Chapter 11

16 10 2
                                    

Chapter 11

Heto na, ito na yung gabing hinihintay ng mga crim students ang Crim Ball Night.

'Di pa naman siguro magsisimula yung prom.'

Inayos ko na lahat yung mga kalat sa kwarto at heto ako busy nagpapatuyo sa buhok ko, suot-suot ko na rin yung dress na binili ko sa boutique noong nakaraan. Napatigil naman ako sa pag-blower sa aking buhok nang biglang tumog yung notif ng aking phone.

Unknown Number:
{Hello, Beshy! Sarah 'to, saan kana?}

'Gosh! Wag niyang sabihin nasa school na sila?'

Unknown Number:
{Nasa school na kami beshy, waiting sa'yo HEHEHE.}

Agad ko namang pinatay yung phone ko at dali-daling nag-ayos sa sarili.

Tumayo ako sa harap ng salamin, upang mag-ayos na para sa special event na gaganapin ngayon gabi. Late na rin ako!

Adding a touch of blush will give my cheeks a healthy flush and a radiant glow, enhancing my complexion in a natural way. As for curling my hair, it's a fantastic way to add volume and texture. The soft curls will frame my face beautifully, adding a touch of glamour to your overall appearance.

Nang matapos ako halos 'di ko makilala yung sarili ko, sa sobrang ganda ba naman!

'Sheesh! Ako ba 'to?'

Natawa naman ako sa inasta kong paulit-ulit na kinakausap yung sarili sa salamin.

Sa ilang minuto kong pag-aayos natapos din ako sa wakas! Lumabas na ako sa dorm at pumara na ng taxi papuntang school.

"Eto po manong, salamat."

Inabot ko naman kay manong yung pamasahe ko at naglakad na papasok ng school.

Pagkarating ko ng Amphitheater, napahanga ako sa ganda ng mga ilaw na kumikinang. 'Di pa naman gaano karaming tao, baka nga masyadong excited lang sina Sarah.

"Good Evening, Ma'am."

Napangiti naman ako sa isang lalake na bumati sa akin,

"Good Evening."

Sagot ko rito at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa Amphi.

Inilibot ko yung paningin ko sa loob, halos magulat ako sa sobrang ganda! Parang nasa isang Castle ako sa sobrang ganda. Ang mga ilaw ay may iba't ibang kulay.

"Beshy!"

Napalingon naman sa boses na narinig ko at sa 'di kalayuan tanaw na tanaw ko si Sarah na kumakaway sa akin.

"Ang tagal mo!"

Na iinis niyang ani sa akin, 'di ko na lamang ito pinansin at na upo nalang nang maayos sa tabi ni Ethan.

"Hi, Cali! Ganda mo."

Napalingon naman si Sarah kay Ethan pagkatapos nitong sabihan akong 'Ganda mo.'

'Selos yarn?'

"Wow ha! Si Cali na kakarating lang nakatanggap ng ganyan compliment, how about me naman Ethan? Kanina pa ako rito oh puros pangungutya lang ginagawa mo."

Napatawa naman si Ethan sa inasta ni Sarah. Gagi, konti nalang talaga iisipin ko talaga na may gusto ni Sarah kay Ethan e.

"Don't be mad, babe. Look! Pangit ka na nga mas pumangit ka pa."

Humalakhak naman si Ethan sa kaniyang sinabi kay Sarah, at ngayon yung babae namumula na sa inis kay Ethan. And wait! Babe? Hmm-

"Pangit ka rin!"

Mas lalong humalakhak si Ethan, na ika-inis ni Sarah.

Wala 'to, mauuwi talaga 'to sa isang war.

"Tumigil na nga kayo, tignan niyo magsisimula na."

Suway ko sa dalawa, dumadami na yung mga crim students at ready na rin yung mc kaya feel ko magsisimula na, dapat lang talaga magsisimula na kung ayaw nilang masira yung gabi na 'to dahil sa dalawa kong kasama.

"A mysterious and sharp-minded investigator ready to solve the crime of the night at the Criminology Prom. With a keen eye for detail and a knack for unraveling complex mysteries, Detective Noir will bring an air of intrigue and excitement to the event, keeping everyone on their toes as they navigate the world of clues and suspects. Dressed in a classic black suit, fedora, and trench coat, Detective Noir is the embodiment of old-school charm and modern crime-solving expertise. Get ready for a night of suspense and thrill as Detective Noir takes center stage at the Criminology Prom!"

Nagpalakpakan naman ang lahat,

"Grabe ang hot ni Sir!'"

"Woah! Sir akin ka nalang."

"Please, Sir anakan mo ako."

Namasid naman ako sa huling sigaw na narinig ko, tama ba yung narinig ko? Gosh!

Ilang oras na rin ang lumipas simula noong nag simula yung event, si Ethan at si Sarah ayun nga bati na yung dalawa nagsayaw na.

At ako heto busy kaka-inom ng apple juice ko, bawal naman kasi ako mag-inom ng champagne.

"Hey, Buddy!"

Napatingin naman ako sa isang lalake na nakatayo ngayon sa aking harapan, naka ngisi pa ito sa akin.

"Dance?"

Napatango naman ako bilang tugon sa kaniya, boring naman kasi kung uupo nalang ako dito sa buong oras ng prom na ito.

"Tara na."

Sumunod naman ako sa kaniya sa dance floor, grabe nagsisiksikan na sa dance floor halos ma-ipit na ako.

"Dito nalang tayo,"

Sabi ko sa lalake na nag-aya sa akin, huminto naman siya at tinignan na lamang ako.

"Hoy! Sumayaw ka naman!"

Sigaw ko rito habang sumasayaw ako, halos mabingi ako sa lakas ng sound system. Nasa tapat naman namin kasi yung speaker,

"S-sure, heto na sumasayaw na."

At ayon nga sumayaw nga yung lalake, halos matawa ako sa sayaw niya.

'Uod ba siya?'

"Ok ba?"

Tumango naman ako sa kaniya at nagpipigil ako ng tawa ko, para siyang uod na binuhusan ng asin.

"Sige, s-sumayaw ka lang!"

Nagpipigil pa rin ako, imagine mo yung pilit niya sumayaw. Naaawa tuloy ako sa sarili niya, grabe!


To be continue.....

A/U: Sorry kung natagalan yung ud, very busy sa school you know na. And masyadong maikli yung ud ni author ngayon, under editing in this chapter. Enjoy reading, readers!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shadows of Love Where stories live. Discover now