Chapter 2- My Knight

25 4 0
                                    

Isang kakaibang mundo ang bumungad sa akin pagkapasok. Laking gulat ko na ang kaninang madilim na paligid ngayon ay mayroon nang nakasisilaw na liwanag. Napaatras ako pabalik sa dinaanan ko pero wala na ang masasabi kong portal na pinasukan ko kanina. Isinawalang bahala ko na lamang ang lahat ng nangyayari at may tapang na inilibot ang paningin sa paligid.

Napatingin ako sa bandang kaliwa na kinakatayuan ko ngayon. Sa dulo nito ay mayroong ilog na nagkukulay asul dahil sa masasabi kong kalinisan. Ang pag-agos ay kakaiba. Ibang ibang sa normal kong nakikita. Unang laman ng isipan ko ay parang may magic na gumagamit.

Dali dali akong naglakad papunta rito. Nang makita ang reflection sa tubig ay lumayo ako't sinuri kung anong awra ang mayroon ako.

I looked amazed after a minutes of checking what I look like. Wearing a dress like a real princess.

"Zielleiah?" napatigil ako matapos marinig ang boses na tinatawag ang pangalan ko. May nakakakilala sa akin rito? tanong na gusto kong itanong. Malaki mang palaisipan isinawalang bahala ko na lamang bagkus napaharap pa ako't may pilit na ngiti sa labi, hindi alam kung anong isasagot. Mga mata nila ay sa akin.

"He- Hello?" nasabi ko sabay kaway, kinakabahan. Kakikitaan ng nagtatanong sa mga mukha nila, parang nagsasabing anong ginagawa ko.

Tilamsik ng tubig ang umalis sa tensyon sa pagitan namin. Sabay sabay kaming napatingin sa gilid kung saan may taong bigla na lang sumulpot na nakakasigurado akong galing sa tubig. Napamaang akong habang titig na titig sa kaniya, hindi alam kung anong dinadarama.

"Sorry  Head Acad Dame." paghingi nito ng paumanhin, nakayuko. "Kasalanan ko kung bakit siya lumapit banda sa akin at iwan kayo sa gitna ng inyong pag-aaral. Tinawag ko kasi siya gamit ang kakatuklas ko lamang na mahika." mahabang paliwanag nito.

"Ehhhhh! Ang gwapo niya sa malapitan."

"Oo nga!"

Impit ng kinikilig ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Napatingin ako sa tinawag ng lalaking nasa gilid kong Head Acad Dame ng sawayin niya ito sa strict na boses maging sa face.

"Ano ba tumigil nga kayo sa kakatili diyan? Parang iyan ang itinuro ko." napapahiyang tumigil at napapayuko ang pinagsalitaan niya. "Bakit siya?" turo niya sa akin.

"Hindi ko alam, malaki rin sa aking palaisipan." napapahiyang sagot nito. Hindi makatingin sa akin ng deretso.

"Parang may nabasa na akong.. isawalang bahala niyo na lamang. Masyadong malayo na tayo sa ating pinag-uusapan." Pag-iiba sa usapan ng Head Acad Dame. Hindi pinatapos ang gusto niyang sabihin. " At isa pa hindi ka nababagay dito dahil ang lugar na ito ay sa kababaihan lamang. Anong ginagawa mo rito?"

"Kanina pa ako narito, akala ko hindi kayo gagawi rito dahil ang layo sa pinag-aaralan niyo. Ang totoo ay aalis na ako pero natuklasan ko ang mahika sa tubig na hindi ko akalaing magagawa ko at tawagin siya. Paumanhin talaga." nakikinig ako sa kanila pero wala akong maintindihan. Napatingin na lang ako sa asul na tubig at hindi magsasawang tingnan ang napakagandang mukha. Walang pinagbagong mukha. Pinaganda lang.

"Pinapatawad na kita pero makakarating ito sa iyong Head Acad Mentor. Makakaalis ka na." in her voice there's a authority pero nang tingnan ko ang lalaki sa masasabi kong huling pagkakataon ay parang wala lang sa kaniya. Parang wala siyang pake. Ang hirap niyang basahin.

"Zielleiah and ladies, let's go back and that's will end today. Alam ko ring pagod kayo kaya ibibigay ko na lamang sa inyo ang remaining time natin para ipahinga niyo."

"Thank you, Good Bye and See You when we see you later or sooner, Head Acad Dame." sabay sabay nilang sabi. Ganoon pala ang sabihin kung magpapaalam na.

"Ikaw Zielleiah ha? Marunong ka nang maglihim sa akin." napabalik ako sa ulirat nang biglang may magsalita't hawakan ang kamay ko.

"Ha?" lumabas sa bibig ko, litong lito. Hindi ko alam ulit kung anong  isasagot ko gayong hindi ko kilala ang mga tao rito. Kung tao nga ba sila. 

"Wala. Binibiro lang kita. Ang gusto kong sabihin ang ganda at swerte mo para mapansin niya."

"Ba- bakit?" utal na tanong ko, naiilang.

"Basta. Bago ka pa lang kasi dito kaya mamaya ko na lamang ikwento. Tara na."

Nakatalikod man sa akin na lumalakad ang lalaki hindi ko maiwasang magpasalamat. "Thank you, My Knight. Galing sa puso na pinadaan sa hangin, sana sa kaniya makarating. Pagpapasalamat ko sa kaniya sana ay kaniyang tanggapin." I uttered in my mind. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit niya ako tinulungan. Basta ang alam ko He save me. Sa oras kung saan kailangan ko ng tulong sa unang pagkakataon siya ay nandiyan.

Kami ay nakatalikod sa isa't isa. Parehong may daang tinatahak pero magkaiba. Pero hiling ko na sana ang landas namin ay magkatagpo ulit. Sana magkita kami ulit. 


      🌛🦋🌛 End of Chapter 2 🌛🦋🌛

          ~~~••• Probinsyanatalie_DV •••~~~

Knight in DarknessWhere stories live. Discover now