Chapter 37 - One Shot

72.6K 1.2K 29
                                    

Lemuel's POV


Umalis ako ng bahay dahil ayaw kong ibunton ang galit ko kay Daphne. Tinawagan ko si Ivan.


"Hello pare, napatawag ka?" bati ni Ivan.


"Ivan! Magkita tayo sa Shadow Bar ngayon importante."


"Problema pare?Sige." binaba ko na ang tawag.


Galit ako, galit na galit pero hindi kay Daphne kundi sa gagong Zach na yun. Anong karapatan niya para sagutin ang tawag ko kay Daphne kanina at hinalikan niya pa to sa pisngi! Kahit sa pisngi pa yun ayokong may humahalik na ibang lalaki kay Daphne ni sa kamay man yun o sa paa! Naalala ko ang kanina.


Sabi ni Daphne pauwi na siya, naiinis ako sa kanya kasi hindi man lang niya kanina sinasagot ang mga tawag ko at texts, nag-aalala na din ako sa kanya. Nang sinagot niya yung tawag ko ay nabawasan ang pag-aalala ko at medyo inis na lang ako sa kanya.


Text ako ng text kung nasaan na siya pero hindi naman nagrereply, pero alas-otso na at wala pa rin ito. I called her, ring lang ng ring. Nang ika tatlo kong tawag sa kanya ay sinagot naman nito pero nag-init bigla ang ulo ko at kumulo ang dugo ko ng marinig ko na lalaki ang sumagot sa tawag ko kay Daphne.


"WHO THE HELL ARE YOU?!" Singhal ko dito.


"Whoa! Easy there bro." Napakunot ang noo ko. "Zach, here. Katie's with me." sabi nito. Sino siya para bigyan niya ng pet name si Daphne?


"Huwag mong e-Katie si Daphne Kate! Nasaan siya?! I want to talk to her now!" I want to punch his face over and over again. Ginagalit ako ng gagong ito. Unang kita ko pa lang sa kanya hindi ko na gusto ang pagmumukha nito at the way nang pagtingin nito kay Daphne ay parang hindi naman kapatid.


"Sorry, you can't talk to her right now. She's sleeping like a baby beside me. I have a heart naman to this beautiful lady beside me so hindi ko siya eestorbohin. Don't worry bro, iuuwi ko naman sya pagkagising niya. Bye." at bigla na lang nito binaba ang tawag ko ni hindi nito hinintay na makapagsalita ako.


"Putang-ina!!! Daphne!!!" sabi ko sa sarili ko. Naiinis ako sa kanya bakit siya tulog at kasama ang lalaking yun! Tinawagan ko ulit ang cellphone ni Daphne pero out of coverage na ito. Nakailang tawag na ako pero patay parin ang phone nito o walang signal.


Pumunta ako ng bar counter ng bahay at uminom ako alak. Gusto kong pakalmahin ang dugo ko at baka mapatay ko ang lalaking yun sa sobrang galit ko dito.


Tiningnan ko ang orasan ng marinig ko ang ugong sasakyan sa labas ng bahay.


Dali-dali akong lumabas ng bahay hanggang sa labas ng gate at nakita kong hinalikan ng walang hiyang lalaking yun si Daphne sa pisngi. Gusto ko talagang basagin ang mukha ng gago kaso pnigilan ko lang ang sarili ko kasi sa isip ko kapatid ito ng babaeng mahal ko pero pinapatay ko na ang gago sa isip ko.

A Night With...? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon