X: SANITY

4.4K 221 40
                                    

"Do you really think you can escape from me?"

I suddenly found myself cornered against a big tree. Napakibilis ng pangyayari. Kung paano niya ako nahabol ng walang kahirap-hirap at nahila. Nabitiwan ko ang hawak kong telepono at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaking kaharap ko.

"S-Senyorito . . ." utal kong tawag; umaasang babalik siya sa kaniyang katinuan.

Nahigit ko ang hininga ko nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa gilid ng aking tainga. Ramdam ko ang bawat buga ng hangin na pinakakawalan niya. My knees wobbled when his tongue slowly licked my ear. Hindi ko man sinasadya ay napahawak ako sa dibdib niya.

"Your skin tastes different," he whispered.

Then his nose trailed down to my jaw; he's sniffing my scent. "Senyorito," ani ko nang naramdaman ko ang mukha niya sa leeg ko.

Mas humigpit ang kapit ko sa kaniyang dibdib. Lalo akong nanghihina sa takot. Dumidilim ang paningin ko at halos kapusin na ako ng hininga. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang eksena kanina, kung paano niya hinalikan ang babae hanggang sa kagatin niya ito.

I felt him opened his mouth. Miski ang pangil niyang tumatama sa balat ko ay hindi nakatakas sa aking pakiramdam. When I sensed the tip gently digging into my neck, I tightly closed my eyes.

"Cleon . . ." I whispered; breathless and in slight pain.

Hindi ko alam kung hallucination ko lang ba pero may liwanag akong nakita sa kabila nang nakapikit kong mga mata. May kung anong init din na dumadaloy sa aking mga kamay na hindi ko maipaliwanag nang maayos. I badly wanted to open my eyes, but I'm scared. Bukod pa roon ay wala na talaga akong lakas para gawin iyon.

"C-Cleon . . . wake up . . ." the last thing I could say before my strength completely left me.

Naramdaman ko na lang ang pagsalo ng isang bisig sa akin. I don't know why, but it provided me with immediate solace. I tried to see who it was with my eyes partially closed.

Cleon . . .

He's looking at me with his stern eyes. Ramdam ko ang pag-aalala roon sa kabila nang malamig niyang awra. Nananaginip 'ata ako o baka patay na talaga ako sa mga oras na ito kaya naman kung ano-ano ang nakikita ko. Unconsciously, my lips stretched for a small smile when he gently touched my face. Ako ang nasaktan pero ako ang naninigurado sa kaniya na maayos lang ang lahat. Muli akong napapikit nang marahan akong umangat sa ere. He's carried me carefully.

Thank you . . .

I spoke in my mind before I drifted to oblivion.

IT'S cold. Iyon ang naramdaman ko nang magising ako. Ang paligid pati na rin ang kung anong dumadampi sa mukha't leeg ko.

"Is she okay?" pamilyar na boses ni Miro.

"Yes," someone replied; I sensed warmth in his frigid tone despite it being cold.

"Maghahanda muna ako nang makakain," it was Manang.

Where am I? What happened?

Masakit ang ulo ko. Gusto kong dumilat pero nanghihina pa ako. Paulit-ulit ko lang nararamdaman ang pagdampi ng sa tingin ko ay bimpo sa aking balat.

"Did you mark her?" seryosong usisa ni Miro.

Kahit wala sa sarili ay hindi ko maiwasang irapan siya sa isip ko.

Nauulol na naman ang aso.

Hindi agad sumagot ang kausap niya. Habang tumatagal ay unti-unti akong nagiging aware kung nasaan ako, at kung sino ang mga kasama ko. Doon ay sinubukan ko nang imulat ang aking mga mata.

The moment I did that, Cleon's face greeted me. Nasa ere ang kamay niyang may bimpo, asta iyong ididikit sa mukha ko. We stared at each other for a second. Naputol lang iyon nang kusa siyang umiwas.

He cleared his throat and slightly moved a distance away from me. "How are you?" he asked nonchalantly.

Hindi naman ako nakasagot at napatulala lamang sa direksyon niya. He's normal! Hindi ko guni-guni ang nangyari sa gubat.

"A-Am I dead?" paninigurado ko.

"Okay, she's now okay. I'm leaving," singit ni Miro na akala mo'y kota na sa akin.

Gusto ko siyang tingnan at samaan ng tingin pero napako lamang ang aking mga mata sa lalaking nasa harapan ko; kay Senyorito. Wala sa sarili kong naiangat ang daliri ko at tinuro siya. Napakurap-kurap pa ako bago bumuka ang bibig ko para magsalita.

"Y-You . . . okay ka na?" hindi makapaniwala kong sambit. "H-Hindi ka na baliw?"

Cleon's forehead automatically creased, while Miro let out a chuckle.

"Yeah, hundred percent she's now okay," he said.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. He just shrugged at me and tapped the alpha's shoulder before leaving us alone in the room. Napaawang ang labi ko nang mapagtantong nasa silid kami ni Senyorito. Nakahiga ako sa kama niya.

Agad akong kumilos para bumangon pero natigilan ako nang maramdaman ang kamay niyang nakaalalay sa aking likod. Mariin akong mapalunok sa maliit na distansyang naghihiwalay sa amin. Mukhang hindi lang ako ang nagulat kundi pati siya.

His eyes slightly went wide and then his jaw clenched. Kitang-kita ko ang kaguluhan sa mukha niya kung lalayo o magpapatuloy sa pag-alalay sa akin. Sa huli ay ang una ang ginawa niya. Maingat niyang inalis ang kaniyang kamay sa akin at lumayo.

"I'm sorry. I just want to help you," he said.

Tanging tango lamang ang ginawa ko kahit pa nalilito sa paliwanag niya. Nagpatuloy ako sa maayos na pag-upo saka siya muling tinitigan. Nahihiya man sa ginagawa ko ay hindi ko mapigilan.

He's not looking at me, he kept averting his gaze.

"Wow," bulaslas ko na nakakuha ng atensyon niya. "Para ka na talagang tao ngayon. Tao na awu awu."

Kumunot ulit ang noo niya. "Awu awu?" pag-uulit niya.

Nakagat ko naman ang ibaba kong labi at hindi sinubukang ipaliwanag iyon. Kung kay Miro malakas ang loob ko na sabihan siya ng kung ano-ano. Hindi kay Senyorito. Mukha kasi siyang seryoso at agresibo palagi. Samantalang iyong isa, tamang obobs lang.

"Are you . . . not scared?"

Doon ay muli kong naalala ang nangyari sa gubat. Bumalik man ang takot sa dibdib ko ay hindi ko maipapagkailang medyo kalmado ako ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit.

I should freak out the moment I saw him. Pero bakit parang nakahinga pa ako nang maluwag?

"I am," pag-amin ko.

Sino'ng hindi? Muntik lang naman niyang gawing juice ang dugo ko.

Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos niyon. Parehong nakikiramdam sa isa't isa. Napangiwi lang ako nang sinubukan kong tumingin sa orasan. Doon ay naramdaman ko ang hapdi sa aking leeg.

My mouth dropped open when I discovered my bandaged neck. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.

"Did you . . ." I trailed off. "Oh my ghad! Awu awu na rin ako?!" histerikal kong sabi.

"What?" he asked; confused.

"Ano . . . werewolf na rin ba ako? Ano . . . mate mo, gano'n. Omg!" Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking mga kamay habang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Magta-transform na rin ba ako?

Taken na ako?

I stopped from moving when his hand held mine. Napatulala ako roon kasabay nang mainit na kuryenteng dumadaloy sa sistema ko.

"Calm down. You're not yet marked if that's what you're thinking," he said.

Pero hindi ko iyon inintindi. Hindi maalis ang atensyon ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Marahan at tamad na gumagawa ng bilog na masahe ang kaniyang hinlalaki sa balat ko.

It's . . . comfortable and soothing.

"I don't know how you did that, but for the second time, you brought back my sanity."

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon