CHAPTER TWO: VIP

432 30 6
                                    

"Nurse, make sure he stays alive," anang lalaking nakapuwesto sa driver seat. Tinapunan sila nito nang mabilis na sulyap sa rearview mirror ng sasakyan. Ito 'yong umaakay sa pasyente kanina.

"Kuya, nurse lang ako, hindi ako si Jesus Christ..."

Binalikan siya ng tingin ng lalaki. "What?"

Kinagat niya ang dila. Ang lakas ng tama niya sa beer na ininom niya. Kinalmahan niya at pinalumanay ang pagsasalita.

"I mean, hindi po ako Doktor. Nurse lang ako, Sir... Isa pa..." Mabilis niyang ibinitin ang sasabihin.

"Isa pa, wala akong masyadong alam sa mga ganito. Sa halos isang taon ko sa propesyon, bukod sa pag asiste sa mga pasyenteng pabalik balik sa banyo at taga tulak ng wheelchair ng mga pasyenteng may dinadamdam sa kani-kanilang buto buto at kasu-kasuan o sakit sa puwetan wala na masyadong pasyenteng ina-assign sa 'kin para mahasa kahit papaano ang kaalaman ko bilang Nurse.'

Isi-share pa ba niya sa estrangherong ito ang nakakahiyang pinagdadaanan niya?

Para iiwas ang sarili na magpaliwanag, tumalima na lang siya, inalalayan ang ulo ng pasyente at maingat na isinandal ang katawan nito sa sandalan ng upuan.

"Kaano-ano mo po ang pasyente? Ilang taon na siya? Medical history niya, alam mo ba?"

"Sampung minuto pa bago marating ang Ospital. Make sure he stays alive. We'll pay you handsomely, I can assure you that," ang sabi, halatang iniwasan ang tanong niya. Tina noted he was driving so fast, hitting every red light on the way - busina kung busina.

Pero bago pa niya ito masita, lumungayngay na bigla ang ulo ng pasyente sa tabi niya. Dama ni Tina ang tensyon ng lalaki sa unahan dahil kasunod niyon ay ang bahagyang paglihis ng kotseng sinasakyan nila sa linya ng kalsada.

Mahinang napamura ang driver kasabay ng malakas na busina ng kasalubong nilang mga sasakyan. Suminghap si Tina. Nablangko siya bigla.

"Nurse!"

Tumingin si Tina sa lalaking nakapuwesto sa driver's seat, parang malabo at napakalayo ng boses nito kahit kung tutuusin ay halos isang metro lang ang pagitan nila. Ipinilig ni Tina ang ulo nang marinig muli ang boses ng lalaking nagmamaneho.

Mabilis niyang hinamig ang sarili. Tumingin siya sa labas ng sasakyan, nakahinga nang maluwang nang makitang nasa tamang lane na sila. Wala na ang galit at sunod-sunod na busina ng mga sasakyan - ganunpaman, mabilis pa rin ang takbo nila.

"I'm sorry, but this is not the right time to stare into space. May pasyente kang dapat asikasuhin - " mahinahong anang lalaki.

Nilunok ni Tina ang naramdamang takot kanina sa dibdib niya. Oo nga, may pasyente sa tabi niya, pero kung hindi ito mag-iingat baka tatlo na silang isusugod sa emergency mamaya.

Kumilos si Tina kahit nanlalamig pa ang mga palad niya. Totally, nawala na ang kalasingan niya. Humarap siya sa pasyente at kinuha ang tuwalya sa kamay nito. Maingat pero may diin na inilapat iyon sa tapat ng sugat sa dibdib nito.

She checked for his pulse as she examine his face. Who is this guy? Pangahan, matangos ang ilong at - sige, guwapo. Ngayong nakikita niya ito sa malapitan, hindi na iyon maikakaila kahit duguan ang gilid ng ulo nito.

Kaano-ano kaya nito ang driver? Guwapo din ang lalaki sa unahan, kanina niya pa napansin - but she noticed another thing, he was worried sick na parang hindi lang nito basta kaibigan lang ang pasyente.

Kapatid? Siguro. Kakambal?

Ah ewan. Pinasok kaya ng holdaper o masamang loob ang hotel? Sa dami ng guwardiyang nakakalat sa apat na pu't walong palapag na hotel, may x-ray scanning machines pa sa entrada, paanong nakalusot ang patalim?

Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ONLY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon