Chapter 5: My Older Brother's Heartbreak

145 18 7
                                    

Chapter 5: My Older Brother's Heartbreak
Written by: CDLiNKPh

SA KABILA ng nalaman tungkol sa pagkatao nina Claire at Cara ay sinabihan ng grand duke sina Claire, Prince Philip at Benjamin na huwag muna sabihin sa lahat kung ano ang totoo dahil naghahanap pa ito ng magandang tyempo at dahilan para mapaalis si Cara sa palasyo na iyon.
Kahit hindi totoong anak ay kinikilala pa rin ng lahat si Cara bilang anak ng grand duke at hindi maaaring mabunyag sa lahat ang katotohanan na nagsinungaling siya sa lahat lalong lalo na sa royal family. Nagkataon lang na pabor kay Prince Phillip ang katotohanan dahil obsess ito kay Claire pero kung tutuusin, ang pagsisinungaling sa royal family ay isang mabigat na kasalanan. Kung ipapakilala man nila si Claire sa high society, dapat ay palalabasin nila na kakambal ito ni Cara para hindi magduda ang lahat. Pero bago iyon, dapat muna nilang gumawa ng dahilan para maitakwil na ng duke si Cara at pumalit si Claire bilang fiancee ng prinsepe.
Ang lahat ng iyon, lingid sa kaalaman ng lahat ay alam na alam na ni Cara mismo. Iyon ay dahil nasa bahagi na iyon ng libro na nabasa niya noon. Alam niya na sooner or later ay makakagawa na rin ng paraan ang duke para maitakwil siya.
Sa libro, dahil sa matinding selos na nararamdaman ni Cara para kay Claire ay nagtangka na naman siyang patayin ito. Hindi na nga yata niya matandaan kung ilang beses na nagtangkaang patayin ni Cara si Claire sa kwento pero sa pagkakataong ito ay talagang muntikan nang mamamatay si Claire. Dahilan para mawala sa kanya ang karangalan bilang Valentina.

"Ngayong araw ka na dapat kumakausap ng mga katulong para paghandaan ang paglalason kay Claire
para maitakwil ka na ng duke at mapaalis dito. Bakit hindi mo pa rin ginagawa?" nagtatakang tanong ni Ymir na ngayon ay nasa anyo ng isang pulang ibon at nakatuntong sa balikat niya. Naroon siya sa malaking garden ng palasyo at umiinom ng tea. As usual, may mga kasama siyang katulong pero may sapat na distansya naman na kahit magsalita siya ay hindi maririnig ng mga ito.

"Gusto mong mabago ang kwento, hindi ba? 'Yan, dahil wala akong gagawin, hindi matutuloy ang paglalason. Hindi ako mapapatay sa kwento dahil wala silang magiging grounds para gawin iyon."

"Pero hindi ka rin mapapalayas dito kung hindi mo gagawin. Remember the story? Hindi ka naman nila papatayin agad. Papaalisin ka lang at ikaw lang ang magbabalik para maghiganti. Paano kang makakaalis sa lugar na ito kung hindi mangyayari ang part na iyon sa story?"

"Shut up, Ymir! Hindi lang naman siguro iyon ang paraan para makaalis ako sa poder ng duke. Pwede naman akong tumakas 'pag gabi. Hindi ko na kailangan pang manakit ng ibang tao."

"At paano kung sundan ka nila? You might not be the duke's real daughter but everyone still thought that you are. They might suspect the duke kapag nalaman nila na hindi ka man lang niya pinahanap kung mawawala ka na lang bigla."

"Kapag nakaalis na ako rito, maririnig ko pa ba ang sasabihin ng ibang tao?"

"Maybe you're just scared of the butterfly effect. Are you afraid that Claire might really die if you attempt to kill her?"

