Chapter 4: The Revelation

90 12 1
                                    

Chapter 4: The Revelation
Written by: CDLiNKPh

UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata niya si Claire. Ang nakangiting mga mukha nina Prince Philip, Benjamin at Duke Valentina ang nasilayan niya na tila lahat ay nag-abang sa paggising niya.

"Ayos ka na ba, Claire? Wala bang masakit sa 'yo?" nag aalalang tanong ni Prince Philip.

"Ayos lang po ako, Prince Philip. Nasaan po si Lady Cara? Ayos lang din ba siya?"

Biglang nag-iwas ng tingin sina Prince Philip, Benjamin at ang grand duke. Mukhang hindi man lang sinilip ng mga ito ang kalagayan ni Cara.

"Hindi ko po maintindihan kung bakit nandito kayo imbes na kay Lady Cara. Isa lang akong maid," Gustuhin man niya na matuwa sa gesture ng mga ito na mag-alala para sa kanya, sobra ang pagtataka niya kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala ng mga ito sa kanya. At hindi niya maiwasang hindi makunsensya dahil habang nag-aalala ang mga ito sa kanya ay tila wala namang pakialam ang mga ito kay Lady Cara. 

"You're not just a maid to us, Claire. You're important to us," sabi ni Prince Philip. 

"Pero bakit?" nagtatakang tanong niya. 

Hindi naman makasagot si Prince Philip. Iyon ay dahil alam naman ng lahat kung sino ang totoong fiancee niya. 

Nang hindi sumagot ang prinsepe ay hindi na niya ito pinilit pa. Akmang tatayo na sana siya pero pinigilan siya ng mga ito. 
"Where are you going?" tanong ng prinsepe. 
"Pupuntahan ko po si Lady Cara. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya."
"No matter what happens to her, she deserve it!" Biglang napasigaw si Benjamin. 
Natigilan naman siya. 
"Benjamin is right. She deserve  whaever happens to her. Siya ang nagplano kaya ka nalunod at hinigop ng kapangyarihan ng lawang iyon. Alam niya na sinumang may mabuting puso ang malaglag sa lawang iyon ay hihigupin ng masamang enerhiya na mayroon doon but she still asked you to go there just to get her god damn ribbon! Everyone knows here, that place is off limits! We even placed a sealing magic there but what did she do? She asked a magician to remove it so that you can go inside!" galit na galit na sabi ng duke na tila wala ito ni katiting na amor para sa sarili nitong anak at parang mas nag-aalala pa kaysa sa kanya. 

Sa totoo lang ay naguguluhan na talaga siya na maging ito ay ganoon ang pag-aalala sa kanya. Ni hindi naman sila magka-ano-ano. 

"Pero hindi naman po niya ako pinilit na kunin iyon. Pwede naman akong tumanggi pero hindi ko ginawa. She's my lady, it's only natural for me to do what she ask me to do. At kasalanan ko rin na hindi ko alam na off limits pala ang lugar na iyon..." nakayukong sabi niya. 

Nginitian siya ng prinsepe. Saka hinaplos ang mukha niya. 

"You're a really good girl. You've even taking her side despite what she did to you," sabi nito. 

"But you don't even need to do that, Claire. We're here to protect you. We know how wicked my sister is and this is not the first time she did something like that to you. She attempted to kill you so many times, why you're still siding with her?!" sabi naman ni Benjamin. 

