XV: BREAK

3.6K 171 30
                                    

Red is supposedly considered a lucky color, but to me, it suddenly seems unfortunate. Kung nauubos man ang swerte ng isang tao, mukhang nasaid na ang sa akin ngayon. I swallowed hard and tried to smile at her.

"H-Hello po." Alanganin akong tumawa kasabay ng simpleng pagkaway ng kamay ko. "Dito po ako nag-aaral," paliwanag ko kahit hindi niya ako tinatanong.

Walang bakas ng tuwa ang mukha niya kahit na sinubukan kong pagaanin ang atmospera. Pansin ko ang ilan sa mga nanonood sa amin na may tuwa sa mukha dahil sa nangyayaring pagharap sa akin ng babae, mayroon din naman na tahimik lang at natatakot makialam. Gusto kong umismid dahil sa panahon na ito, kaya ko nang tukuyin kung sino ang mga tumatahol sa kanila at hindi.

"Stand up," she commanded.

I made a slow gulp as I was hesitant to comply. Sa huli ay wala na rin akong nagawa kundi ang  sumunod. Una, dahil may posisyon siya. Pangalawa, dahil may pangil siya. Alinman sa dalawa ang gamitin niya sa akin, pareho akong walang laban.

"What you naively did is something I will never forgive. Kung hinayaan ka ng alpha, p'wes ibahin mo ako. Ako ang magpaparusa sa iyo."

I could feel the rage in her tone. Hindi ako bobo para magtanong pa kung bakit niya gagawin iyon o bakit niya ito ginagawa sa akin. Obviously, she likes their Alpha. May gusto siya kay Cleon.

Natatakot man ay nagagawa ko pa ring kumalma. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang tiwala ko na hindi ako basta mapapahamak dito. Perhaps because I am aware that she would much rather torment me than kill me instantly.

"Takbuhin mo ng anim na beses ang buong campus."

Hindi ko napigilang mapamulagat nang sabihin niya iyon. "Miss." Alanganin akong tumawa. "Hindi po ako sumali sa sports contest," patuloy ko.

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Literal na tumigil 'ata sa pagtakbo ang utak ko sandaling iyon. Nagdadalawang-isip kung babawian ko ba siya o hahayaan na lang na apihin ako. In the end, I simply decided to take a deep breath and calm myself down.

Tandaan mo, Faraiah. Estudyante ka lang, hindi estudyanteng may anti-rabies at anti-tetanus.

"Do you think I'm fooling around?" mariin niyang wika at nagsimulang magbago ang kulay ng mga mata niya.

Mukha rin ba akong nakikipagbiruan?

Yumuko na lang ako at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang madaldal kong bibig. "S-sorry," iyon na lang ang aking nasabi.

"What are you still waiting for? Get out of my sight!" she shouted; she also knocked my chair over, scattering my belongings as a result.

Matinding pagpipigil ang ginawa ko para lang 'wag siyang tingnan at bigyan ng masamang tingin.

Bwakinangshet, uso pa pala ang ganito ngayong 21st century. Cringe.

Walang imik kong dinampot ang bag ko at ilang gamit na lumabas doon. Pagkatapos niyon ay nagsimula na akong maglakad patungo sa pintuan nang hindi siya binabalingan ng tingin. Lihim ko na lang siyang minura sa isip ko.

Kung hindi lang siya naka-anyong tao, iisipin kong nauulol siya.

I rubbed my cheek as I walked. Pairap akong umungot dahil paniguradong namumula ito ngayon. Hindi naman ako sobrang puti, laki ako sa hirap mula nang mawalan ako ng mga magulang, ngunit ganoon pa man ay napakasensitibo ng aking balat. I knew my crimson cheek will remain all day. Tsk!

Bumagsak ang balikat ko nang mapagtanto ang parusa ng babaeng awu awu sa akin. Hindi lang isang beses niya gusto na ikutin ko ang buong campus kundi anim na beses pa! Naiisip ko pa lang ang sikat ng araw mamayang tanghali ay nakararamdam na ako ng panunuyo.

