Chapter 4- Unexpected

26 4 0
                                    

Sa halip na kausapin ay lumayo ako sa kaniya't iwan siya. Hindi ko alam kung tama ba ang aking ginawa pero sa oras na ito, kasama siya ay hindi na ako makakilos ng maayos lalo na ang makapag-isip kung ano ba ang nararapat.

Nang makasalubong ko si Serenellyn ay nagtatakang mukha niya agad ang bumungad sa akin. Sa halip na magtanong ay tumahimik na lamang siya at ibigay sa akin ang inumin.

"Ang pinakahihintay ng lahat ay narito na" nagtatanong na tiningnan ko si Serenellyn ng magsalita makalipas ang mahabang sandali.

"Ano ba ang hinihintay? Ano ba ang ginagawa natin dito?" litong tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo ba hinihintay na makilala ang Head Acad Supreme ng Akademyang ito?" in shocked na tanong niya.

" Hindi. At wala akong balak." Mabilis na sagot ko. Tumitig siya sa akin hindi makapaniwala. Matapang rin akong nakipagtitigan sa kaniya.

"Kakaiba ka sa mga nakilala ko. Ikaw lang yata ang walang interesado sa ganoong bagay." napa-iwas ako ng tingin nangangapa ng gagawing sagot.

"Uhhmm.. interesado rin naman ako. Hindi lang tulad ng sa inyo. Medyo lamang lang siguro kayo ng konti." hindi ko na alam kung anong mga ipinangsasagot ko basta na lang iyon lumabas sa bibig ko. "Ahmm.. ano ba ulit ang ginagawa natin dito maliban sa ika mo nga paghihintay sa Head Acad Supreme?"

"Ah. Iyon ba? Maliban dun base sa mga narinig ko ay may mahalagang bagay daw ipaalam sa atin ang Head Acad Supreme. Gusto ko ng malaman kung ano pero pansin kong ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin. Baka hindi ulit sila makarating." napatango na lang ako. Naiintindihan ko siya. Kaya sila naghihintay dahil gusto nilang makilala ang Head Acad Supreme at isa sa rason kung bakit gusto nila itong makita at makilala dahil palagi silang pinapaasa na darating pero hindi naman sumusulpot. Kaya naman pala.

"Makinig ang lahat!" isang nakakabinging tinig galing sa hindi kataasang masasabi kong stage ang nagpatahimik sa lahat. Ang kaninang medyo maingay na parang huni ng bubuyog ngayon ay wala ng gaanong maririnig. Sana all well disciplined ang lahat. "Dahil sa isang hindi inaasahang  pangyayari, ang Head Acad Supreme ay hindi ulit makakarating."

"Na naman?"

"Ano ba yan, palagi na lang"

"Akala ko makikilala na natin sila"

"Tingin ko nga rin"

Iilan sa mga narinig ko, mapa babae o lalaki. Gusto kong maawa dahil palagi silang pinapaasa. Masakit talaga ang paasahin dahil sa ibang mundo naramdaman ko rin ang ganoon. Pero ngayon lamang ang tuwa dahil sa kanilang mga mukha. Gusto kong humalakhak sa kakatawa napapayuko na lang at pinipigilan ang sarili.

"Tumahimik ang lahat!" again, all the Acad Schooler are in silent. "Patapusin niyo muna ako bago kayo magbigay ng samot sari niyong komento" halata na ang galit sa tinig niya. "Uulitin ko, hindi sila makakarating dahil sa hindi inaasahang pangyayari and they need to fill it besides the Head Acad Supreme send here his most trusted consign to inform you all about the good news. Federyc, come here." tsaka lamang ako  napataas ng noo ng may tawagin siya, isang taong mukhang pamilyar. Parang nakita ko na.

"Good day to all. This message coming from the Head Acad Supreme and according here is.. wait." excited na ang lahat pero nabitin dahil sa pagputol ng Federyc ang pangalan. Ganoon pa man hinihintay kung ano ang magiging kasunod. "Sinong nakakaalam kung may ano ngayon? Makikita sa night sky mamaya?" as I expected, nag-ingay na naman na parang bubuyog ang ilan. Malaking pala-isipan.

"Talagang walang nakakaa-"

"Full Moon or Strawberry Moon" unexpected I answered his question. Mabuti na lang at walang nakakita ng ako ay magsalita maliban kay Serenellyn na katabi ko ngayon. Tumingin siya sa akin ng may nagtatanong na mukha pero tiningnan ko na lang siya na nanghihingi ng tulong at mabuti naman na mabilis niyang nakuha. Nagpapasalamat rin ako na malawak at hindi nagsisiksikan ang mga tao dito. Lalo na malayo kami sa isa't isa at si Serenellyn lang ang aking kasama.

"Sino ang nagsalita?" patingin tingin ang lahat hindi sa amin kung hindi sa iba pa, hinahanap. Wala talagang tiwalang alam ng isa sa amin dito. "Alam niyo bang bihirang tao lamang ang nakakaalam nun dito? Ang galing. Ako'y sobrang humanga. Gusto kong sabihing napakagaling mo sino ka man at dahil doon hindi ko na ito pahahabain pa."

"Tommorow all Acad Schooler have no classes and According  here is tonight there is a Acad Schooler Party. A party na magpapakitang gilas ang may kakayahang kayang kontrolin na ang taglay na kapangyarihan. Also there is Ball exactly a Masquerade ball. Good Luck to all. Enjoy your night tonight under the full strawberry moon." makikita ang sari saring emosyon sa mukha ng mga tao rito ng igala ko ang aking paningin. Maging ang katabi ko ngayong maluha luha habang nakangiti. Ngayon lang ba sila nakaranas nito? A party? Ako ang kinabahan. Masquerade? Ano naman ang ibabalatkayo ko? Hindi ko nga alam kung bakit ako narito. Lalong hindi ko alam kung bakit hindi nila ako naaamoy o nalalaman na wala naman akong kapangyarihan tulad nila.

"I really don't expect that this will happened tonight" Serenellyn uttered. "Excited  na ako, Zielleiah!" bakas sa kaniya ang labis na kasiyahan. I'm happy to see her like that, a happy one. But what about me? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Isa pa, iba ito sa party na nangyayari sa normal. Masquerade ito. Different powers involved. Sana maging maayos ang takbo ng buhay ko mamaya. Sana malampasan ko ang mangyayari mamaya at buhay pa ako.

"This is truly the Unexpected one."

Everything happens in my life is unexpected I'm sure that also to all.


       ~~~••• Probinsyanatalie_DV •••~~~

Today is June 04, 2023, DaachieVers! Today is Full Strawberry Moon but the saddest is we don't enjoy that much the night because of the Unexpected rain.

Knight in DarknessWhere stories live. Discover now