XXII: DOUBT

1.4K 45 2
                                    

"Ano'ng pinagsasabi mo?" blangko kong tanong kay Miro.

Wala akong pagdududa sa kaniya, siguro dahil na rin sa mga nakita kong imahe. Ang gusto ko lang malaman ay kung paano niya nalaman ang lahat ng iyon. Bakit alam niya ang tungkol sa mga magulang ko?

Simula noong bata ako, hindi na talaga malinaw sa akin ang inaakto ng mga magulang ko. Inakala ko nga na rescuer sila. Madalas kasing umaalis sina Mommy at Daddy sa tuwing may pumupuntang tao sa bahay, kapag tinatanong ko naman sila ang palagi lang nilang sagot sa akin ay may tutulungan sila. Wala akong ideya sa katauhan ng nanay ko dahil sa buong panahon na magkakasama kami ay wala silang ipinakitang kakaiba sa akin. Namuhay kami na tulad ng isang tipikal na pamilya.

Napataas ang kilay ko nang marahang maghubad si Miro sa harapan ko. Mayamaya pa ay tumambad sa aking paningin ang kaniyang dibdib, gumagaling na ang mga sugat niya. Sinalubong niya ang mga mata ko at huminga nang malalim.

"The wound we get from Alpha is no joke to us werewolves. It takes almost a month to heal, but because you treated me, my wound has healed a lot in just a few days. I could smell the witch blood on you the first time I saw you, and my suspicion grew stronger when I started investigating your family line," he explained.

"Doon mo nalaman ang tungkol sa ina ko?" pangungumpirma ko.

Agad naman siyang tumango. "You can manage the consequences if you reject the Alpha, as I just explained. I'm not taking away your right to decide, but it's my obligation as a beta to protect him. I hope you understand."

I didn't speak immediately; I just turned my gaze to Cleon. His jaw tightened as he looked back at me. I knew he didn't want to let me go; I could clearly see it, no matter how much he said he would respect my decision.

Palihim kong nakagat ang dila ko nang dumaan ang galit sa dibdib ko. Isinasampal man sa akin ang katotohanan na siya ang pumatay sa mga magulang ko, gusto ko pa rin siyang bigyan ng pagkakataon. Isang matibay na ebidensya pa para tuluyan ko siyang sukuan.

Iniiwas ko ang aking paningin at muling kumain ng mansanas. "May ilang araw pa ako para magdesisyon. Pag-iisipan ko ang bagay na ito."

Ramdam ko ang pinakawalang hininga ni Miro, tila pa nakampante siya kahit papaano sa sinabi ko. Binalewala ko naman ang mga presensya nila at tiim-bagang na napatanaw sa labas ng bintana. Alam ko ang desisyong tumatakbo sa utak ko, gagamitin ko lang ang mga natitirang araw para alalahanin ang lahat ng nangyari. Gusto ko na malinaw kong maalala kung paano pinatay ni Cleon ang mga magulang ko nang sa gano'n ay wala akong maramdamang awa o konsensya kapag ni-reject ko siya.

"You're mad . . ." I heard Cleon whispered.

Wala sa sariling napabaling ang atensyon ko sa kaniya. Mukha siyang naguguluhan at nasasaktan, hindi ko alam kung para saan iyon. Nilunok ko ang nagbabarang harang sa lalamunan ko at inangat ang aking kilay.

"How do you say that?" hamon ko. "And I have the rights, right?" malaman kong dugtong.

Umigting ang panga niya saka binalingan ang dalawa naming kasama. Napabuntonghininga naman si Miro at walang imik na naglakad palabas ng silid. Gano'n din ang ginawa ni Manang. Nang tuluyan kaming naiwang dalawa ay marahan siyang lumapit sa akin at naupo sa gilid ng kama, ang kaniyang paningin ay nakatuon sa akin.

"I can feel it," he said simply.

Hindi ko naman naiwasang magkataka sa narinig.

"Because of the bond between the two of us, I can feel your excessive emotion," he explained.

Tuluyan nang nalaglag ang panga ko at napatitig sa kaniya. "So . . . what I was feeling earlier was yours?"

