CHAPTER 12: Breakfast

3.6K 216 80
                                    

Chapter 12: Breakfast

Pagising ko ay wala na si Ma'am sa tabi ko. Matagal akong nakatulog kagabi dahil katabi ko siya although may unan naman sa pagitan namin ay hindi parin mawala sa isip ko na katabi ko ito sa iisang kama.

Bumangon na ako at inayos ang buhok ko na medyo magulo bago bumaba. Naabutan ko si Nanay at Ma'am Rayhana na nagkukwentohan. Hindi pa nila ako napansin kaya dumeretso na muna ako sa cr para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay lumabas na ako.

" Walang kasiguraduhan na babalik-" napatigil si Nanay nang makita niya ako. " Oh gising kana pala anak." Nakangiting sabi nito kaya napalingon din saakin ang kausap nito. Suot parin nito iyong hello kitty sleepwear niya. Ang cute.

" Good morning, Nay. " Bati ko dito bago binalingan si Ma'am. " Good morning, Ma'am. "

Tumango naman ito at tumayo. Nagtataka man nang lumapit ito saakin. Pero napasinghap nalang ako nang halikan ako nito sa pisngi.

" Good morning, gorgeous."

Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon at-sa harap ni Nanay?! Mabilis na napalingon ako kay Nanay at nakitang napailing-iling nalang ito habang nakangiti. She sip her coffee na para bang normal lang ang nakita nito.

" M-a'am." Alanganing saway ko dito.

She just give me a 'what?' look.
" How's your sleep?" Tanong niya saakin.

" Uhm a-yos naman po. "

Napalingon ako kay Nanay nang tumayo ito. " Oh siya maiwan ko na kayo. "

" Saan po kayo pupunta?" Tanong ko.

" Sa bakeshop, nak. Ikaw na ang bahala sa bisita mo. " Saka nilingon si Ma'am. " Maiiwan na kita rito. "

Tumango naman si Ma'am. " Ingat po kayo. "

Wow mukhang close na agad sila.

Nang dalawa nalang kami ay pareho kaming natahimik. Pero nang maalala ko ang ginawa nito ay lumayo ako ng bahagya dahil ang lapit niya saakin. Kumunot ang noo nito sa ginawa ko.

" B-akit niyo po ako hinalikan?" Tanong ko.

" You've been staring at my lips last night so I thought you want a kiss from me." Nakangising sabi niya bago ako iniwan at pumuntang kusina.

Akala ko ba tulog na siya kagabi?

Napakaweird niya talaga kahit kelan.

Sumunod ako sakanya at naabutan ko siyang nagtitimpla ng kape sa dalawang baso. Pagkatapos ay binigay nito saakin ang isang baso.

" Here's your coffee." Sabay abot nito. Milo iyon habang ang kape nito ay black coffee.

" Paano niyo po nalaman na Milo ang iniinom ko?" Tanong ko.

Nilingon niya ako saglit. " Your Nanay." Simpleng sabi niya at kumuha ng cinnamon bread at nilagay sa plato bago nilapag sa mesa.

Pinaghila niya ako ng upuan. " Sit down. "

Sumunod nalang ako dahil wala narin akong magagawa sa pagiging bossy niya.

" Ayaw niyo po?" Tanong ko dito dahil hindi ito kumukuha ng cinnamon.

Umiling naman ito. " Kulang pa 'yan sayo."

Napasimangot ako kaya natawa siya. Anong akala niya saakin matakaw?

" We can share naman po e." Sabi ko.

She stare at me. Ayan na naman siya sa pagtitig ng ganyan.

Umiwas nalang ako. " Edi 'wag po"
Nang isusubo ko na sana ang cinnamon sa bibig ko ay hinawakan niya ang kamay ko at kinain 'yong cinnamon.

Mystery Strings ( Valle d'Aosta Series 5)Where stories live. Discover now