Chapter 2: A Girl Without Love

102 14 1
                                    

Chapter 2: A Girl Without Love
Written by: CDLiNKPh

UNTI-UNTING nagdilat ang mga mata ni Katherine at dalawang tila nag-aalalang mga katulong ang sumalubong ng tingin sa kanya. Nilibot niya ang paningin sa paligid at naroon pa rin siya sa isang hindi pamilyar na lugar. 

Muling sumakit ang ulo niya at narealize kung ano na nangyayari. Pinilit niyang kumalma kahit sa totoo lang ay gusto na niyang sumigaw sa sobrang takot dahil sa misteryo na nangyayari sa kanya. She doesn't want the two woman in front of her to suspect that she became someone else. 

Habang natutulog siya kanina ay tila awtomatikong nagkaroon na siya ng kamalayan sa kung sino siya. Nakuha niya ang memory ng katawan na kinalalagyan ng kaluluwa niya ngayon. Siya na ngayon si Cara Valentina. Isang villainess sa isang manhwa na binabasa niya bago siya matulog bilang si Katherine. Yes, that's right. She is not Cara. She just slept and then when she wakes up, she became Cara. She can't believe that this is really happening and at first, she thought that she's just dreaming. But now that she wakes up, sigurado na siya na nasa loob siya ng isang nobela. Isang nobela na hindi siya ang bida.

"Where is everyone?" tanong niya. 

Nagkatinginan sina Digna at Moira. Ang mga katulong niya sa palasyo na iyon. 

"Naroon sila sa kwarto ni Claire! Ang kapal ng mukha ng babaeng iyon! Inaagaw ang atensyon ni Prince Philip!" sabi ni Digna.

"True! At pati sina Duke Valentina at Sir Benjamin ay naroon din kahit na alam naman nila na nawalan ka rin ng malay, Lady Cara! Ano bang pinakain ng babaeng iyon sa kanilang tatlo? Unbelievable!" sabi naman ni Moira.

"Sabihin mo lang, Lady Cara kung ano ang gusto ninyong gawin namin sa babaeng iyon. Kahit buhay pa namin ang maging kapalit ay itataya namin kung iyon ang makakapagpaligaya sa 'yo!" sabi naman ni Digna.

Napataas ang kilay niya sa narinig mula sa dalawa. Bigla niyang naalala ang novel na nabasa niya. Ang dalawang ito ang mga maid na nag-alaga kay Cara simula pa sa pagkabata at mayroong bulag na loyalty kay Cara. Lahat ng sinasabi ni Cara sa mga ito ay sinusunod ng mga ito. Ilang beses nga ba nagtangka ang dalawa na lasunin at iframe up si Claire sa novel na binabasa niya? Ganoon kaloyal ang dalawang ito kay Cara. Handang pumatay para lang maging masaya si Cara.

Sa kabila ng bulag na katapatang iyon ay pawn lamang ang tingin ni Cara sa dalawa.  Ni kaunting pagmamahal para sa dalawa na nagpalaki sa kanya ay wala si Cara para sa mga ito. Dahil iniisip ni Cara na ang dalawa ay naroon lamang dahil pinapasahuran niya ang mga ito. Just because of money.

Si Cara ay isang tao na hindi nakakaunawa ng tunay na pagmamahal. Dahil hindi nito iyon naramdaman mula pagkabata at dahil na rin pakiramdam nito ay lahat ng tao ay ginagamit lamang ito o may masamang intesyon, hindi rin ito nagkaroon ng attachment sa dalawang katulong. 

Nanatili si Cara na uhaw sa pagmamahal at naghahabol sa atensyon ng tatlong lalaking na ni walang pakialam sa kanya. Sina Duke Valentina, Benjamin at Phillip. Ang tatlo pa mismo ang nagdala sa kanya sa kamatayan.

"Don't do anything yet. Kapag may nangyari, iisipin agad nila na ako ang may pakana at mas lalo ko lang iyong ikasasama. Lie low muna tayo," sabi na lang niya.

Sinabi lang niya iyon para manahimik na ang dalawa. Ang totoo, simula ngayon ay ayaw na niyang iinvolve ang sarili kay Claire at sa tatlong lalaki na mahalaga sa buhay ni Cara. It is because she knows what will happen in the future and she will never let herself get killed like the true Cara. Alam niya na kahit ano pa ang gawin niya ay hindi kailan man niya makukuha ang respeto at pagmamahal ng tatlong lalaking iyon. At higit sa lahat, si Claire ang magiging dahilan ng kamatayan niya kaya she doesn't want to do anything with her.

Poor Cara. Kahit nawalan na ng malay ay ni hindi man lang sinilip ng lalaking mahal nito at ng pamilyang itinuturing nito. She dedicated her life proving herself to them but she died in vain. 

Bumuntong-hininga siya. She needs to run away from this place as soon as possible. Kailangan niyang pumunta sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya.

Biglang nagbalik sa ala-ala niya ang kwento ng librong nabasa niya. Natapos niya ang kwentong kinaroroonan niya ngayon at sa totoo lang, hindi lang ang pagkamatay ng totoong Cara ang nakatakdang trahedya na mangyayari sa mundo. Dahil ang mundong ito ay nakatakdang magunaw sa kamay ng isang demon king na hindi magagawang talunin ng male lead dahil sa matinding obsession nito sa female lead. May malakas na kapangyarihan man ang crown prince na siyang fiance niya at bida sa kwentong ito ay wala rin iyong nagawa dahil focus lang ang atensyon nito sa pag-angkin sa inosenteng female lead. Sa dami ng love interest ng female lead sa kwento, nanaig ang takot nito na maagaw si Claire. Kaya naman mas pinagtuunan pa niyon iyon ng pansin kaysa sa mga taong nasasakupan nito. Kaya ang ending, ito at si Claire ay kapwa rin namatay sa kamay ng villain.

Pero iba siya. Hindi niya hahayaan na mangyari iyon. Wala man siyang pakialam sa sariling buhay, hindi ibig sabihin niyon na hahayaan na lang niyang mamatay ang mga inosenteng tao sa paligid niya. Taglay niya ang impormasyon para maiwasan ang nakatakdang pagkasira ng mundo at alam din niya kung ano ang makakatulong sa kanya para malabanan ang Demon King. Hindi siya mananatili sa palasyong ito katulad ng totoong Cara para makipag-agawan lang sa pagmamahal ng mga lalaking hindi nito makukuha kahit na kailan. Gagawa siya ng sarili niyang buhay.

- TO BE CONTINUED...

No One Loves Me That's Why I Became A Goddess in Another World (Tagalog)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن