Chapter 5- Enchanted Forest

22 4 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit may mga ganoong pakulo pa silang ginagawa.

What is the purpose?

Malaki sa aking palaisipan pero isinasawalang bahala ko na lamang. Doon naman ako magaling eh sa mga pagsasawalang bahala ng mga bagay na buhay ko na ang labis na naaapektuhan. Feel ko sa simula pa lang mapa tao o maging ang mundong ito ay naging bahagi ng buhay ko. They looks familiar and for me all happen in my life is normal.

Still go with the flow pa rin ako.

Nawala na yata kay Serenellyn ang isipin kung bakit ko nalaman ang tungkol sa Full Strawberry Moon na ipinagpapasalamat ko naman dahil siguradong magigisa ako sa napakarami niyang katanungan.

Mababakas ang tunay na kasiyahan sa kaniyang mukha. Iba't ibang emosyon isa na doon ang excited.

"Ano ba Serenellyn, tumigil ka na nga. Hindi ka ba nahihilo o napapagod man lang sa iyong ginagawa?" pagsaway ko sa kaniya dahil kanina pa siya pabalik balik, lakad dito lakad doon. Nahihilo na talaga ako sa ginagawa niya. Nakangiti siya na parang timang na tumitig sa akin at patakbong tumalon sa kama.

"Excited na talaga ako sa mga mangyayari mamaya. Magbabalat kayo ako bilang isang sirena at hahandog ako ng napakagandang awitin para sa lahat." nagulat ako sa sinabi niya. Siren si Serenellyn? Bakit hindi ko naisip iyon sa simula pa lang. Totoo ba ang aking nalaman? Na may kakilala akong sirena. Na totoo nga talaga sila? "Ano naman ang ibabalat kayo mo mamaya, Zielle? Excited rin akong makita at malaman kung anong kapangyarihan ang taglay mo." Ito na ang isa sa kinakatakutan ko, na may magtanong kung anong kapangyarihan ang taglay ko. Ang maipakita ko tulad rin nila.

"Uhmm.." nangangapa ng sagot. "A- ano kasi.." nauutal. Sasabihin ko ba sa kaniya? Na bigla na lang akong nakapasok sa mundong ito at makilala sila.. siya? O paniniwalain ko siya sa kasinungalingang hindi rin magtatagal ay lalabas rin at malalaman nila? Bahala na. Mas mainam na sigurong hindi na lamang ako magsalita kaysa naman na magsalita akong hindi alam ang magiging epekto.

"Ayos lang kahit hindi mo sabihin. Naiintindihan ko. Marahil ay ayaw mong ibahagi tulad ng ginawa ko dahil hindi mo pa ito natutuklasan ng buong buo. Hindi pa nakokontrol kaya ayos lang talaga." wala na akong nagawa kung hindi ang titigan siya.

"Salamat." naisagot ko na lamang, nagulat pa ako ng bigla niya akong niyakap.

"Hindi magtatagal ay malalaman at matutuklasan mo rin ang totoo. Lahat ng sa iyo ay darating sa tamang panahon. Magtiwala ka lang sa sarili mo na kaya mo. Palagi mong tandaan na hindi ka nag-iisa." makahulugang ani nito. Tumango na lang ako kahit walang maintindihan. "Sige na, mag-ayos na tayo para sa gaganaping ball mamaya. Malapit ng dumating ang pinakahihintay nating oras. Mabuti ng handa nang sa ganoon wala ng iisipin."

Tumayo na ako sa kama niya't binuksan ang pinto at lumabas. Pumasok na ako sa kwarto ko at mabilis na isinarado ang pinto. Napahawak ako sa aking dibdib. Masama ba akong kaibigan? Masama ba ang maglihim sa isang taong mukhang ibinigay ang buong pagtitiwala sa iyo? Katanungang bigla na lang pumasok sa aking isipan.

Iisang kwarto lang kami ni Serenellyn pero nakapaloob ulit ang dalawang kwarto sa loob kung saan ang isa kay Serenellyn at sa tapat ay sa akin. Ang sa gitna ay may malawak na daanan palabas.

Sa lugar kung saan ako ngayon pakiramdam ko ay sinasakal ako hanggang sa hindi na makahinga. Mabilis na nadampot ko ang isang hoodie na color black at naisuot. Dali daling binuksan ulit ang pinto't lumabas. Gusto ko ng sariwang hangin. Gusto kong mailabas ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako patungo.

Knight in DarknessWhere stories live. Discover now