Chapter 6: My Brother's Past

105 10 8
                                    

Nawala sa isip ko 'tong story na ito na iupdate. May mga chapters akong sinulat, di ko naman inupload. Hahaha!

Sorry po, busy lang sa ibang stories so far. Malapit na kasi matapos iyong isang story ko sa isang secret account ko.

May nagbabasa pa ba nito? Wala naman kasi nagkocomment kaya tinamad tuloy ako iupdate. Char! hahaha!

Chapter 6: My Brother's Past
Written by: CDLiNKPh 

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Benjamin sa nakuhang reaksyon mula kay Cara kanina. All his life, he thought that she never cares about them and she only cares about the prince. But the way he see it earlier, it seems like she's just hiding it and she's really concern about them. But is it really true? Or she's just doing this to gain sympathy from him?

"From now on, I will be a good sister to you..."

Nagbalik sa isipan niya ang sinabi nito kanina at ang maganda nitong ngiti na tila ngayon lang niya naappreciate sa buong buhay niya na magkasama sila. For some reason, biglang pinamulahan ang mukha niya at kumabog ng malakas ang dibdib niya. What the hell is happening to him?!

Umiling siya. Nahihibang na nga yata siya. Why is he feeling something like this and all of people, sa kapatid pa niya na naknakan ng sama ng ugali?

Naalala tuloy niya noong mga bata pa lang sila. Close sila noon at madalas ay naglalaro pa sila ng magkasama. Pero noong grade 6 at gumradweyt ito noon na hindi nakuha ang pinakamataas na karangalan na katulad ng sa kanya noong siya ay nagraduate din noong elementary ay kinagalitan ito ng grand duke noon at kinumpara sa kanya. Sinabi na isang kahihiyan para rito na naturingan itong anak ng grand duke pero nadaig pa ng commoner sa pagkuha ng pinamataas na karangalan sa eskwela.

Simula noon, lumayo ang loob nito sa kanya. Hindi na siya nito pinansin at kahit nagtangka siya na habulin ito noon para alamin kung ano ang nagawa niyang kasalanan ay ito pa mismo ang nagtaboy sa kanya palayo. Sinabi nito na huwag na raw niya itong kausapin at lalapitan kahit na kailan. Habang lumalaki sila ay nanatili itong malamig at ni hindi man lang siya binabati at nginingitian kahit nagkakasalubungan sila. Sa laki ng palasyo ng grand duke, kahit nasa iisang lugar lang sila ay bihirang-bihira sila kung magkita.

Kaya naman pati siya ay nalayo na rin ang loob at hindi na pinilit pa ang sarili rito. Because of his pride, nagfocus na lang siya sa sarili at ginawa ang mga expectations ng ama sa kanya. Ganoon din marahil ito dahil simula ng pagsabihan ito ng ama ay mas naging maparaan na ito sa pag-aaral at hindi na ito nangingimi pang gamitin ang kapangyarihan ng ama sa lipunan para makuha ang mga achievements na ineexpect ng ama nila rito.

She also did something horrible to him. Maybe not directly to him but to those girls who is showing an interest in him. Kahit pa wala siyang interes sa mga iyon, nababalitaan na lang niya na ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay binibully nito. Kung hindi pinapahiya sa harap ng maraming tao ay madalas, sinasaktan naman at ginagamit ang status nito bilang anak ng grand duke para magpower trip. He know that she's not doing it for him. She's just afraid na may babaeng mapalapit sa kanya ng sobra at dumating sa point na pakakasalan na niya. Kapag nangyari iyon ay mate threaten ang posisyon nito bilang prinsesa ng palasyo. Dahil siya ang magiging tagapagmana ng duke balang araw, ang mapapangasawa naman niya ang susunod na magiging lady ng palasyo. Kapag nangyari iyon, ma-e-etcepwera na ito.

Naging popular si Cara sa high society. Lahat ay takot, pinangingiligan ngunit hinahangaan at ginagalang ito sa kabila ng arogante nitong pag-uugali sa kahit na sino. Para sa lahat, ito ang epitome ng isang perpektong babae. Maganda, matalino, elegante at malakas ang sex appeal. Wala nga yatang lalaking hindi magkakagusto rito kahit sa unang tingin pa lang. Maliban na lang siguro sa crown prince na ayaw na rito sa umpisa pa lang. Marahil, dahil alam ng crown prince na sa kabila ng kagandahang mayroon si Cara ay gano'n naman ang kinasama ng ugali nito. 

No One Loves Me That's Why I Became A Goddess in Another World (Tagalog)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα