Chapter 32 - I don't Care

87.9K 1.6K 17
                                    

Lemuel's POV

Nakatutok ako sa mga papeles na nasa harap ko ngayon at kasalukuyan nasa opisina ako.

Ayoko man mawalay sa tabi ng anak ko at lalo na ni Daphne pero kelangan ako ng company ko. Nasa poder ko naman sila at hindi na sila mawawalay pa sa tabi ko. Nakakainis lang kasi hindi ko man lang pormal na hiningi at nagpaalam sa mga magulang ni Daph. Alam kong alam na nila kung saan ang anak nila kasi mahigit isang buwan na nasa poder ko ang mag-ina ko.

Hindi pa nasabi ni Daphne kung anu rason niya kung bakit nag alsa balutan sila sa bahay nila pero pinabayaan ko na lang kasi alam kong sasabihin niya sakin pag handa na siya at masaya naman siya sa bahay ko.

Napangiti na lang ako sa sarili sa tuwing iisipin ko sila lalo na nakukuha ko na ang loob ng anak ko.

I heard knock on my door at dumungaw ang ulo ni Nade sa pinto.

Nade is my cousin na nakatira sa Bacolod at kasalukuyan nandito sa Cebu para magtrabaho daw, pinabayaan na lang namin ni mama kung anu ang gusto niya.

"Sir, it's already lunch time hindi ka po ba maglu-lunch?" nakangiting sabi ni Nade. Sir ang tawag niya sakin kapag nandito kami sa office. She's my temporary secretary.

"Mamaya na Nade, may tataposin lang ako, mauna kanang maglunch" nakangiti kong sabi at binigyan pansin ulit ang mga papeles na nirereview ko. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

Tutok na tutok ako sa mga papeles ng my maramdaman akong my humawak sa mga balikat ko. Napapitlag ako at napatayo ng mapasino ito.

"Fuck shit!" nasabi ko ng makalayo ako sa mesa at nakilala ko kung sino ang humawak sakin. "The hell! What are you doing here?!"

"Honey, I miss you." lumamlam ang mga mata na lumapit sakin si Jessica at balak akong yakapin pero umatras ako at tinaas ang mga kamay ko.

"Don't.. touch me." napatigil naman siya sa kinakatayuan niya. "Please, stay away from me, Jess. Stay away from Daphne." cool na sabi ko. Pagod ako at ayokong madagdagan ang pagod ko sa pag argue sa babaeng ito.

Nag-iba ang expression ng mukha niya, lalo na ang mga mata na parang my galit at selos. Nakita kong kinuyom niya ang mga kamay niya sa gilid niya.

"So, si Daphne pala yung babaeng pinagpalit mo sakin kaya nakipaghiwalay ka sakin. Hindi ako makakapayag na ipalit mo ako sa babaeng yun, Lemuel. Nang una ko siyang makita noon alam kong magiging karibal ko siya sa pagbawi ko sayo and I was thankful na hind ko na siya nakikitang umaaligid sayo at nagkabalikan nga tayo" napatawa na nang uuyam. "Nang nakita ko siya ulit alam kong threat siya sa pagbabalikan natin at hindi nga ako nagkamali!!" sumigaw na ito a parang baliw. Akala ko hindi niya na ako guguluhin pa kasi antagal niya rin hindi nangulit sakin.

"Jessica, listen. You know that I didn't love you, right? We tried to work our relationship but sorry, I failed to love you, again." napailing ako na nameywang. " ..and you doesn't really love me either."

"No.. no. I really love you, hon" hinawakan niya ako sa braso. " I was really drunk that night. Please forgive me.." lumuhod na siya sa harap ko at yumakap sa isang paa ko.

"Tumayo ka jan" hinawakan ko siya sa mga braso at pinatayo, nagpadala naman siya. "I already forgave you,okay? ..but I'm sorry matagal na tayong tapos. I'm happy with Daphne and my son.. I have my family now. "

"Huh! So, totoo pala talaga ang balita na anak mo yung batang na yun!! Ang landi ng babaeng yun! Hindi ko matatanggap to Lemuel! Sisirain ko ang babaeng yun! I swear!"sigaw niya sakin and I feel scared

A Night With...? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon