Chapter 2

620 11 6
                                    

Dedicated to: typoropotor

"Nandito ka na pala, Hija. Kumusta ang trip niyo sa L.A?" Bumeso ako kay Mama.

"It was fantastic! Punong puno iyung buong arena ng tao. We sold over 105 Million tickets! Performing with the 1975 was just a dream and I still couldn't believe I just did last week."

Kweto ko dito. "It's not living" by tbe 1975 is one of my favorites. And it's such a dream come true when I got to performed with them.

"Sabi naman sa'yo, Anak. Just focus on your goals and on the things that you want to achieve." Niyakap naman ako ni Mama matapos sabihin iyon.

"Si Papa po pala?"

"Well, bumisita sa hacienda natin sa Manaoag. Atsaka nga pala. May sulat na dumating dito kahapon. Here."

Kinuha ni Mama sa gilid ng mesa ang isang sulat at inabot saakin.

***

Gabi palang ay bumyahe na ako papuntang Tagaytay.

Inimbitahan kasi ako ng isang banda na mag perform kasama sila. At iyung malilikom na pera ay idodonate namin sa mga batang may cancer.

Hindi naman ako makatanggi dahil gusto ko rin namang makatulong kahit pa sa Tagaytay ito. Kung saan nangyari ang aksidente.

Alam kung hindi ako papayagan ni Mama kapag sinabi kong sa Tagaytay ito. Kaya sinabi ko ay sa Bataan ito gaganapin.

Hindi narin ako nagpahatid sa driver namin kahit hindi 'ko alam ang mga pasikot sikot doon.

I was wearing a red long sleeve and a black skirt and a red stiletto. Red's my favorite color. Kaya nga pati lipstick ko ay red. Naka lugay na din ako dahil ayoko mag ipit.

Iyung gitara ko naman ay nasa backseat na. I have no idea how I learned to play guitar. Matapos ng aksidente kasi ay naghahanap ako ng music kaya nagpabili ako ng gitara kay Papa. At nagulat na lamang ako ng kusang gumalaw ang mga kamay ko na parang napaka galing kung tumugtug.

"Ah kuya, tanong lang po. Saan po dito yung Bulalo Capital?" Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko at nagtanong.

Naka suot parin ang face mask ko dahil baka makilala ako ng tao at dumugin.

"Ay diretsuhin niyo lang po yang daan na iyan ma'am." Turo naman ni Manong na tinanguan ko naman.

"Sige po, salamat!"

Nang isara ko na ang binatana ng kotse ko at nagsimula ng mag drive ay doon ko napansin ang pulubi sa gilid ni manong na nakatingin saakin ng napaka lalim.

Nang mag-iwas ako ng tingin dito ay kumabog ng napaka lakas ang puso ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng biglang may malakas na pumreno sa gilid ng kotse ko.

Tumigil ang mundo ko at hindi alam ang gagawin.

||R.A||
RAENAALMEDA

MAFIA KINGS TRILOGY 2: Date Me Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now