Bigla siyang natigilan nang maalala kung paano siyang hinalikan ni Lady Cara. Hindi niya maintindihan kung bakit sa isang iglap ay tila lumakas na lang bigla ang tibok ng puso niya. They're right, she tried to kill her, not once, not twice but so many times and she knows how much she hates her. But why does she save her at that time? And why did she kiss her?
Naalala niya ang sinabi nito na ang paghalik sa kanya ay isang paraan lang para mailigtas siya pero hindi niya alam kung bakit hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at kapusin ng hininga. 
"Why you're not saying anything?" untag ni Prince Phillip nang hindi na siya magsalita at sa halip ay pinamulahan pa ng mukha dahil sa kakaisip kay Lady Cara. 
"She seems shock. I can't blame her. My despicable sister did something horrible to her. And worst, baka sa susunod na pagtangkaan pa ulit niya ang buhay ni Claire ay baka magtagumpay na siya!" sabi pa ni Benjamin. 
Sa sinabing iyon ni Benjamin ay tila nagpanting ang tenga ng duke. Bigla nitong hinampas ang glass window na naroon. Dahilan para magdugo ang kamay nito at mabasag iyon!
"Dad, what's wrong with you?" nagtatakang tanong ni Benjamin. 
"I won't let that evil woman hurt my daughter again! We need to get rid of her!" galit na sabi nito. 
"Daughter? You mean, Claire?" nagtatakang tanong ng prinsepe. 
"Maybe it's time for you to know everything, Prince Phillip. Cara is not my real daughter and she probably knows it that's why she's trying to kill my real daughter."
"You mean, Claire is my real sister?!" hindi makapaniwalang tanong ni Benjamin. 
"You're right. Baby pa lang siya noong mawala siya, Benjamin. Ninakaw siya ng mga bandido at dahil nakatakda siyang maenggage sa prinsepe at hindi pwedeng hindi matuloy ang engagement ay naghanap ako ng ibang baby para magpanggap na Cara.Then I've found 'Cara', I don't even know her real name is but she's not your sister Cara! You probably don't remember your real sister's face because you're still 3 years old at that time but 'Cara' is not your real sister. Si Claire ang totoo mong kapatid!" pagbubunyag ni Don Valentina. 
Siya naman ay natahimik lang. She's been an orphan all her life at ni hindi na siya umaasa noon na may totoo pa siyang pamilya but of all people, ang nag-iisang grand duke pa ang totoo niyang ama? How is that even possible?
"Kahit pa may kinuha akong baby para magpanggap na Cara ay hindi ko pa rin sinusukuan ang paghahanap sa totoo mong kapatid but I failed to find her. Ang huli ko lang nabalitaan ay nakatakas siya sa mga slave trader at nagpakalat-kalat sa kalye. Hanggang sa matagpuan siya ni Cara by coincidence at dahil kamukhang kamukha siya ng namayapa mong ina ay nagkaroon agad ako ng kutob na siya ang totoo mong kapatid. Kumuha ako ng hibla ng buhok niya ng palihim at dinala ko iyon sa grand priest. Using his holy power, I confirmed that we are blood related. She's your real sister!
"No! You're lying! Claire is not my sister!"
"At bakit ayaw mo? I thought you two are close!" nagtatakang tanong ng duke.
"Because I'm in love with her!" pagsigaw na ni Benjamin.
Sa narinig ay nanlaki ang mga mata ni Claire. Tila ba hindi pa sapat na malamang ang duke ang totoo niyang ama, malalaman niya na ang amo niya na pinaglilingkuran ay umiibig pa pala sa kanya!
"Shut up, Benjamin! You're not the issue here! Ang issue dito ay si Cara! Kailangan nating gumawa ng dahilan para maitakwil siya at mapaalis dito para makuha na ni Claire ang buhay na para talaga sa kanya! She's the rightful princess of our family at siya dapat ang maging fiancee ni Prince Philip! Don't tell me ipipilit mo pa rin iyang pag-ibig mo?!" hindi makapaniwalang tanong ng duke.
"You don't know what I feel! I love Claire! I really love her!" pagsigaw ni Benjamin at pagkatapos ay bigla na itong tumakbo paalis sa kwartong iyon.
Natahimik si Duke Valentina habang si Prince Philip naman ay tuwang-tuwa sa nalaman.
"Now I don't need to do anything to get rid of that woman. You're mine now, Claire..." sabi ng prinsepe na kinuha ang kamay niya at dinala sa mukha nito para ihaplos doon.
Titig na titig ito sa kanya na tila may glue sa mukha niya. Hindi niya alam kung bakit pero parang naiilang siya. Ni hindi pa nito sinasabi kung gusto ba siya nito pero para rito ay para na agad sila sa isa't-isa. 
Pero kung siya ang tatanungin, wala siyang nararamdaman para kina Benjamin at Prince Philip. Si Lady Cara
ang laman ng isip niya. Ngayong nalaman na nilang lahat na hindi ito totoong anak ng duke, ano na ang mangyayari rito? Hindi ito sanay sa hirap. Saan na ito pupunta?

- TO BE CONTINUED...

No One Loves Me That's Why I Became A Goddess in Another World (Tagalog)Where stories live. Discover now