Chapter 8

26 20 0
                                    

Chapter 8

Ang daming nangyari sa araw na iyon, nakakapagod. Kakauwi ko lang galing sa paaralan, at pagdating ko, nagulat ako na nakabukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Huh? Paano nangyari 'to? Sigurado akong naka-lock ang pinto bago ako umalis kanina,"

bulong ko sa sarili.

Agad kong tinungo ang aking kwarto at pumasok. Ngunit sa aking pagkakapasok, nabigla ako sa kadiliman na bumalot sa loob. Wala ring ilaw na nagpapasilaw sa aking paningin. Napaisip ako na baka nandito sina Mama at Papa at handa nilang sorpresahin ako.

"Ma? Pa?"

panggugulat kong boses ang aking ibinulalas.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa gitna ng silid. Inisip ko na baka may tao na nagtatago sa mga sulok. Nang biglang...

Biglang nawala sa akin ang malay.

Sa oras na nagmulat ako, nalaman kong ako ay nasa ibang lugar. Isang kuwarto na puro mga metal bars ang nakapalibot sa akin. Napaligid ang aking mga kamay at mga paa sa mga tanikala, na ginawang tiyak na hindi ako makakalabas.

"T*ngina! Anong nangyari?"

sigaw ko sa bingit ng pagkabahala.

Napaka-dilim ng silid na kung saan man ako ngayon, nilibot ko ang aking mata sa kwarto.

"Maaaa! Help meee!"

Naiiyak kong sigaw. Nangingig na rin ako dahil sa ramdam ko na iyong gutom ko. Anong oras na ba iyon? Baka tumatawag na sa'kin si Mama, baka nag-aalala na iyon. Narinig ko naman na yapak ng paa na papunta sa kinaroroon ko, agad naman ako nag tulog-tulugan.

"Letch*ng! Lalake na iyon buti nalang nahuli natin ito,"

"Opo boss buti nalang walang mga tao sa hallway ng dorm niya non,"

"Sige, ipakain niyo nayang bihag niyo."

Narinig ko namang yung yapak pa alis ng kanilang boss.

"Hoy babae! Bumangon kana diyan, kumain kana."

Sigaw nito sa akin, at naramdaman ko naman na may isang plato na sa tabi ko. Bumangon naman ako at napatingin sa kanila, 'di ko sila makikilala dahil sa suot nilang soro.

"Kumain kana,"

Napa-upo naman ako ng maayos at kinuha yung pagkain ko, nag simula nang kumain.

"Napaka kawawa mo naman na damay ka pa,"

Anito, 'di ko pa rin siya pinansin pinabayaan ko lang siya sa pagkwento sa akin. Wala akong pake kung sino mang tao yung tinutukoy ng mga hinayupak ito.

"Kung pumayag lang kasi siya, ayan edi sana tahimik kalang natutulog sa dorm mo ngayon, itong lalake kasi napaka-maarte akala niya makakayang kalabanin si Boss."

Napalingon naman ako sa kaniya, nakuha niya yung atensyon ko dahil sa kwento niya ngayon.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

tanong ko nang may kahinahunan, umaasa na may magpaliwanag sa sitwasyon.

Ngunit ang sagot na narinig ko ay mga tawa at pangungutya. Wala akong maintindihan sa mga kinikilos nila. Ang aking puso ay napuno ng kalungkutan at panghihinayang. Hindi ko akalaing mararanasan ko ang ganitong pagkakabigo at pagkabalewala.

"Naku, kawawa ka talaga!"

bulalas ng isa sa kanila, patuloy pa rin sa pagtawa at pagkutya.

Habang ang mga yapak nila ay lumalayo, ako'y naiiwan na lamang mag-isa. Ang aking puso'y sumisigaw ng tulong, umaasang may magsasalba sa akin mula sa kalbaryo na ito. At sa gitna ng pagkabigo, ang tanging naisip kong tawagin ay si Mama.

Shadows of Love Where stories live. Discover now