Chapter 6- First Time

19 4 0
                                    

Niyakap niya ako. "Pakalmahin mo ang iyong sarili, nakikiusap ako." sa salita niyang iyon ay biglang gumaan ang aking pakiramdam. Humupa na maging kakaibang nangyari sa akin sa araw na ito.

Gumaan na nang tuluyan ang aking pakiramdam at alam kong nararamdaman niya rin iyon.

"Patawad ako ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa iyo ngayon. Patawad kung sobra ang panginginig mo ngayon. Patawad dahil sa kakulitan ko... "

"Tumigil ka na nga. Nakakarindi na ang paulit ulit mo ng paghingi ng tawad. Wala ka namang ginawang kasalanan." pagputol ko sa paulit-ulit niyang paghingi ng tawad, nakayakap pa rin sa isa't isa. Dahan dahan kong inilayo ang aking sarili, kumalas sa pagkakayakap at napaupo sa mayayabong na damo. Madilim na rin ang paligid, gabi na. Tumingala ako sa kalangitan at laking gulat na tatlo ang buwan na dapat ay isa lang.

"Ang ganda naman ng buwan, kaya pala sobrang liwanag tatlo pala. At ang rami rin ng bituin." nasabi ko dahil sa pagkamangha.

Tumingala rin ako sa lalaking kasama ko ngayon. "Hindi ka ba nangangalay diyan? Wala ka bang balak na maupo? Kanina ka pa nakatayo, baka isipin mo na wala akong care sa iyo at ang sama sama kong tao." sa isang kisap mata ay naka upo rin siya at katabi ko pa?! Wow! Napailing na lang ako.

"Ang lahat ay excited sa gaganaping Acad Masquerade Ball, bakit nandito ka pa rin?" tanong ko dahil wala yatang balak na magsalita itong katabi ko.

"Nandito ka nga rin. Patas lang tayo."

"Hindi ako pupunta kaya pwede ka nang mauna. Iwan ako dito dahil uulitin ko gusto kong mapag-isa."

"Hindi ako aalis. Gusto kong samahan ka. Marami akong katanungan na tanging ikaw lamang ang makakasagot." tanong niya na ikinagulat ko. Alam na ba niya? Na hindi ako taga rito? May alam ba siya?

"Umpisahan mo na nang sa ganoon madaling matapos. Nang sa ganoon makaalis ka na."

"Kakaiba ka talaga. Ikaw lang yata ang babaeng ayaw akong kasama." bulong niya na rinig ko naman. Palihim naman akong ngumiti. Nagdadrama. Uso pala niyan dito? Best actor niya naman kung ganoon. "Babae ka ba talaga? O nagbabalat kayo ka lang bilang isang babae?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko na malakas niyang ikinatawa. Pero napatigil rin ng mapansin ang tingin ko sa kaniya. "Biro lang."

"FYNI. For Your New Info, 100% babae ako. Baka anakan kita diyan, makita mo." nagulat siya maging ako rin sa sinabi ko. Lumalabas talaga ang pagka naughty ko at berding bunganga sa mga piling tao. Ilang sandali ang lumipas at walang nakapagsalita sa amin. Pinapakiramdaman ang bawat isa. Hindi alam kung may magsasalita pa.

"Balik na tayo sa akademya. Malapit ng mag-umpisa ang party at ang hindi makakarating ay may naghihintay na parusa." Parusa? As in Punishment? No. Hindi maaari. Hindi tama.

"Sino ang nagsabi sa iyo niyan? Bakit hindi ko alam? Pareho lang naman tayong Acad Schooler ah." sunod sunod na ani ko. Parang walang nangyari lang.

"Napakaingay mo."

"Kung naiingayan ka sa akin eh di iwan mo na ako. Sino ka ba para samahan ako rito? Hindi naman kita tinawag maging pinilit. Ni hindi ko nga alam eh maski isang letra ng pangalan mo." ngumiti siya nang nakakaakit. Bakit ba sa tuwing ngingiti siya at labas ang dimple ay naaakit ako?

"Kung gayon interesado kang malaman ang pangalan ko? Interesado kang makilala ako? Kung gayon, ngayon din ay magpapakilala ako."

"Wait. Sinong interesado sa iyo? Ako?" turo ko sa aking sarili. "Hiyang hiya naman ako sa matangos kong ilong at mahaba kong buhok kung ganoon. Ang Assuming mo." ngumiti lang siya. Kailan ba siya magseseryoso? Bakit idinadaan lang palagi ako sa ngiti na parang aso? Pero gustong gusto ko.

"Edzell Darthevill Demoonfalco, mag-iiwan ng salitang sayong sayo lang ako."

"Wow! Lakas ng impact ng banat mo ah."

"Talagang may impact sa iyo? Ang galing ko naman kung ganoon. Nagpakilala na ako, it's your turn naman. Sa pagkakatanda ko sa pangalan mo ay Zielleiah lang. Gusto ko buo. "

"Hindi naman kita pinilit na magpakilala, ikaw itong bida bida sa pangalan mo. Ayos na ang nalaman mong pangalan kong Zielleiah, at least kahit kaunti ay may alam ka."

"Bakit ba ang hard headed mo? Seryoso ka na ba talaga? O lahat ng ito biro lang sa iyo?"

"Biro lang kaya huwag kang sumeryoso dahil baka ikaw lang ang masaktan sa dulo."

"Kailan ka kaya titino kapag kinausap ka?"

"Kapag nawala ka na at hindi na kita makita pa." napa tsk. tsk. na lang siya sabay iling. Nakonsensya naman ako dahil seryoso na ang katabi ko. "Sorry. Ikaw kasi eh, sabi ng umalis ka na ikaw tuloy ang napagbuhatan ko ng nararamdaman ko ngayon."

"Alam ko naman na may dinadaramdam ka kaya hindi ako umalis."

"Salamat." tumitig siya sa akin. Ngumiti. First time na may isang taong nag-aalala sa akin. Na mananatili kahit pinagtatabuyan na. Na tatanggapin lahat ng pambabara maging maayos lang iyong pakiramdam. Sasabay sa kalokohan mong hindi alam kung naiintindihan ba niya talaga. First time na mangyari ito sa aking buhay.

"Walang anuman. Ang saya mong kasama sa totoo lang. Hindi ko pansin ang oras, nakangiti na pala ako kanina pa."

"Zielleiah Nathly Hellery Devillaine. Call me whatever you want. Basta huwag lang yung pang mangkukulam." sabay kaming natawa. First time na may katawanan ako sa bagong mundong ito, kahit kami ni Serenellyn ay hindi namin ito magawa. Hindi ko alam kung bakit. First time happen in my life.





                     Probinsyanatalie_DV

Knight in DarknessWhere stories live. Discover now