Hindi naman siya sumagot at nanatili lamang nakatitig sa akin. Bigla tuloy akong nailang dahil dumaloy na naman ang kakaibang init sa katawan ko. Tila bumagal ang pagtakbo ng oras, ang kaniyang bawat paghinga ay nararamdaman ko sa kabila ng distansya naming dalawa. Marahan siyang lumunok at halos lumuwa ang puso ko sa malalakas na kabog niyon sandaling mapatitig ako sa kaniyang mga labi.

"You're . . . lusting over me," I uttered weakly.

His eyes flickered slowly. "You too," he said.

Napigil ko naman ang hininga ko. Gusto kong itanggi iyon pero hindi ko magawa. Sa huli ay napakuyom na lamang ako ng mga palad at umiwas ng tingin.

Dahil lang ito sa koneksyon naming dalawa. Kung wala ito ay paniguradong puro galit lamang ang mararamdaman ko sa kaniya. Hindi ako pwedeng magpalinlang.

"Tell me," I mumbled and looked at him blankly. "What exactly do you want me to do?"

Marahan namang gumalaw ang panga niya at muling sinalubong ang paningin ko. "I want you to accept me. I want you to make love to me. I want you to be my luna, Faraiah."

Pakiramdam ko ay nanginginig ako ngayon. Hindi sa takot kundi dahil sa matinding emosyon na naramdaman ko sa bawat salita niya. He really meant his words this time.

Mariin akong napalunok. "P-Paano kung ayaw ko?" hamon ko, naghahanap ng tunay na sagot.

Agad namang dumilim ang paningin niya. Nahigit ko ang aking hininga nang sa isang galaw niya lang at naihiga niya ako sa kama, nasa ibabaw ko siya habang nakatitig sa aking mukha. Ayon na naman ang nagwawalang kabog ng dibdib ko, para akong mawawalan ng hininga lalo na nang marahan niyang dilaan ang kaniyang labi. Mayamaya pa ay impit siyang napaungol at sumubsob sa aking leeg.

"I will force you to mate with me. I will impregnate you and do everything I can so you'll stay with me forever . . ." he whispered hoarsely against my ear. "Therefore, reject me while I'm still sane because I won't let you escape from me once I've lost my mind, Faraiah."

Napasinghap ako nang patakan niya ng maiinit na halik ang aking balikat. "I'm a werewolf, an alpha to be exact. I am territorial and ruthless, Faraiah. Your fear is acceptable because I'm very dangerous, my love . . ."

Wala sa sarili akong napapikit nang lumakbay ang mga labi ni Cleon patungo sa gilid ng aking labi. "Run away from me when I can still let you go . . ." he mumbled weakly when he reached the half of my lips.

Tuluyan nang lumipad sa labas ng bintana ang aking katinuan nang dumampi ang kaniyang labi sa akin. Binigyan niya ako ng marahan ngunit mapang-angkin na halik. Hindi ako tumugon, hindi ako tumutol. hinayaan ko lang siyang gawin iyon hanggang sa marahan niyang idinistansya ang sarili sa akin.

Unti-unti akong nagmulat. Namumungay ang mga mata niya. Hinaplos niya ang aking pisngi at inilagay ang mga takas kong buhok sa gilid ng aking tainga.

"I don't want to force you; believe me," he said sincerely, and later on, his jaw clenched for the nth time. "But . . . I don't want to let you go either. Your innocence is the only thing that keeps me sane at this moment, Faraiah."

Maingat siyang umalis sa ibabaw ko. Nanatili naman akong nakahiga at nakasunod lamang ng tingin sa kaniya. Dapat ay mas lalo akong matakot sa kaniya dahil sa mga narinig ko, pero kabaligtaran ang nangyari. Parang may galak pa sa puso ko nang maramdamang hindi niya ako kayang pakawalan.

Nababaliw na talaga ako.

"Four years ago . . ." I uttered, getting his focus on me once again. "Have you ever killed a human?"

Marahang kumunot ang noo niya. Bakas ang kalituhan sa kaniyang mukha pero nanatili siyang seryoso. Unti-unti naman akong bumangon at mas lalong tumitig sa kaniya.

"Did you kill my parents, Alpha Cleon?" diretsa kong tanong habang walang emosyon na nakatingin sa kaniya.

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Where stories live. Discover now