"Sort of. And if it happens, hindi kakayanin ng kunsensya ko. Nangialam na nga ako noong nakaraang araw. Doon sa lawa scene, supposedly ay si Prince Phillip dapat ang magliligtas sa kanya pero hindi sinasadya na ako ang nakagawa no'n instead of him. Doon pa naman sana madedevelop si Claire sa prinsepe pero dahil ako ang gumawa, sa tingin mo ba ay matutuloy pa rin ang love story nila?" sabi niya.
"Siguro naman. Alangan namang sa 'yo siya mainlove," sabi nito sabay tawa.
Natigil ang pagtawa niya dahil bigla na lamang niyang natamaan na papalapit sa kanya ang 'kapatid' na si Benjamin. Halatang galit na galit ito. Umupo ito sa harapan niya.
"Kung inaakala mo na pababalikin ko pa sa pangangalaga mo si Claire ay nagkakamali ka. Simula ngayon, sa akin na siya magsisilbi! Hindi ko na hahayaan na may gawin ka pang masama sa kanya!" sabi pa nito.
Galit na galit ito habang siya ay kalmado lang na nagkakape. Her poor brother. Sobrang sakit siguro ng puso nito ngayon dahil ang babaeng kinababaliwan nito ay kapatid pala nito. Mas lalo lang itong nawalan ng pag-asa na makuha ang heroine.
"Don't worry, I won't do something that might harm her anymore, brother. I'm sorry if that made you upset but rest assured that from now on, I will be a good sister to you and I will be good to her as well," nakangiting sabi niya.
Tila naman parang nakakita ng multo ang reaksyon o namaligno ang reaksyon ni Benjamin.
"Is this one of your scheme? Acting innocent just to avoid the fact that you tried to kill her AGAIN! I won't fall for that!"
"Well, well, I can't blame you if you don't believe me anymore but since I'm still your sister in name, I want to give you an advice. Stop your obsession with Claire now. You see, she's your real sister and now that she knows that now, she will never see you in that light. Well, you already know what I mean."
"So you're really aware of her identity? You admit it that you know all along? And yet, you still made her your servant! How dare you do that to the duke's real daughter!" napatayo ito.
Oppss... Hindi niya naiwasan ang bibig. Hindi nga pala niya dapat sinabi rito na alam na niya. But why does it matter now? She's about to leave anyway.
"Correction, hindi ko naman iyon alam no'n no'ng kinuha ko siyang slave. Do you really think na kukunin ko pa siyang slave kung alam ko na agad sa umpisa pa lang? I only discovered it no'ng pinapaimbestigahan na siya ni Daddy."
"And you didn't even bother to tell me?! Do you know how much I love her now? Kung nalaman ko lang sana sa umpisa pa lang, hindi na sana lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya!" naghihinakit na sabi nito.
"How? Tell me, Benjamin? Did you even gave me a chance to talk to you as a sister? You are always ignoring me! Para sa 'yo ay wala kang ibang nakikita kung hindi si Claire lang! Even if I want to tell you, you don't even want to look at your sister! God knows how much I want to be your sister but you always see me in a bad light eversince we we're a child. Sa tingin mo ba ay magkakaganito ako kung hindi dahil sa inyo rin ni Daddy? You never treated me as a family and now I know why!" panunumbat na rin niya.

For some reason, tumulo ang luha sa mga mata niya at bigla siyang naging emotional. She knows that she's not the real Cara but at this time, para bang naging iisa ang damdamin nila at siya ang nakakaramdam ng bagay na nararamdaman sana ngayon ni Cara.

Ang mga salitang iyon ay hindi masasabi kahit kailan ng tunay na Cara. Yes, she's begging for their love but she never said that infront of her father and brother's face. Ipinapakita nito ang pagiging desperada nito, kadalasan ay sa pamamagitan lang ng kilos. She's always cold, elegant and strict outside but deep inside, all she wants is love. Love na hindi nito nakuha kahit ito pa ang kinikilalang anak ng duke. Lalo na nang malaman ng lahat na hindi iyon totoo.

Natahimik si Benjamin nang dahil sa sinabi niya. Para bang saglit nitong nakalimutan ang sariling heartbreak at tila nakunsensya nang dahil sa sinabi niya.

"I'm sorry, I didn't tell you sooner. And you might not believe it but even if we're not blood related, you're the only family that I know. I genuinely love you and father. But I guess, it's not the same for the both of you. But I just want you to know that I truly want you to be happy. At makukuha mo lang iyon kung magmamahal ka ng ibang babae na kaya ka ring mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Obsession is not love, Benjamin..."

Iyon lamang at iniwan na niya ito. Habang si Benjamin naman ay hindi makapaniwala na ang kapatid niyang si Cara ang nagbitiw ng malalalalim na salitang iyon...

- TO BE CONTINUED...

No One Loves Me That's Why I Became A Goddess in Another World (Tagalog)Where stories live. Discover now