Chapter 4

236 6 0
                                    

"This will be your room. You're not allowed to go anywhere without any guards or without me. You're not allowed to eat unless I say so. You're not allowed to make friends with any of my staff here. Unless I say so, you stay here."

Natatakot ako sa boses niya. Gusto ko na lamang umiyak at tumakbo. Pakiramdam ko ay ako na ang pinaka malas na tao sa mundong ito.

"Did I make myself clear?" Pagka sabi nito ay muling lumiwanag ang paligid dahil iginilid na niyang muli ang mga kurtina.

Nasilayan ko ang mukha niya. Maganda ang kulay Hazel niyang mata. Ang kaniyang buhok ay kulot at blonde din. Ang mga labi nito ay may pagka manipis ngunit masasabi kung alagang alaga niya ang kutis niya.

Ano kaya ang skin care niya?

Matangkad din ito. Maaaring 6'3 siguro o mas mataas pa dito. Moreno ito na may malalaking braso.

"And lastly, I hate you. And you're not f*cking welcome here."

Tumingin ito sa akin ng matalim bago umalis. Isinara nito ang pintuan at naramdaman kung may pinit itong kung ano-ano. Siguro ay lock ng pinto.

Doon ay tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Ano ba'ng nangyayari sa buhay ko?

Sa mga oras na ito ay ang tangi ko lamang na gustong mangyari ay mayakap ng ina ko.

GABI na at halos mag hapon na akong naka hilata dito. Walang telepono o makaka usap man lang. Tanging ang mga aklat na naka display lamang ang nandito.

Wala rin akong mahagilap na tao mula sa aking bintana dahil isang magandang tanawin lamang ang makikita mula dito.

Agad akong napalingon sa pintuan ng bumukas ito. "Luanne?"

Pumasok dito ang lalaking nagngangalang Khiro.

"Eat." Inabutan ako nito ng plato na may kargang pagkain at agad ko naman itong kinuha dahil sa sobrang gutom.

Mahina nitong isinara ang pintuan. Habang kumakain ako ay napalingon ako dito at napansin ang dugo mula sa mga labi nito.

"May sugat ka." Itinuro ko ang sugat sa mismo niyang labi ng ma-upo ito sa tabi ko.

Agad niyang hinuli ang pulsuhan ko.

"Just eat." Marahan nitong pinakawalan ang kamay ko.

Hindi ko din alam kung saan ako kumuha ng lakas upang gawin iyun.

"You know you're lucky. Out of all the rooms here in my house, you got the most breathtaking view."

Muntik na akong masamid sa depinisyon niya ng "maswerte".

"I'm sorry for how I acted this morning."

Hindi ko parin siya pinapansin. Patuloy lamang ako sa pagkain.

"I'm Khiro. The owner of this house and the one that saved you from getting rap*d last night."

Uminom ako ng tubig ng matapos na akong kumain.

"Salamat. Pero wala akong maibabayad sa'yong pera para sa utang ng papa ko. Masasabi kung ulila na ako dahil pinabayaan na ako ng mga magulang ko. Masasayang lang ang ora—"

Hindi ko naituloy ang nais kung sabihin ng buksan niya ang bintana ng kwarto ko.

"I've already contacted your Dad. He needs a few more time to pay me. And I agreed. But we both had a deal."

Mas lalong naging seryoso ang boses nito. "Aside that I will kill you if he fails to pay me. We also had a deal that you will be working for me for the mean time."

"I need someone I can play and mess with. More like my slave. I'm not asking any of your permission. I'm just here to inform you that by tomorrow you live under my rules and you live for me. Just for me."

Mahabang litanya nito. Ano ba'ng pinagsasasabi niya? Siguro ay nag dru-drugs siya.

"Sige. Sabi mo, e." Muli akong uminom ng tubig na parang naiintindihan ko ang sinabi niya.

Kumunot ang noo nito nang mapansin niyang wala akong pakielam sa mga sinabi niya.

Nagulat na lamang ako ng tumawa ito at nag-iwas tingin sa akin.

"What did I even expect from a moron like you?"

***

ANG mga mata ko ay pumipikit-pikit pa dahil sa biglaang paggising sa akin ni Khiro sa kalagitnaan ng gabi.

May pupuntahan daw kami. Sumakay pa nga kami ng eroplano. Ito ang unang beses na sumakay ako ng eroplano kaya gising na gising ang diwa ko ng makapasok ako rito.

"You've never been into a plane before?"

Umiling ako sa tanong nito. "Your dad really is useless."

Naiinis na ako sa pananalita nito. Kanina pa niya iniinsulto ang pamilya ko.

Napansin ko ang malagkit na tingin nito sa isang babaeng kasama namin sa eroplano na nagseserve ng aming makakain.

Pasimple pa nito itong kinindatan. Nagtaas ang kilay ko sa ginawa niya.

"Poging-pogi? Mukha ka namang itlog pugo."

Habang ako ay natatawa sa biro ko siya naman ay naka kunot ang noo at nagtataka sa mga sinabi ko. Parang nabigla ito sa biro ko.

Umalis ito sa harapan ko at lumipat sa kabilang upuan ng eroplano. Kumuha din ito ng cigarette na inabot nung babae kanina ngunit hindi naman niya sinindihan o isinubo. Nilalaro lamang nito ito sa kaniyang mga daliri.

Hindi napigilan ng aking mga mata na pansinin ang mga daliri niyang mahahaba at ang ugat na nasa kaniyang kamay patungo sa kaniyang braso.

Naramdaman ko ang pagka pikon niya sa akin kaya lumapit ako sakaniya. "S-sorry."

"I don't like you talking back to me. Do you want me fo f*cking kill you?"

Hindi ko maseryoso ang mga sinasabi niya. Wala kasi sa hitsura nito ang pagiging masungit.

Kaya imbes na kausapin ito ay pinili ko na lamang bumalik sa upuan ko. Ngunit bago pa man ako makabalik ay biglang yumanig ang sinasakyan naming eroplano.

Biglaan itong parang napa slant o tumagilig ng kaunti na naging sanhi ng pagkatumba ko.

Diretso sana akong babagsak ng mahigit ni Khiro ang mga kamay ko at naalalayan ako.

||R. A||
RAENA ALMEDA

MAFIA KINGS TRILOGY 2: Date Me Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now