Chapter 3

409 7 1
                                    

"Ron, maawa ka sa amin ng anak mo! Hindi ko siya kayang buhayin. Alam mo namang itinakwil na'ko ng pamilya ko."

Nakita ko ang Papa na paalis na ng apartment.

"Hindi na tayo pwede magkita! Akala ko kakayanin kong buhayin kayo ng patago. Pero mas lalo lang nag hihinala ang asawa ko."

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Ang alam ko lang ay aalis si Papa at magbabakasyon. Dahil iyon ang sabi niya.

"Ron! Kami nalang ang piliin mo. May anak ka sa'kin. Sakaniya wala!"

Sa pagkakataong ito ay sumisigaw na ang Mama ko at si Papa ay tuluyan ng umalis.

"May anak kami!" Napahinto si Mama sa sinabing iyun ni Papa.

"Alam ko na isang maling pagkakamali na itinago ko ito sa'yo. Pero may anak kami."

***

Tatlong buwan na ang lumipas mula ng umalis si Papa para magbakasyon.

Nasa bayan kami ngayon dahil ang sabi ni Mama ay kakain kami sa labas.

"Dito ka lang, ah?" Yumuko ang Mama at hinaplos ang mukha ko bago ako hinalikan.

Tumango naman ako. May naiwan daw kasi siya sa bahay at babalikan niya lamang iyon.

Ngunit lumipas na ang ilang oras ay hindi parin siya bumabalik. Hanggang ang mga oras na iyon ay naging araw at buwan.

... 5 Years Later...

"Luanne, paki linis yung guest room."

Nagmamadaling maglinis ang lahat ng mansion dahil pauwi na ang mga mayaman naming amo mula italya at may mga kasama din itong bisita.

"Papunta na po, Manang."

Kinuha ko ang mga gamit na kakaylanganin ko bago pumasok ng kwarto.

Mahigit limang taon na ang nakalipas mula ng iwan ako ng Mama. Mabuti na lamang ay nandoon si Manang Celia at kinupkup ako.

Patuloy parin ako sa pag aaral ngunit nahuli lamang ako ng isang taon.

Inabot ako ng tatlong oras para malinis ang buong guest room dahil sa lawak nito.

Paglabas ko ng kwarto ay nagulat na lamang ako na may mga maiingay na sa baba. Nandito na pala sila!

Agad akong hinila ni Manang Celia at pasimple na inilayo sa mga amo niya. Ayaw kasi ng mga ito ng marurungis.

"Maligo at magpalit ka muna ng uniporme mo bago ka pumunta sa sala."

Ginawa ko ang utos ni Manang Celia. Mabilis akong natapos dahil hindi naman ako katagalan maligo.

Pumunta na ako ng sala at agad akong ipinakilala ni Manang Celia sa mga amo namin.

"Ito na ba si Luanne? Iyung batang napulot mo?"

Nakangiti si Manang Celia habang naka hawak sa mga balikat ko.

Tumayo ang matandang kausap ni Manang Celia at sinuri ako. Nakaramdam ako ng kaba ng haplusin nito ang braso ko.

Hindi ko alam kung saan ko ipapako ang mga mata ko dahil lahat sila ay naka tingin saakin.

"Salamat, Celia. Kukunin na namin siya."

Nanlaki ang mata ko at napalingon kay Manang Celia na ngayon ay abala sa pagbibilang ng pera.

Bago pa man ako makapagsalita ay may itinusok sila sa braso ko at nanghina agad ang katawan ko sa epekto nito.

Dahan-dahan akong inalalayan ng mga kasama ng matandang iyon palabas ng bahay.

Ang iba nilang kasama ay dumiretso na sa kani-kanilang sasakyan.

Nang maipasok ako sa sasakyan ay pansamantalang hinintay ang matandang kausap ni Manang Celia kanina at ng maka sakay na ito ay umandar na ang sinasakyan namin.

Hinang-hina ang katawan ko ngunit sinubukan ko paring lumaban. Ngunit isang malakas na sampal lamang ang natamo ko.

"Fuck you!" Sigaw pa ng matanda sa'kin.

Kasabay ng pag-sigaw ng matanda ay ang malakas na pag preno ng sasakyan namin.

Nahinto ito sa kalagitnaan ng kalsada at bigla na lamang kami pinaulanan ng putok.

Agad yumuko ang mga katabi ko para hindi matamaan. Naiwan akong naka pirmi ng upo dahil sa hindi ko magalaw ang katawan.

Bumukas ang pintuan ng kotse at tumingala ang matanda. "You? How dare you betr-"

Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng paulanan siya ng baril sa ulo.

Sa lakas ng mga putok ng baril ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

***

Napamulat ako sa sinag ng araw.

Una kong napansin ang napaka gandang kuwarto at malawak na kama na aking hinihigaan.

Dahan-dahan akong tumayo. "Sit."

Isang nakakatakot na baritonong boses ang tuluyang nagpamulat sa mga mata kong halos bagong gising lang.

Ang kaninang naka bukas na bintana ay natatakpan na ngayon ng kurtina.

Nakatapat lamang ako sa pintuan at hindi alam ang gagawin.

"Sit, Luanne. Sit."

Humanap ako ng maaaring makapitan upang makabalik sa kama ko.

Ngunit isang malamig na kamay ang umalalay sa mga kamay ko. "Careful."

Nang maka-upo na ako sa kama ay naupo na din ito. Kumuha siya ng isang cigarette at sinindihan ito.

"Look. I know you came from a wealthy family. I know your dad. And I'm going to use you against him."

Nangunot ang noo ko. Ang alam ko ay matagal na akong inabanduna ng ama at ina ko. Kaya wala na akong kinalaman sa kung anong kasalanan nila sakaniya.

"You may not know much but your dad owe my boss a huge debt. Your dad has 2 years to pay me. And if he fails. I'm going to kill you."

Tila natuyuan ang lalamunan ko at walang lumalabas na salita. "Khiro. I'm Khiro. I'll be taking care of you until your father pays off his debt."

Bumuga ito ng usok. Hindi parin ako makagalaw. "I don't like you if that's what you're thinking. I don't like women half my age. And I'm not into women that are 19 and below."

||R. A||
RAENA ALMEDA

MAFIA KINGS TRILOGY 2: Date Me Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now