I: FORBIDDEN

9.9K 271 25
                                    

"Wala namang mahirap gawin sa bahay na ito," ani ng matandang babae na sa tingin ko ay mayordoma ng mansyon.

I roamed my eyes around the house. Hindi ko napigilan na mamangha sa bawat muwebles at kagamitan na nadadapuan ng mga mata ko. Halong moderno at makaluma ang disenyo ng mga kagamitan na halos magpatintero ako sa unang panahon at kasalukuyan.

Noon pa man ay bali-balita na talagang mayaman ang angkan ng Zarelli; ang misteryoso at iginagalang na pamilya sa lalawigan namin. But it's only now when I have actually verified everything, and this whole thing was a big slap on my face at this very moment.

Narito ako ngayon matapos akong matanggap bilang katulong nila. Ulila na ako sa mga magulang kaya naman noong nabasa ko ang anunsyo nila tungkol sa paghahanap ng kasambahay ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na mag-apply. Malaki ang tuwa ko nang natanggap ako. Bukod kasi sa malaki sila magpasahod ay hindi sila gano'n kahigpit sa oras ng trabaho. I was a little bit confused yet somehow thankful for that. Hindi kasi ako mamomroblema sa oras nang pagpasok ko sa school, 'yon nga lang kailangan kong mag-transfer sa pinakalamapit na paaralan mula sa mansyon para hindi ako bum'yahe nang matagal.

"Basta tulad ng bilin ko. Kailangan mo lang mapanatiling malinis ang mansyon. At siguraduhin na may nakahandang pagkain bago ka umalis," saad ng mayordoma.

I smiled sparingly and then nodded. Muli kong inilibot ang aking paningin sa mansyon hanggang matuon iyon sa ikalawang palapag.

"Bukod pa roon ay palaging mong tatandaan ang ipinagbabawal ko. Kailanman ay hindi ka pwedeng umakyat sa itaas."

Unconsciously, I raised an eyebrow. "Sino po ang maglilinis doon kung gano'n?"

"Ako na ang bahala sa ikalawang palapag. Basta ang toka mo ay rito sa ibaba," aniya.

Napalabi na lamang ako at tumango. Isa iyong advantage para sa akin dahil maghahati kami sa area nang lilinisin pero 'di ko pa rin maiwasan na magtaka.

Why is she allowed?

Napailing na lamang ako nang maisip na siguro ay may mga mahahalagang gamit sa ikalawang palapag kaya ipinagbabawal na puntahan.

"Tayo lang po ba ang tao rito?" tanong ko nang napansin na walang ingay ng kahit sino sa buong bahay.

"Tatlo lamang tayo rito sa bahay. Ako, ikaw, at saka si Senyorito. Ang panganay na anak ng Zarelli," tugon ng matanda.

Tumango-tango na lamang ako. Iniwasan ko na magtanong pa nang magtanong kahit pa gusto kong mang-usisa tungkol sa anak na tinutukoy niya.

Sadya bang hindi nakikipagkita ang amo sa unang araw ng tauhan?

"Halika, dadal'hin kita sa magiging kwarto mo." Naunang maglakad ang mayordoma sa akin na agad ko namang sinundan.

Habang naglalakad ay hindi ko naiwasan na mapatigil sandali. Pakiramdam ko kasi ay may kung anong koneksyon ang humihila sa akin sa itaas na palapag. Isang buntonghininga ang ginawa ko at pilit na ipinagsawalang bahala iyon.

Ano ka ba, Faraiah? Super powers lang?

Napangiti na lamang ako at nagpatuloy sa pagsunod sa ginang.

Namamahay lang siguro ako.

HINDI naging mabigat ang simula ng araw ko sa mansyon. Pagkatapos kong mag-ayos ng aking mga gamit ay ang pagluluto naman ang isinunod ko. Simpleng caldereta, pritong isda, at pinakbet ang inihanda ko para sa aming tatlo nina Manang.

Few moments later, I started seting the dining table. Sakto namang pasok ng ginang kaya sandali akong tumigil at saka bahagyang yumuko bilang paggalang sa presensya niya.

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Where stories live. Discover now