Chapter 6

158 3 0
                                    

Nandito kami sa loob ng isang bunker kung saan madalas daw magtago si Khiro.

Walang nakakaalam nito bukod sakaniya at sa akin.

"Nasugat ka." Nilapitan ko siya at tinignan ang braso niya.

Nang akmang hahawakan ko na ito ay kinabig niya ang kamay ko.

"Don't touch me, bitch." Naka kunot ang nuo nito at halos mandilim ang paningin niya sa akin.

Naglakad ako palayo sakaniya at nagtingin kung meron bang first aid kit dito. Buti na lamang ay mayroon itong bulak at betadin.

"Hugasan mo muna iyang sugat-"

Natigil ako sa pagsasalita ng mawalan ito ng malay.

Agad akong nataranta at pilit siyang hinila papunta sa higaan.

Ang bigat niya!

Ngunit sa kalagitnaan ng paghihila ko sakaniya ay bigla na lamang akong natapilok. Natumba ako at ganon din siya.

Tumama ang maliit kong katawan sa sahig at natabunan pa ng mabigat na katawan ni Khiro.

Mabuti na lamang at tumama ang ulo niya sa braso ko at hindi sa mukha ko. Dahil kung nagkataon ay mawawalan na ako ng first kiss!

Hindi ko alam kung bakit madaming gustong habulin kami ni Khiro. Ayaw din naman niyang magpaliwanag.

Khiro Siegel Ravanila

Luanne and I safely got out at the bunker.

Oras ang lumipas mula ng mahimatay ako dahil sa sugat ko sa braso. I'm scared of blood.

"Khiro, nagugutom ako."

Napalingon ako kay Luanne sa biglaan nitong pagsasalita.

"Then starve to death."

Inirapan ko ang babaeng 'to. Hindi ako galit sakaniya. Galit ako sa tatay nito.

Ako ang sumasalo sa galit ng Kuya ko dahil sa malaking pagkaka-utang nito sa amin.

And the only thing I can do to get back to him is to make his daughters suffer.

I have Luanne under my shadow. And soon I'll have her other daughter, Ynniah.

"Luanne, have you been into any cruise ship?"

Umiling ito. "Let's go then."

Naglakad kami papasok sa isa sa mga malalaking cruise ship sa Asia.

Walang humarang sa amin dahil kilala ako. I'm Khiro Siegel Ravanilla, after all.

The owner is a very close friend of mine. And I also have a huge contribution in the making of this ship. Kaya putangina nila kung haharangan nila ang daan ko.

Dinala ko agad sa cabin ko si Luanne at ipinabantayan kay Sky. Isa sa mga matalik kung kakilala si Sky. At madalas din siya dito.

"Take care of her, Dude. I got to freshen up."

Hindi ako nito tinapunan ng tingin dahil abala ito sa pagbabasa sa kaniyang diyaryo.

Luanne Navin Azores

"Why don't you try following him?"

Napatingin ako sa mamang gwapo na nagbabasa ng diyaryo.

"Po?"

"You look good. You just don't know how to dress. You like him. You're just in denial."

Ibinaba nito ang diyaryo at tumayo.

"You can chase and love him. But you can't make him yours. You're too young for him."

Pag tapos niyang mag-salita ay inabutan ako nito ng isang malaking kahon.

Pa'no naman niya nasabi na may gusto ako kay Khiro?

Inilabas niya ang karga nitong isang napaka gandang damit na kulay white. Plain white lamang ito ngunit backless.

"Clean yourself then wear this if you want to go outside. I'm not babysitting you for the rest of the night."

...

Kanina pa ako nasa labas at ipinirmi ko na lamang ang sarili ko sa mini bar ng barko.

I asked for mocktail at buti na lang ay walang hininging bayad or what iyung bartender.

"Hey, shawty."

Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin. "You look so hot, babe."

Naaamoy ko ang alak mula sa kaniyang bibig. Mariin pa nitong pinisil ang balikat kong inaakbayan niya.

"What's your na-"

"She's Luna, 20 years old, and my fucking girlfriend."

Napalingon kami pareho ng lalaking kumakausap sa akin sa aming likodan.

Si Khiro!

"If you wouldn't mind, get the fuck away from my girl?"

At ganon na lang ay umalis ang lalaking umaakbay sa akin.

"Nakakainis ka! I told you to stay in my room. Ba't ka lumabas?"

||R. A||
RAENA ALMEDA

MAFIA KINGS TRILOGY 2: Date Me Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now