Chapter 46 - Party

89.8K 1.4K 24
                                    

Daphne's POV


Papunta na kami sa Village kung saan gaganapin ang bday party ni Vonn - pinsan ni Cherry. Siya yung na-meet ko noong nagkita kami ni Cherry sa mall na kung pumick-up lines, waley.


Medyo nadismaya lang ako kanina ng makakita ako ng wedding gown sa isang boutique sa mall.


Noong sinabi ni James sakin na pakasalan ko siya, umasa akong makakasuot ako ng isang wedding gown at magkaroon kami ng isang perfect wedding ceremony.


Pero sa kalagayan ko ngayon mukhang hindi pa yata matutuloy. Pano pa kaya ako makakasuot ng isang wedding dress, kung malaki na ang tyan ko? Ayoko namang ikasal na pangit nuh at nauna pa ang tyan ko kapag naglalakad ako. Bakit kasi hindi na lang planuhin ang kasal ngayon pa habang hindi pa halata ang tyan ko.


Yes, I'm pregnant at wala pa akong balak na sabihin ito kay James o sa mga magulang ko o magulang ni James. Sina Kuya Z, Arianne at Daveson pa lamang ang nakakaalam.


My reason why I hide my pregnancy to James is to.. perhaps, surprise him on his birthday. Nasabi kasi ni Mama Chel na malapit na daw ang bday ni James eh, wala naman akong idea kung ano ang kelangan kong ibigay o gawin para magng espesyal naman ang araw niyang yun.


Pero ang dense naman ng lalaki na yun, nagsuka't naglihi na ako and all, hindi pa rin niya napapansin o nagtaka na baka buntis ako? Ang talino nga ang mangmang naman ata sa ibang bagay? Well, okay nga yun na hindi niya alam para masurpresa talaga siya. Sana hindi niya lang ako mabuko. Hindi pa naman gaano lumalaki yung tyan ko, although tumataba lang ako ng kunti pero sexy pa din naman ako.


Ayoko din munang isipin about sa picture na yun. Nabubwisit ako kapag naaalala ko yun. Mae-estress lang ako at hindi pwede yun sa akin, kaya kinalimutan ko na lang muna total hindi naman nag-iba ang trato ni James sakin, sweet pa din naman siya sakin at lalong naging sweet ng lumutang yang lintik na pictures na yan kaya naisip kong baka sinet-up lang talaga ang mahal ko. Mahal kaya ako ni James!


"Ang tahimik mo yata? Anung iniisip mo?" Pukaw ni James sakin. Nakatingin lang ako sa may labas ng bintana kasi. Nag-iisip.


"Huh? Wala naman. N-napagod lang sa kakalakad sa mall" Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.


"Ganun ba? Gusto mo huwag na lang tayong tumuloy? Umuwi na lang tayo." patingin tingin niyang sabi sakin.


Napapansin ko bakit ni minsan hindi niya ako kinausap about sa wedding namin? Anung balak niya? Patatagalin ba niya ang pagsasama namin ng walang kasal?


"No, malapit na tayo. Nakakahiya naman kay Cherry. Maghihintay yun." Sabi ko na lang. "Ahm. James. I have something to ask you.. " Nag-aalangan pa ako if itatanong ko ba or hindi.


"What is it?"


"Kelan mo ko balak pakasalan? ... I mean hindi naman sa nagmamadali akong magpakasal or nagrereklamo ako ha. I know we're engage but never had a proper engagement party but it's okay lang naman. Well.. natanong ko lang... " Kinakabahan kong tanong.

A Night With...? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon