Chapter 10

15 15 2
                                    


Chapter 10

It's already 5:00 in the morning, napaka-aga kong nagising dahil nga shopping day ko ngayon, binigyan naman kami ng oras this day para makapag-ready pa kami sa prom.

Tinignan ko naman yung phone ko na kagabi pa tumutunog yung notif ko kulang nalang sumabog ito.

Pagkabukas nagulat naman ako sa dami nang messages.

500 unread messages
From:
Unknown Number.

"Grabe naman 'tong tao na ito, 'di ba siya natulog at 'di ba siya nagsasawang i-text ako?"

Ani ko sa sarili ko, nakakagulat naman kasi. Imagine 500 unread messages?

Kaya binasa ko lang yung pang-huling mensahe nito,

From:
Unknown Number
{Meet me in ZC MALL at 9:00 Am}

Napabuntong hininga naman ako, sisipotin ko ba siya? Sakto rin kasi na papuntang ZC MALL din ako for shopping, binigyan na kami ng time para mamili ng susuotin namin sa prom kaya naisipan ko ngayon araw ako mamimili.

Dali-dali naman ako nagtungo sa CR at naligo, pagkalabas kong naligo nagbihis na rin ako. I'm wearing a simple shirt, skirt, and boots. Nakalugay naman iyong aking buhok naglagay na rin ako ng vitress pati na rin yung bangs ko para naman 'di tangayin ng hangin.

Pagkarating ko ng Mall, inilibot ko naman yung paningin ko nagbabakasali na makita yung unknown na 'yon. Ngunit sa dami ng tao bigo akong mahanap at makita siya. Gosh! Ganon ba siya ka importante para makipag-meet ako sa kaniya?

"Cali, pumunta ka rito para bumili ng susuotin mo sa prom, hindi makipag-meet up."

Usap ko sa sarili ko, kaya naglakad nalang ako papuntang Shinny Boutique kung saan makaka-less talaga ako.

"Good Morning Ma'am, welcome to Shinny Boutique."

Bati ng isang sales lady sa akin, nginitian ko naman siya at naglibot libot na rin ako nang biglang may nahagilap akong isang Black dress napaka ganda.

"Ma'am dress po ba hanap niyo?"

Tinignan ko naman yung sales lady at binalik ko rin agad yung tingin ko sa Black dress.

"Heto po, kukunin ko po ito."

Turo ko sa dress na 'di man lang nililingon yunh sales lady.

"I like your taste Ma'am, super ganda po nito. And wait lang po kayo sa fitting room."

Napatango naman ako sa kaniya,

"Nasa left side po nito yung fitting room,  ma'am."

Iniwan ko naman siya at nagtungo na ako sa fitting room. Ilang oras din ako nag hintay sa kaniya,

"Sorry Ma'am, medyo natagalan ako. Heto po Ma'am sukatin niyo na po."

Inabot niya naman sa akin yung dress, at kinuha ko na rin 'to, at sinukat sa fitting room.

Pagkalabas ko fitting room halos lahat ng customers napatingin sa akin, ganoon naba talaga ako kaganda?

"Omg! Ma'am bagay na bagay sa'yo po!"

Kita ko sa mata ng sales lady ang pagkamangha, natawa naman ako ng mahina dahil sa halos mabulol siya kakasabi ng bagay na bagay sa akin.

"Ganda niyo po talaga Ma'am, kahit wala pa po kayong make-up."

Compliment ba 'yon?

Pumasok naman ako ulit sa fitting room nagbihis ulit,

"Good morning, Ma'am. 700 po lahat,"

Shadows of Love Where stories live. Discover now