Kapag tinamaan ka nga naman ng malas na babaeng selosang awu awu.

Napailing na lamang ako saka itinabi ang bag ko sa isang bench. Mas mabuting iwanan ko ang gamit ko kaysa isama sa pagtakbo, makadaragdag lang ng bigat iyon. Tanging ang cellphone na lang ang nilagay ko sa aking bulsa dahil iyon lang naman ang pwedeng manakaw sa akin.

Isang malalim na hininga ang hinugot ko saka tiningnan ang buong campus. Napapangiwi man sa lawak niyon ay sinimulan kong mag-unat ng mga tuhod para hindi mabigla ang katawan ko sa gagawin kong marathon. Ilang minuto akong nanatili sa pag-i-stretch hanggang sa magsimula akong tumakbo.

Isipin mo na lang, Faraiah, na training ito kapag hinabol ka ng mga awu awu.

Natawa na lang ako sa sarili kong kalokohan at napailing. Patuloy ako sa pagtakbo kahit na napapansin ko ang ilang estudyante na dumudungaw sa akin mula sa kani-kanilang silid. Biruin mo nga naman, may mga marites din pala sa kanila. Psh!

***

HALOS trenta minutos na ang lumipas at nasa kalahati pa lamang ako ng ikalawang ikot ko. Puno na ako ng pawis at nagsisimula na ring humapdi ang balat ko dahil tumitindi na ang sikat ng araw. Napapagod man ay hindi ko maiwasan na mamangha. Hindi ko kasi akalain na kakaiba ang turo dito sa mga batang awu awu. Ang ilan sa mga Epsilon na pumunta sa mansyon ang nakatoka sa kanila. Tinuturuan sila hindi lang ng edukasyon kundi pati na rin ang buhay nila bilang . . . ahmmm . . . werewolves? Hunting, wolf form, etc. Ilan lang iyon sa mga narinig at nakita ko nang madaanan ko sila.

Sabagay, 'di uso iyon sa mortal dahil hindi naman gano'n kakumplikado maging tao.

Sandali akong napatigil sa pagtakbo nang makaramdam ng liyo. Nagsimulang magkaroon ng butil-butil na itim ang paningin ko. Para akong mabubuwal sa aking pagkakatayo kung hindi ko lang pinilit na ituwid ang mga tuhod ko.

"Hindi ka pa pwedeng tumigil, Faraiah. Hindi pa tayo nakakakalahati sa dapat mong matakbo," paalala ko sa aking sarili.

Huminga lang ako ng ilang beses at ipinagpatuloy ang pagtakbo sa kabila ng pandidilim ng paningin ko. Tinatahak ko na ang daan patungo sa harapan ng gate ng akademya nang napansin ko ang isang pamilyar na bulto. Unti-unti kong nakita ang kunot niyang noo habang lumiliit ang distansya naming dalawa.

"Cleon?" wala sa sariling bulaslas ko.

Nakatayo siya habang nakapamulsa. Kitang-kita ko ang umiigting niyang panga at pagbabago ng kulay ng mga mata niya sa kabila ng prente niyang pagtayo. Hindi ko alam kung titigil ako sa harapan niya o magpapatuloy sa pagtakbo para walang masayang na oras, pero alinman sa dalawa ay hindi ko na nagawa nang tuluyang umikot ang paningin ko.

Inaasahan ko na ang pagbagsak ko sa semento pero mabilis akong nasalo ni Senyorito. Hindi ko man siya malinaw na nakikita ay pamilyar na ang amoy niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa akin kahit pa naroon ang matinding pag-iingat niya.

"Senyo . . . rito . . ." nanghihina kong wika at tuluyang napapikit.

I don't know why, but when I'm in his arms, I feel so at ease. I feel as though I'm being held still and put to sleep. Eventually, I found myself in the oblivion when I felt his soft touch on my cheek afterwards.

"Whoever did this to you, I will break their fvcking bones."

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Where stories live. Discover now