetic

Hindi alam ni Tina kung gaano katagal ang dalawa sa loob ng suite, ang alam niya lang kailangan niyang lumabas sa banyo sa lalong madaling panahon bago pa siya maakusahang nanunubok. Hindi siya pwedeng magkaroon ng negative impression sa unang araw niya sa VIP floor. Not now when things are starting to get interesting.

Itinulak niya ang pinto ng banyo pero kasabay ng paglitaw niya roon ay ang pagbukas naman ng pinto sa suite. Imbes na sa kanya, doon natuon ang atensyon ng dalawang babae sa loob.

A tall man in his fifties stepped inside. Sa kama agad nakatutok ang tingin nito. Tina closely watched him as he took a few strides towards the bed.

"Theo..." Si Arielle na mabilis na nagpahid ng luha. Nakaguhit sa mukha nito ang pinaghalong pagkamangha at pag aalala. "Kailan ka pa dumating galing London?"

"Akala ko sa susunod na linggo pa ang dating mo..." sambit ni Arielle, pasimpleng suminghot.

Hindi sumagot si Theo, sa halip ay lumapit sa kama at ilang sandaling pinagmasdan ang mukha ng anak. He looked like someone who has had enough, pero hindi nakaligtas sa mga mata ni Tina ang pagtitiim ng mga bagang nito. Ang galit na dumaan sa mga mata na alam niyang hindi para kay TJ kundi sa tao o mga taong may gawa niyon sa anak.

"The Doctor's said he's going to be alright..." Dagdag ni Arielle na mukhang kinakabahan sa nakikitang ekspresyon ng mukha ng asawa.

Tina knew it was time for her to step out of the room pero paano niya gagawin iyon? Nakaharang ang tatlo, nakakahiyang bigla na siyang dadaan sa gitna ng mga ito.

"Find someone who'll marry your son as soon as possible, Arielle..." pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik ay ani Theo.

Tumikwas ang mga kilay ni Tina habang nagkatinginan naman sina Arielle at Abby.

"Marry? What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Arielle nang muli nitong ibalik ang tingin sa asawa. "I... I don't think this is the right time para pag usapan ang tungkol dyan..."

"I know your son damn well, Arielle. Hindi iyan papayag na magpakasal kung gising. Things like this won't stop from happening hanggang hindi siya tumitigil sa mga kalokohan niya."

"Habang buhay na kaligayahan ng anak mo ang pinag uusapan natin dito, Theo... Hintayin nating magising ang anak natin saka natin pag usapan ang tungkol sa kasal niya. It's his life, wala tayong karapatang panghimasukan -"

"Hihintayin mo pa bang maulit ito bago ka makialam sa buhay ng anak mo? Ilang pagkakataon na ang ibinigay natin sa kanya. Ilang beses na siyang napahamak dahil sa katigasan ng ulo niya. Hindi na bumabata ang anak mo pero hanggang ngayon napakatigas pa rin ng ulo. Simula nang bumalik 'yan galing Amerika wala nang ibang laman ang balita tungkol sa atin kundi eskandalo. And now he almost got himself killed!"

"At kasal ang iniisip mong paraan para matigil ito?" Naiiling na susog pa ni Arielle, tumataas na rin ang tono. "We don't even know who did this to him. Those criminals are still out there somewhere, waiting for another chance to strike again. Bakit hindi natin unahing habulin ang hustisya para kay TJ -"

"Pinal na ang desisyon ko, Arielle. Ako mismo ang maghahanap ng babaeng ipapakasal sa anak natin. If we as parents can't tame him maybe someone else can. Sa ayaw mo at sa gusto, ikakasal ang anak mo sa babaeng mapipili ko."

Natutop ni Arielle ang noo. Parang tumanda ito ng ilang taon. "You can't be serious, Theo..."

Malakas na tumikhim ang tiyahin para agawin ang atensyon ng mag asawa.

"Mabuti pa siguro ay pag usapan n'yo ito sa bahay, Theo, Arielle..." Singit ni Abby sa wakas, pinaparamdam ng tinig nito na may ibang tao sa loob ng kuwarto bukod sa mga ito.

Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ONLY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon