Chapter 29 - Faint

94.2K 1.5K 23
                                    

Daphne's POV

Sa isang buwan na pamamalagi namin ni Kyle sa bahay ni James ay naging masaya kami. Kumpletong pamilya at may pagmamahal sa isa't isa.

Si Kyle unti-unti nang pinapakita kay James na mahal niya ang ama. Sinabi niya sakin na nalulungkot daw siya kapag makitang malungkot ang daddy niya kaya naman he was been a good boy since the day he woke up at namulatan niya ng mga mata si James.

Nung araw na nagka aminan kami akala niya daw dahil lang kay Kyle kaya may nangyari sa amin at mga ginagawa at pinapakita ko sa kanya ay pilit lamang.

Natatawa na lang ako sa kanya. Hindi ko inakala na sa gabing inakala kong maling ginawa ko ay nagbigay pa pala ng kasayan sa buhay ko.

Hindi nga kami natuloy sa tagaytay nila Renz kasi ayoko ko naman na magalit at magselos ang mahal kong fiance' nakakatakot kaya baka iwan niya ako. Inintindi naman ako ni Renz. Understanding talaga ng kaibigan kong yun kaya nga mahal ko yun eh. Sana lang makakita siya ng totoong magmamahal sa kanya pabalik. Sinabi sakin ni James na may pagtingin daw ang pinsan niya sakin pero sure daw siya na ibang pagmamahal daw yun, I believed him naman kasi ramdam ko naman yun parang kapatid ang turing niya sakin.

Huling pag-uusap namin ni Renz ay sinabi na lang niya na gawin daw namin muna ang project bago mag aliw-aliw at yun nga ang ginawa namin habang siya ay pumunta ng Palawan nang tanungin ko siya kung anong gagawin niya dun sinabi niya lang he'll chase his happiness. Naisip kong gusto niya lang mag beach.

We worked together as a team ni James sa office niya sa bahay at hindi naman siya umaalis ng bahay para pumunta ng company niya, may tinatawagan lang siya para umasikaso ng dapat asikasuhin. Kumuha siya ng isang katulong nila mula sa mansion nila para makatulong namin sa bahay at pag-aalaga kay Kyle habang nagtatrabaho kami ni James para project.

Natuloy pala kami sa bahay ng parents ni James nung Saturday na sana pupunta kami ng tagaytay with Renz . Nakalimutan ko nga yung sinabi ni James sakin about his family kasi naman andaming kong iniisip kaya nawala sa isipan ko yun. Hindi naman nagtampo at nagalit si James pero pupunta daw kami kasi gusto na nilang makita at makilala si Kyle.

Nang pumunta nga kami dun ay aliw na aliw ang ina at ama ni James kay Kyle pati na din ang dalawa nitong twin brothers.

Sa isang buwan namin nawala sa bahay twice pa lang akong tumawag sa bahay ng parents ko at sa huling tawag ko nung nakaraang araw napag alaman kong nasa States pala sila dad at si Zachary daw ang nasa bahay. Nakapag isip - isip na din ako I have to face him and talk to him, somehow kuya ko siya at para tuluyan na rin akong sasaya.



Napag desisyonan kong pumunta ng bahay para kumuha ng ibang gamit ko at ni Kyle then kakausapin ko si Zach. Natapos ko na rin naman yung draft ko at si James na lang bahala sa iba pang kelangan. Umalis din kanina si James para puntahan ang isang site na ginagawa ng firm nila. Si Kyle nasa bahay ng parents ni James kukunin na lang daw namin mamaya kasi mamamasyal daw sila ni Tita Chel muna, sumama naman agad si Kyle kasi nabuburo na daw siya sa bahay.

"Minda!" tawag ko sa kasambahay.

"Pag dumating si James sabihin mo pupunta muna ako sa bahay at may kukunin. Ok?"

"Yes po, ateh" Sabi nito at tumalikod na ako ginamit ko yung sasakyan na binigay ni James sakin nung isang araw kasi daw para may gagamitin ako kung gusto kong lumabas para mag mall o mamasyal pag wala siya.

Nakarating ako nang bahay at tuloy-tuloy akong pumasok. May susi pa naman ako ng bahay so malaya pa din akong makakapasok kahit kelan ko gusto. Nakita ko si Zach na printeng naka upo sa sala at nanunuod ng tv. I call him Zach muna, my tongue can't take the word kuya kasi e.

"Ehemm" Agaw ko sa atensyon niya at narinig niya naman.

Napataas ang kilay niya ng makita ako at tumayo. Humarap siya sakin, nakatalikod kasi siya sakin kanina.

"Oh hello my gorgeous Katie, what a pleasant surprise." sarcastic nitong sabi, halata sa boses. "How are you, MY SISTER?" pinagdiinan niya pa ang word na sister talaga. Nakakainis! Isa pa bakit Katie ang tawag niya sakin? anu ako pusa? Tsk.

"C'mon just shut up. I wanna talk to you some things." Sabi ko.

"Ok, what are these SOME THINGS? Hmm?" he crossed his arms on his chest at looked at me.

Naiilang ako the he stares at me kay naglakad ako papuntang upoan at naupo. I off the tv then offer him to sit, just a hand gesture. He smirked and then umupo sa harapan ko.

"First I just wanna tell you that I don't hate you because you were son of my father." pauna ko. "Hinihiling ko lang na huwag mo pag-alalahanin si dad at maging mabuti ka sa kanya. I can't accept you now but I try my best to accept you as my brother."

"Ohh well, glad to hear that my dear Sister but I think you should be the one na huwag pag-alalahanin and daddy mo kasi sa ginawa mong pag alsa balutan nalungkot at pinag-alala mo ang daddy mo." sabi nito at pailing-iling pa.

Nag-alala ba talaga si dad sakin nung umalis kami? pero bakit hindi niya man lang ako tinawagan? Nanlulumo akong isipin na malungkot si dad dahil umalis kami ng apo niya. Na miss ko tuloy siya pati na din si mama.

"Kelan ba ang balik nila?" nagkibit balikat lang ito.

Tumayo na ako at napagpasyahang taposin na ang pag-uusap naming dalawa.

"You should go back here, Katie" Sabi nito at matiim ako tiningnan sa mata. I just turn my back at him at pumunta ng kwato ko pero iwan ko kung ano nag udyok sakin para mapa lingon at nakita ko si Zach na nakatingin sa legs ko I just hurriedly went to my room. I'm wearing maong short shorts and white tshirt. The way he looks at me was different, its creepy.

I just shook my head and start getting my extra bag and put some clothes and thing on it then after sa room ko pumunta ako sa room ni Kyle at kumuha din ng gamit ng anak ko.

Pababa na ako ng hagdan ng maramdaman kong nahihilo ako. Napahawak ako sa ulo ko at isang kamay ko sa hawakan ng hagdan. Medyo stress cgro ako dahil sa ginagawa naming trabaho ni James. Seconds later nawala din naman ang hilo ko kaya't nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan ng makita ko si Zach na nakatingin sa labas ng bintana tumingin siya sakin lumapit.

"I think you should stay, mukhang may malakas na ulan na darating." Napatingin ako sa labas at napapansin ko nga na medyo madilim na pero hindi pa naman pagabi ngayon mag aalas cuatro pa lang. I need to hurry na hahanapin ako ni James pag umuwi yun na wala ako at baka madatnan pa ako ng ulan sa daan, nahihirapan pa naman akong magdrive pag umuulan tsaka baka gagabihin ako.

"Mukha ngang uulan kaya't bibilisan ko na ng alis para hindi ako madatnan ng ulan sa daan." Lumakad na ako para umalis pero hinawakan niya ako sa braso.

"Stay. Hindi pangkaraniwang ulan lang yan, mukhang babagyo pa." napakunot noo ako at napatingin sa braso ko na hawak niya. Winaksi ko ang kamay ko para mabitawan niya. Napakamalas naman yata na araw ngayon pag totoo ngang babagyo.

"Anu ka manghuhula? mahuhulaan mo kung may bagyo? Nakakatawa. " Pag-uuyam ko dito at tuluyan ng pumunta ng pintuan para lumabas pero ng nasa hamba na ako ng pinto nahilo ulit ako and this time parang mapa-passout na ko. Feeling ko matutumba ako nangangapa ako ng makakapitan at biglang dumilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung anu binagsakan ko pero hindi naman masakit.

"Katie, wake up. hey!" yun lang ang huling narinig ko ng tuluyan ng sakupin ng dilim ang diwa ko.



~~~~~~

Xoxo

~ Lee ~



A Night With...? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon